PAHINA NG IMPORMASYON
Hunyo 2, 2026, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon
Sa Hunyo 2, 2026, gaganapin ng California ang isang Primaryang Eleksyon kung saan pipiliin ng mga botante ang mga kandidato para sa mga pampederal at pang-estadong mga katungkulan. Sa San Francisco, ang mga botante ay boboto rin para sa mga lokal na labanan at mga panukala sa balota.
Ang ilang hindi mamamayan na residente ng San Francisco ay maaaring magparehistro at bumoto sa lokal na eleksyon ng Lupon Ng Edukasyon sa Hunyo 2. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin angPagboto ng hindi-mamamayan sa mga eleksyon sa lokal na Lupon ng Edukasyon.
Pagpaparehistro ng Botante
Maaari mong gamitin ang Voter Portal (Portal para sa Botante) upang suriin ang iyong katayuan ng rehistrasyon at tiyakin ang iyong impormasyon ay napapanahon.
Mayo 18, 2026, ang huling araw ng pagpaparehistro para bumoto at makatangap pa rin ng balota sa pamamagitan ng koreo para sa eleksyong ito.
Ang mga karapat-dapat na residente ay maaaring magparehistro online sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall, Room 48, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento upang humiling ng papel na form para sa rehistrasyon.
Matapos ang Mayo 18, ang mga karapat-dapat na residente ay maaari pa rin magparehistro at bumoto nang personal sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon o sa mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.
Saan makakakuha ng impormasyon tungkol sa eleksyon
Bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado ng California para sa impormasyon tungkol sa 2026 California Primaryang Eleksyon.
Sa Abril 2026, ipapadala ng Kalihim ng Estado ang Patnubay na Impormasyon para sa Botante kasama ang mga detalye tungkol sa eleksyong ito.
Kasabay nito, ipapadala ng Departamento ng mga Eleksyon ang lokal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Halimbawang Balota sa lahat ng rehistradong botante sa San Francisco . Ang mga isinaling bersyon ng pamplet ay makukuha sa wikang Tsino , Espanyol , Pilipino , at Vietnamese .
Ang Outreach Team ng Departamento ng mga Eleksyon ay handa ring magbigay ng impormasyon tungkol sa eleksyon ito, magsagawa ng mga presentasyong pang-edukasyon, tumulong sa pagpaparehistro ng botante, at mag-host ng resource tables sa mga kaganapan sa komunidad. Upang imbitahin ang Outreach Team, magsumite ng kahilingan o tumawag sa (415) 558-6104.
Mga Paraan ng Pagboto
Maaari kang bumoto sa pamamagitan ng koreo, nang personal sa City Hall Voting Center (bukas isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon), o sa lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon. Ligtas at aksesible ang lahat ng opsiyon sa pagboto, at maaari mong asahan ang magiliw, ligtas at may pag-galang na karanasan. Alamin kung paano tinitiyak at pinoprotektahan ng Departamento ng mga Eleksyon Pagbigay-seguridad at Pagprotekta sa Integridad ng mga Eleksyon.
Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo
Ipapadala ang mga balota sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng rehistradong botante ng San Francisco sa unang bahagi ng Mayo 2026.
Maaari mong ibalik ang iyong binotohang balota sa pamamagitan ng koreo. Upang mabilang, dapat may postmark ang iyong balota sa Araw ng Eleksyon at matanggap ito ng Departamento ng mga Eleksyon hindi lalampas sa pitong araw pagkatapos ng Araw ng Eleksyon. Kung ipapadala mo ang iyong balota sa Araw ng Eleksyon, dalhin ito sa tanggapan ng koreo at humiling ng manwal na postmark.
Ihulog Ang Inyong Balota
Simula Mayo 4, maaari mong ihulog ang iyong balota sa anumang opisyal na drop box sa California hanggang sa Araw ng Eleksyon. Magkakaroon ng 37 opisyal na drop box sa San Francisco.
Maaari mo ring ibalik ang iyong balota sa alinmang lugar ng botohan sa California sa Araw ng Eleksyon, mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.
Aksesibleng Systema ng Vote-By-Mail
Simula Mayo 4, maaaring makakuha ng aksesibleng balota ang sinumang rehistradong botante sa pamamagitan ng aksesibleng vote-by-mail portal. Maaaring gumamit ang mga botante ng pantulong na teknolohiya (tulad ng screen readers, sip-and-puff devices, head-pointers, at iba pa) upang markahan ang kanilang balota. Ang mga nakumpletong balota ay kailangang i-print at ibalik sa pamamagitan ng koreo o nang personal.
Bumoto nang Personal
Maaari kang bumoto nang maaga sa City Hall Voting Center, sa harap ng Room 48.
Magsisimula ang maagang pagboto sa Mayo 4 at magpapatuloy hanggang sa Araw ng Eleksyon, Hunyo 2.
- Lunes hanggang Biyernes: 8 a.m. – 5 p.m. (maliban sa Mayo 25 piyesta opisyal)
- Katapusan na linggo ng Mayo 23-24 at Mayo 30-31 : 10:00 a.m.–4:00 p.m.
- Araw ng Eleksyon, Hunyo 2: 7:00 a.m.–8:00 p.m.
Sa Araw ng Halalan, 501 na presinto ang magbubukas sa buong San Francisco, mula 7:00 am hanggang 8:00 pm. Ang listahang ito ay nagbibigay ng mga lokasyon ng mga presinto para sa halalan sa Hunyo 2 , kasama ang inaasahang tulong sa wika. Kung walang sinuman sa lugar ang nagsasalita ng iyong wika, maaaring magbigay ng tulong sa pamamagitan ng isang interpreter.
Karamihan sa mga botante ay hindi kailangang magpakita ng pagkakakilanlan kapag bumoboto. Hindi hihingi ng ID ang mga manggagawa sa botohan maliban kung ito ay hinihingi ng batas. Maaari kang hingan na magpakita ng pagkakakilanlan kung ikaw ay boboto sa unang pagkakataon matapos magparehistro sa pamamagitan ng koreo at hindi ka nagbigay ng numero ng lisensya sa pagmamaneho, numero ng state ID, o ang huling apat na numero ng iyong Social Security number sa iyong form ng pagpaparehistro.
Bago ang bawat eleksyon, nagpapadala ang Departamento ng abiso sa mga botanteng maaaring kailangang magbigay ng pagkakakilanlan, at hinihiling sa kanila na magsumite ng ID bago bumoto nang personal o bago ibalik ang kanilang kumpletong vote-by-mail na balota. Kung ito ay naaangkop sa iyo at hindi ka pa nakakapagbigay ng pagkakakilanlan, mangyaring magdala ng ID sa iyong lugar ng botohan o magsama ng kopya nito kasama ng iyong vote-by-mail na balota.
Ang mga katanggap-tanggap na uri ng pagkakakilanlan ay kinabibilangan ng kamakailang bayarin sa kuryente, tubig, o gas, iyong booklet ng sample na balota, iba pang dokumento mula sa ahensya ng gobyerno, pasaporte, lisensya sa pagmamaneho o state ID kard, o student ID kard na nagpapakita ng iyong pangalan at larawan.
Ang Inyong Balota
Ang mga opisyal na balota ng San Francisco ay makukuha sa apat na bilinguwal na format: Ingles at Tsino, Ingles at Espanyol, Ingles at Filipino, o Ingles at Vietnamese.
Ang mga facsimile na balota (isang kopya ng opisyal na balota na isinalin sa isang partikular na wika na maaaring gamiting sanggunian ng botante habang minamarkahan ang kanilang opisyal na balota) ay makukuha sa Bengali, Burmese, Hindi, Hmong, Hapon, Koreano, Mongolian, Thai, at Urdu.
Kung nais mong makatanggap ng mga materyales ng eleksyon sa isa sa mga wikang ito, maaari mong isumite ang iyong piniling wika. Kung hindi, kusang makakatanggap ka ng balota sa Ingles at Tsino.
Pagsubaybay sa Inyong Balota
Maaari mong gamitin ang Voter Portal (Portal para sa Botante) upang makita kung kailan ipinadala ang iyong balota at makumpirma kung ito ay tinanggap na para bilangin. Kung may problema sa sobre ng iyong balota—tulad ng nawawalang pirma—ito ay ipapaalam sa iyo ng portal at magbibigay ng mga tagubilin kung paano ayusin ang isyu.
Maaari ka ring mag-sign up para sa awtomatikong mga update sa email, text, o tawag sa telepono gamit ang Where's My Ballot tool.
Mga Resulta ng Eleksyon
Ang Departamento ng mga Eleksyon ay maglalabas ng mga lokal na paunang resulta sa Gabi ng Eleksyon, Hunyo 2, sa ganap na 8:45 p.m., at magpapatuloy na mag-update ng mga resulta sa buong panahon ng pagkambas pagkatapos ng Araw ng Eleksyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iskedyul ng pag-uulat ng mga resulta, bisitahin ang sfelections.gov/results.
Ang pinal na resulta ng lokal na eleksyon ay opisyal na patutunayan at ilalabas sa Hulyo 2, 2026.
Mahahalagang Petsa
- Unang bahagi ng Mayo 2026 – Dumarating sa mga mailbox ang mga pakete ng Vote-by-mail na balota; magsisimula ang personal na pagboto sa Voting Center sa City Hall, sa harap ng Room 48; 37 na mga hulugan ng balota ang bukas sa San Francisco.
- Mayo 18, 2026 – Huling araw ng pagpaparehistro ng botante (para makatangap ng balota sa pamamagitan ng koreo)
- Hunyo 2, 2026 – Araw ng Eleksyon, 501 na mga lugar ng botohan ang bukas sa San Francisco mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.
- Hunyo 2, 2026 – Ilalabas ng Departamento ang paunang resulta ng lokal na eleksyon nang 8:45 p.m.
- Hulyo 2, 2026 - Huling araw para sa Departamento ng mga Eleksyon na patunayan at ilabas ang pinal na mga resulta ng lokal na Eleksyon.
Mga Kapaki-pakinabang na Mapagkukunan
Karagdagang kaalaman tungkol sa maagang pagboto sa Voting Center sa City Hall, Room 48.
Tingnan ang mapa ng mga lokasyon ng mga opisyal na hulugan ng balota sa San Francisco.
Hanapin ang iyong lugar ng botohan, kumuha ng mga direksyon, at i-check ang oras ng paghihintay sa bawat lokasyon.
Alamin ang tungkol sa mga aksesibleng serbisyong botohan, kabilang ang Programang Paghahatid at Pagkuha ng Balota para sa mga botanteng naka-ospital, hindi makalabas ng tahanan, o hindi makapunta nang personal sa lugar ng botohan.
Mga Form ng Botante
Form para sa Panunumpa ng Botante at Pagbabalik ng Balota. Gamitin ang form na ito kung ikaw ay botanteng militar o nasa ibang bansa na nagbabalik ng balota sa pamamagitan ng fax, o kung gumagamit ka ng sariling sobre para ibalik ang iyong binotohang balota.
Form para sa Awtorisasyon para sa Pagkuha ng Balota. Gamitin ang form na ito upang mag-awtorisa ng isang tao para sa pag-kuha ng balota mula sa Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall at ihatid ito sa iyo.
Form para Humiling ng Emergency na Paghatid ng Balota. Gamitin ang form na ito para humiling ng emergency na paghatid ng balota, pag-kuha, o tulong para sa agarang pangangailangan sa pagboto mula sa Departamento ng mga Eleksyon.
Kailangan ng Tulong?
Ang Departamento ng mga Eleksyon ay narito upang magbigay ng tulong. Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa pagpaparehistro bilang botante, pagboto sa pamamagitan ng koreo, mga serbisyong aksesible o pangwika, o anumang iba pang bagay na may kaugnayan sa eleksyon, handa kaming maglingkod sa inyo.
Maaari ninyo kaming tawagan sa telepono (415) 558-6104, sa pamamagitan ng e-mail, o sa pagbisita sa aming opisina sa City Hall, Room 48.
May tulong sa wika na magagamit sa Tsino, Espanyol, Filipino, Vietnamese, at marami pang ibang wika.