SERBISYO
Mag-sign up para sa shelter para sa nasa hustong gulang sa San Francisco
Magpareserba sa shelter para sa nasa hustong gulang kung nakakaranas ka ng kawalan ng tirahan sa Lungsod.
Homelessness and Supportive HousingAno ang dapat malaman
Sino ang maaaring magpareserba
Mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang at pataas na nakakaranas ng kawalan ng tirahan at:
- Walang kasamang mga anak
- Hindi kasalukuyang nakatira sa ibang shelter
Ang mga pamilyang may mga anak ay dapat bumisita sa access point para sa pamilya upang makakuha ng shelter.
Pagiging karapat-dapat sa shelter
Kailangang mayroon kang kakayahang itaguyod ang sarili at pisikal na may kakayahang:
- Humiga at bumangon sa iyong bunk bed nang walang tulong
- Alagaan ang sarili mong kalinisan nang mag-isa (pagligo, pagbibihis, at paggamit ng banyo)
Ano ang dapat malaman
Sino ang maaaring magpareserba
Mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang at pataas na nakakaranas ng kawalan ng tirahan at:
- Walang kasamang mga anak
- Hindi kasalukuyang nakatira sa ibang shelter
Ang mga pamilyang may mga anak ay dapat bumisita sa access point para sa pamilya upang makakuha ng shelter.
Pagiging karapat-dapat sa shelter
Kailangang mayroon kang kakayahang itaguyod ang sarili at pisikal na may kakayahang:
- Humiga at bumangon sa iyong bunk bed nang walang tulong
- Alagaan ang sarili mong kalinisan nang mag-isa (pagligo, pagbibihis, at paggamit ng banyo)
Ano ang gagawin
Mag-sign up para maidagdag sa listahan ng naghihintay sa shelter upang magkaroon ng access sa higaan sa isa sa mga sumusunod na shelter para sa nasa hustong gulang:
- Next Door: 1001 Polk St. (sa Geary)
- MSC-South: 525 5th Street (sa Bryant)
- Sanctuary: 201 8th Street (sa Howard)
1. Alamin kung ikaw ay karapat-dapat
Ikaw ay dapat na nasa hustong gulang (edad 18 at pataas) na nakakaranas ng kawalan ng tirahan at:
- Walang kasamang anak
- Hindi kasalukuyang nakatira sa ibang shelter
- Kayang humiga at bumangon sa iyong bunk bed nang walang tulong
- Kayang alagaan ang sarili mong kalinisan nang mag-isa (pagligo, pagbibihis, at paggamit ng banyo)
2. Magpareserba
Itatanong namin sa iyo ang tungkol sa:
- Iyong sarili
- Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan (gamitin ang anumang numero ng telepono na mayroon kang access)
- Iyong napiling shelter
Malamang na makakuha ka ng higaan nang mas mabilis kung pipiliin mo ang lahat ng 3 shelter kapag nagparehistro ka.
Pagkatapos mong magpareserba:
Alamin ang iyong posisyon sa listahan ng naghihintay
- Responsibilidad mong malaman ang iyong posisyon sa listahan ng naghihintay.
- Makikita mo ang mga instruksyon sa tabi ng iyong Waitlist ID (ID ng Listahan ng Naghihintay) kapag nasa itaas ka ng listahan. Sundin ang mga instruksyon na ito sa loob ng 3 araw.
- Hanapin ang iyong posisyon sa listahan ng naghihintay
Makaugnayan sa pamamagitan ng telepono
- Dapat kang makontak ng Ahente sa Pagpapareserba sa Shelter sa pamamagitan ng telepono sa loob ng 3 araw kapag nasa itaas ka na ng listahan ng naghihintay.
- Tatawagan ka namin sa pagitan ng 12:00pm at 2:00pm mula 415-861-5000 (ang numerong ito ay hindi tumatanggap ng tawag). Inirerekomenda naming idagdag ang numerong ito sa iyong listahan ng pakikipag-ugnayan.
- Kung hindi ka namin makaugnayan, aalisin ka namin sa listahan ng naghihintay. Magagawa mong muling bumalik sa listahan ng naghihintay, ngunit ililipat ka sa ibaba.
Kunin ang iyong higaan
- Sasabihin sa iyo ng Ahente sa Pagpapareserba sa Shelter kung aling higaan ng shelter ang magagamit at kung kailan ka maaaring pumunta.
- Ang iyong pagpapareserba ay walang tiyak na petsa ng pagtatapos hangga’t nagtse-check in ka sa oras. Makakakuha ka ng mga partikular na patakaran ng shelter sa oras ng pag-check-in.
- Kakailanganin mong lumipat sa shelter sa parehong araw. Iskedyul ng pag-check-in:
- Sanctuary: 9am hanggang 10pm
- MSC South: 9:30am hanggang 8pm
- Next Door: 24 na oras
Special cases
Pagpili ng shelter at mga oras ng paghihintay
Pagpili ng shelter
- Maaari mong piliin kung sa alin sa 3 shelter gusto mong manatili kapag nagparehistro ka.
- Maaari kaming mag-alok sa iyo ng higaan nang mas mabilis kung pumapayag kang manatili sa lahat ng 3 shelter.
Mga oras ng paghihintay
- Ang mga bagong sign up ay sapalarang pinipil ng system at idinadagdag sa ibaba ng listahan ng naghihintay sa susunod na araw bago ang 12:00pm.
- Ang mga oras ng paghihintay ay nakadepende sa kung gaano karaming tao ang nasa listahan at kung gaano karaming higaan ang magagamit.
- Malamang na makakuha ka ng higaan nang mas mabilis kung pipiliin mo ang lahat ng 3 shelter kapag nagparehistro ka.
Maaari ka lamang magkaroon ng isang entry sa listahan ng naghihintay sa bawat pagkakataon.
Mga oras ng pag-check-in
Mga oras ng pag-check-in ng shelter
- Sanctuary: 9:00am hanggang 10:00pm
- Next Door: 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo
- MSC-South: 9:30am hanggang 8:00pm
Ano ang maaari mong dalhin sa iyong pagpapareserba
Mga bag
- MSC South at Next Door:
- Hanggang 2 medium (humigit-kumulang 30-galon) na bag
- 1 tolda (kung irorolyo)
- Sanctuary: 1 bag na kasinlaki ng bitbit na maleta
Mga higaan
- Ang bawat higaan ay para sa 1 nasa hustong gulang lamang
- Walang mga partner na silid o higaan sa mga kalahok na shelter.
Mga bisikleta
- Next Door : maaari kang magdala ng ganap nang binuong bisikleta
- MSC South at Sanctuary: hindi ka maaaring magdala ng bisikleta
Mga locker
- Nagbibigay ang Sanctuary ng aparador na may kandado
- Nagbibigay ang Next Door ng locker at lock
- Nagbibigay ang MSC-South ng pitak na nakakabit sa higaan
Mga alagang hayop
- Ang mga alagang hayop ay pinahihintulutan sa lahat ng shelter
Kanselahin o baguhin ang iyong kahilingan sa pagpapareserba
Tumawag sa 628-652-8000 upang kanselahin ang iyong kahilingan o gumawa ng anumang mga pagbabago sa iyong reserbasyon. Kabilang dito ang pagpapalit ng iyong numero ng telepono at pag-update sa iyong napiling shelter.
Mga Oras: 9:00am hanggang 5:00pm, Lunes hanggang Biyernes.
Hindi mo maaaring baguhin o kanselahin ang iyong kahilingan online.
Ang iyong Waitlist ID
Sa karamihan ng mga kaso, ang iyong Waitlist ID ay ang iyong petsa ng kapanganakan at 2 inisyal.
Halimbawa, si Michael Jackson na may petsa ng kapanganakan 8/19/1958 ay magkakaroon ng Waitlist ID na 08191958MJ.
Kung nagbigay ka ng ibang petsa o pangalan at hindi mo ito maalala, wala kaming paraan para matulungan kang mahanap ang iyong rekord.
Tulong sa transportasyon
Tulong-pinansyal
- Nag-aalok ang Glide ng mga Muni token sa mga taong nangangailangan ng tulong na makarating sa mga shelter.