ULAT

Pagbigay-seguridad at Pagprotekta sa Integridad ng mga Eleksyon

Department of Elections

Mahalaga ang pagbibigay seguridad at pagprotekta sa integridad ng mga eleksyon. Sumusunod ang Departamento ng mga Eleksyon sa mahigpit na mga protocol sa bawat eleksyon upang matiyak ang seguridad ng mga mahahalagang imprastraktura ng eleksyon matugunan ang mga alalahanin sa misinformation sa eleksyon, at tiyakin ang buong transparidad sa mga proseso nito.

Alamin ang tungkol sa komprehensibong pagtugon ng Departamento sa pagpapanatili ng integridad sa eleksyon ng Lungsod, at kung paano kayo makatutulong.

Paano kayo makatutulong

Mayroong ilang mga paraan na maaari ninyong gawin upang protektahan ang integridad ng ating mga eleksyon! Narito ang ilang mungkahi upang matulungan kayong makapagsimula:

  • Regular na suriin ang inyong record ng rehistrasyon bilang botante upang matiyak na ang lahat ng impormasyon, kabilang ang inyong address, ay tama at i-update ito kung kinakailangan.
  • I-follow kami sa (@SFElections) sa Facebook, Instagram, X (Twitter), at Nextdoor.
  • Mag-subscribe sa aming mailing list para direktang makatanggap ng mga opisyal na balita, mga update, at mga pampublikong abiso sa inyong email.
  • Maglingkod bilang isang manggagawa sa botohan o tagamasid sa mga eleksyon (maaari ninyong obserbahan ang mga proseso ng eleksyon nang personal o sa pamamagitan ng live streaming).
  • Mag-ulat ng mga misinformation sa tanggapan ng Kalihim ng Estado sa VoteSure@sos.ca.gov at sa Departamento ng mga Eleksyon sa sfvote@sfgov.org.
  • Iulat ang mga alalahanin tungkol sa paghadlang sa eleksyon o mga hindi tamang aktibidad sa alinman sa mga sumusunod:
    • Departamento ng mga Eleksyon sa 415-554-4310.
    • Abugado ng Distrito ng Lungsod sa 628-652-4368.
    • Kalihim ng Estado ng California sa 800-345-8683.