SERBISYO
Programa ng Tulong sa Upa ng San Francisco (SF ERAP)
Ang mga nangungupahan sa San Francisco na nangangailangan ng pang-emerhensyang tulong sa mga utang sa upa o mga gastos sa paglipat ay maaaring mag-apply sa programang ito.
Mayor's Office of Housing and Community DevelopmentAno ang dapat malaman
Tungkol sa SF ERAP
Ang Programa ng Tulong sa Upa ng San Francisco (San Francisco Emergency Rental Assistance Program, SF ERAP) ay programang nakabase sa komunidad na magkasamang pinangangasiwaan ng Opisina ng Mayor sa Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad (Mayor’s Office of Housing and Community Development) at Kagawaran para sa Kawalan ng Tahanan at Sumusuportang Pabahay (Department of Homelessness and Supportive Housing). Nilalayon ng SF ERAP na panatilihin ang mga pinaka-nanganganib na nangungupahan sa Lungsod sa kanilang mga tirahan bilang bahagi ng mga pagsisikap ng Lungsod at County ng San Francisco laban sa sapilitang pag-alis at pag-iwas na mawalan ng tirahan.
Ano ang dapat malaman
Tungkol sa SF ERAP
Ang Programa ng Tulong sa Upa ng San Francisco (San Francisco Emergency Rental Assistance Program, SF ERAP) ay programang nakabase sa komunidad na magkasamang pinangangasiwaan ng Opisina ng Mayor sa Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad (Mayor’s Office of Housing and Community Development) at Kagawaran para sa Kawalan ng Tahanan at Sumusuportang Pabahay (Department of Homelessness and Supportive Housing). Nilalayon ng SF ERAP na panatilihin ang mga pinaka-nanganganib na nangungupahan sa Lungsod sa kanilang mga tirahan bilang bahagi ng mga pagsisikap ng Lungsod at County ng San Francisco laban sa sapilitang pag-alis at pag-iwas na mawalan ng tirahan.
Ano ang gagawin
1. Suriin ang Pangunahing Impormasyon
Ang SF ERAP ay nagbibigay ng tulong sa mga karapat-dapat na residente ng San Francisco na may matagal nang dapat bayarang upa dahil sa kahirapan sa pananalapi o hindi kayang bayaran ang security deposit para sa bagong yunit na kanilang natukoy.
Ang pinansyal na tulong ay makukuha lamang sa mga sambahayan na pinakamapanganib na mawalan ng tirahan o kawalan ng tirahan. Limitado ang pagpopondo at hindi makakapaglingkod ang SF ERAP sa bawat sambahayan na nakatutugon sa mga pinakamababang pamantayan sa pagiging karapat-dapat.
2. Tingnan kung maaari kang mag-apply
Upang maging kwalipikado para sa tulong sa upa, kailangan mong:
- Maging kasalukuyang residente ng San Francisco;
- Maging 18 taong gulang o mas matanda pa;
- Magkaroon ng kita ng sambahayan sa o mas mababa sa 50% ng Area Median Income (Karaniwang Kita sa Lugar)* para sa laki ng aplikante;
- Makakapagpakita ng pinansyal na kahirapan na naganap sa loob ng nakaraang 12 buwan (kung mag-a-apply para sa tulong sa hindi nabayarang upa).
- Hindi nakatanggap ng tulong ng SF ERAP sa nakalipas na 12 buwan
Bukod sa pagtugon sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat sa itaas, ang SF ERAP ay maaari lamang magbigay ng pinansyal na tulong sa mga sambahayan na may pinaka-nanganganib na mawalan ng tirahan o mawala ang pabahay. Dahil sa limitadong pagpopondo, hindi lahat ng karapat-dapat na sambahayan ang mapaglilingkuran.
3. Mag-apply Online
Ang mga aplikanteng humihingi ng tulong sa hindi nabayarang upa o mga gastos sa paglipat ay dapat mag-apply sa pamamagitan ng online na SF ERAP portal.
Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng online na aplikasyon, makipag-ugnayan sa isang katuwang sa komunidad para sa tulong. Simula Agosto 2025, ang mga aplikasyon sa SF ERAP ay susuriin para sa pagiging karapat-dapat para sa tulong mula sa Season of Sharing Fund, na pinangangasiwaan din ng MOHCD.
Kung mayroon kang mga pangkalahatang katanungan tungkol sa programa o sa katayuan ng iyong aplikasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa SF ERAP Helpline sa (415) 653-5744 o help@sferap.org.
Makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative kung nahaharap ka sa pagpapaalis ng tirahan!
Mabilis na gumagalaw ang legal na proseso ng pagpapaalis ng tirahan, kaya huwag magpaantala. Kung nakatanggap ka ng mga papeles ng hukuman para sa pagpapaalis ng tirahan (“Unlawful Detainer” o “Ilegal na Pananatili ng Nangungupahan”), mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa Eviction Defense Collaborative.
- (415) 659-9184
- legal@evictiondefense.org
- 976 Mission St (mga oras ng pag-walk-in Lunes, Martes, Miyerkules o Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm)
Makipag-ugnayan sa amin
Karagdagang impormasyon
Kumuha ng libreng tulong mula sa isang tagapayo
Bisitahin ang aming mga katuwang sa komunidad upang maghanap ng tagapayo sa pabahay na malapit sa iyo upang tumulong sa iyong mga pangangailangan at alalahanin sa pabahay.