PAHINA NG IMPORMASYON
Pagboto ng hindi-mamamayan sa mga eleksyon sa lokal na Lupon ng Edukasyon
Alamin ang tungkol sa pakikilahok ng mga hindi-mamamayan sa mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. Ang susunod na Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon ay nakatakda sa Hunyo 2, 2026.
Ano ang gagawin
Noong 2016, nagpasa ang mga botante ng San Francisco ng bagong batas na nagpapahintulot sa ilang hindi mamamayan na bumoto sa mga lokal na Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. Hindi pinapayagan ng batas na ito ang mga indibiduwal na bumoto sa anumang iba pang panlokal, pang-estado, o pampederal na eleksyon.
Mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado sa pagpaparehistro ng hindi mamamayan
Para magparehistro bilang isang botanteng hindi-mamamayan sa susunod na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon, kailangang kayo ay ang lahat ng sumusunod:
- Isang residente ng San Francisco na balak manatiling ganoon hanggang sa susunod na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon.*
- Magulang, legal na tagapatnubay, o tagapangalaga** ng isang bata na nakatira sa San Francisco.*
- Hindi bababa sa edad 18 taong gulang sa Araw ng Eleksyon; at
- Hindi diniskwalipika mula sa pagboto sa ilalim ng batas ng estado dahil sa pagkakakulong o kawalan ng sapat na kakayahan ng pag-iisip.
* Upang maging karapat-dapat na bumoto sa mga eleksyon ng Lupon ng Edukasyon, kayo at ang inyong mga anak ay kailangang nakatira sa San Francisco. Gayunpaman, hindi kailangan na nag-aaral ang inyong mga anak sa mga paaralan sa SFUSD. Kung nag-aaral sa isang pribadong paaralan ang inyong anak, o masyadong bata pa para mag-aral, maaari kayong bumoto sa mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon.
** Ang tagapangalaga ay isang taong pumupirma sa affidavit para i-enroll ang isang menor de edad sa paaralan at pumapayag sa mga pangangalagang medikal na may kaugnayan sa paaralan sa ngalan ng menor de edad. Tinutukoy ito ng batas ng estado, sa CA Family Code §6550-6552.
Magrehistro para bumoto
Ang mga hindi mamamayang botante ay maaari lamang magparehistro upang bumoto sa isang eleksyon ng Lupon ng Edukasyon gamit ang isang partikular na form ng pagpaparehistro ng NCV. Hindi maaaring gamitin ng mga botanteng hindi-mamamayan ang form ng estado para sa pagpaparehistro bilang botante o magparehistro sa mga tanggapan ng estado (hal., Departamento ng mga Sasakyang De-Motor).
Ang mga form sa pagpaparehistro para sa eleksyon sa Hunyo 2, 2026, ay magiging available sa pahinang ito simula Enero 2026. Ang mga form na ito ay makukuha rin sa opisina ng Departamento sa City Hall, Room 48, o sa pamamagitan ng koreo kapag hiniling.
Ang mga nakumpletong form sa pagpaparehistro ay dapat ibalik sa pamamagitan ng koreo (postage paid) o nang personal. Ang isang bagong form sa pagpaparehistro ng NCV ay dapat kumpletuhin para sa bawat eleksyon ng Lupon ng Edukasyon ng sinumang hindi mamamayang botante.
Mawawalan ng bisa ang rehistrasyon ng sinumang botanteng hindi-mamamayan pagkatapos ng bawat eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. Maaaring kanselahin ng mga nagparehistrong hindi-mamamayan ang kanilang rehistrasyon bilang botante anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon o sa pamamagitan ng pagbalik ng isang form para sa kanselasyon ng rehistrasyon bilang NCV. Ang form na ito ay magiging available sa page na ito simula Enero 2026.
Suriin ang inyong impormasyon bilang botante
Maaaring kumpirmahin ng mga botanteng hindi-mamamayan ang kanilang impormasyon sa rehistrasyon, i-check ang kalagayan ng kanilang mga balota, at hanapin ang kanilang nakatalagang lugar ng botohan sa pamamagitan ng pag-log-in sa Portal ng Impormasyon para sa Botanteng Hindi-Mamamayan (magagamit simula Enero 2026) o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento.
Hanapin ang inyong lugar ng botohan
Maaaring makipag-ugnayan ang sinumang botante sa Departamento ng mga Eleksyon, gumamit ng Tool para Tingnan ang Panahon ng Paghihintay sa Lugar ng Botohan (magagamit humigit-kumulang dalawang buwan bago ang halalan), o suriin ang likod na pabalat ng kanilang Booklet ng Impormasyon para sa Botante para hanapin ang kanilang nakatalagang lugar ng botohan.
Tanggapin ang inyong balota at iba pang mga materyales
Para sa bawat eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon, lilikha ang Departamento ng mga Eleksyon ng isang form para sa pagpaparehistro, isang opisyal na balota, isang Booklet ng Impormasyon para sa Botante, at maraming mga materyales sa outreach na espesipiko para sa mga botanteng hindi-mamamayan. Ang lahat ng mga materyales na ito ay multi-lingguwal at nasa maraming format. Bukod pa rito, nagmimintena ang Departamento ng hiwalay na listahan ng mga botante para sa mga botanteng hindi-mamamayan.
MAHALAGANG ABISO PARA SA MGA HINDI MAMAMAYAN NG ESTADOS UNIDOS:
Posibleng makuha ng Immigration and Customs Enforcement (Tagapagpatupad ng Batas ukol sa Imigrasyon at Adwana, ICE) at iba pang ahensiya, organisasyon, at indibidwal ang anumang impormasyong ibibigay ninyo sa Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) kasama na ang inyong pangalan at address. Bukod rito, kapag nag-aplay kayo para sa naturalisasyon o pagka-mamamayan, tatanungin kayo kung nakapagrehistro o nakaboto na kayo sa pederal, pang-estado o lokal na eleksyon sa Estados Unidos. Baka gusto ninyong kumonsulta sa abugado sa imigrasyon, organisasyong nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng migrante, o iba pang mapagkukunan ng kaalaman bago kayo magbigay ng anumang personal na impormasyon sa Department of Elections at bago kayo magparehistro para bumoto sa Eleksyon ng Board of Education (Lupon ng Edukasyon) ng San Francisco. Makikita ninyo ang listahan ng mga organisasyong nonprofit na may espesyalisasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng migrante sa sfelections.org.
Epekto sa Aplikasyon para sa Naturalisasyon
Sa Bahagi 9 ng pinakabagong bersyon ng form N-400, “Application for Naturalization”, tinatanong ang mga aplikante kung nakapagrehistro na sila para bumoto sa anumang Pampederal, pang-estado, o panlokal na eleksyon sa Estados Unidos. Ang mga aplikanteng bumoto lamang sa isang lokal na eleksyon kung saan elihibleng bumoto ang mga hindi-mamamayan, gaya ng mga eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon sa San Francisco simula noong 2018, ay maaaring sumagot ng “Hindi” sa tanong na ito.
Ang mga hindi-mamamayan na naghahanap ng payo tungkol sa proseso ng naturalisasyon, kabilang na sa mga tanong kaugnay sa pagboto, ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa isang abogado o organisasyong may espesyalisasyon sa mga paksa na may kaugnayan sa imigrasyon bago magsumite ng anumang deklarasyon.
Kumuha ng liham ng beripikasyon
Maaaring magbigay, kapag hiniling ng botante, ang Departamento ng mga Eleksyon ng isang liham na a) naglilista ng pamantayang itinakda sa Charter §13.111(a)(1) para sa pagboto ng mga hindi-mamamayan ng Estados Unidos sa mga lokal na eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon, at b) nagpapatunay na ang isang tao ay bumoto sa isang espisipikong eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon. Maaaring hilingin ng isang botante ang liham na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon. Maaaring makatulong ang liham na ito kung nagbabalak kayong mag-apply para sa naturalisasyon.
Mga mapagkukunan para sa mga imigrante
Mga mapagkukunan kaugnay sa imigrasyon
- San Francisco Rapid Response Network
- San Francisco Immigration Support
- Sanctuary City ordinance
- San Francisco Pathways to Citizenship Initiative
Kolaborasyon sa Pagboto ng Imigranteng Magulang
Grupo ng mga organisasyon sa San Francisco na nagsusulong sa mga karapatan sa pagboto ng komunidad sa mga paaralan sa San Francisco