PAHINA NG IMPORMASYON
Community Outreach Newsletter para sa Hunyo 2026
Maligayang pagdating sa Hunyong edisyon ng Community Outreach Newsletter ng Departamento ng mga Eleksyon! Sa edisyong ito, ating pagninilayan ang pagtatapos ng Pinagsamang Pambuong-estadong Direktang Primaryang Eleksyon noong Hunyo 2, 2026, ibabahagi ang mga resulta ng eleksyon at mga update pagkatapos ng eleksyon, kikilalanin ang maraming kasosyo sa komunidad, mga manggagawa sa botohan, at mga organisasyon na ang suporta ay nag-ambag sa isang matagumpay na eleksyon, at inaabangang mga paghahanda para sa Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon sa Nobyembre 3, 2026.
Sinertipika na ang mga Lokal na Resulta ng Hunyo 2, 2026 na Eleksyon

Sa pagtatapos ng Hunyon 2, 2026 Pinagsamang Pambuong-estadong Direktang Primaryang Eleksyon, sinertipika ngayong araw ni Direktor John Arntz ang mga resulta ng lokal na eleksyon sa San Francisco, na opisyal na nagtatapos sa panahon ng bilangan pagkatapos ng eleksyon at mga aktibidad sa pag-audit, na siyang nagmamarka ng matagumpay na pagtatapos ng isa na namang ligtas, may transparidad, at aksesibleng eleksyon. Ang mga resulta ng eleksyon ay nai-post na sa www.sfelections.gov/results.
Humigit-kumulang xx% ng mga botante ng San Francisco ang lumahok sa Eleksyon sa Hunyo, na bumoto sa pamamagitan ng iba't ibang mga opsiyon sa pagboto, kabilang ang pagboto sa pamamagitan ng koreo, maagang pagboto sa City Hall Voting Center, at personal na pagboto sa mga lugar ng botohan sa komunidad sa buong Lungsod. Ang partisipasyon na nasaksihan natin sa eleksyong ito ay sumasalamin sa patuloy na pakikibahagi ng mga taga-San Francisco sa mga lokal na eleksyon at sa maraming paraan na pinipili ng mga residente upang maiparinig ang kanilang mga tinig.
Ang Eleksyon sa Hunyo ay ang kulminasyon ng mga buwan ng pagpaplano at paghahanda at hindi sana naging posible kung wala ang pakikipagtulungan at dedikasyon ng mga tauhan ng Departamento, mga organisasyon sa komunidad, mga pampublikong ahensya, mga manggagawa sa botohan, mga tagapagbigay ng mga lugar ng botohan, at ang maraming taga-San Francisco na tumulong sa mga pagsisikap sa pangangasiwa ng eleksyon.
Sama-sama nating pinangasiwaan ang mga serbisyo para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa daan-daang libong botante, pinangasiwaan ang mga oportunidad para sa aksesibleng pagboto nang personal, pinangasiwaan ang ligtas na pagkolekta at paghahatid ng mga binotohang balota at mga materyales sa eleksyon, at isinagawa ang post-election canvass na kinakailangan upang maberipika at masertipika ang mga resulta ng eleksyon.
Sa buong panahon ng eleksyon, nanatili kaming nakatuon sa pagtiyak na ang bawat botante ay may access sa impormasyon at tulong na kailangan nila upang makaboto. Sa mga linggo bago ang Eleksyon sa Hunyo, tumugon ang aming mga kawani sa libu-libong pampublikong katanungan na natanggap sa pamamagitan ng telepono at email, tumulong sa mga botante sa pagpaparehistro at sa mga tanong na may kaugnayan sa eleksyon, at nagbahagi ng impormasyon sa eleksyon sa pamamagitan ng direktang koreo, social media, at mga presentasyon sa komunidad.
Ang mga pagsisikap na ito ay nakatulong upang matiyak na ang pagboto ay mananatiling eksesible, nakakaengganyo, at kumbinyente para sa mga taga-San Francisco sa bawat kapitbahayan at komunidad. Nagpapasalamat kami sa lahat ng lumahok at nag-ambag sa Eleksyon sa Hunyo. Nagpapasalamat din kami sa aming mga kasosyo sa komunidad at mga botante para sa tiwala na patuloy nilang ibinibigay sa amin habang nagsusumikap kaming pangasiwaan ang malaya, patas, at gumaganang eleksyon para sa mga botante ng San Francisco.
Eleksyon sa Hunyo 2 Ayon sa mga Numero

Sa likod ng bawat numero ay isang kuwento ng pakikibahagi, pakikipagtulungan, at serbisyo publiko. Pinagsama-sama ng Eleksyon sa Hunyo ang mga botante, mga organisasyon sa komunidad, mga manggagawa sa botohan, at mga kawani sa eleksyon sa pagsuporta sa iisang layunin: ang pagtiyak na ang bawat elihibleng botante ay mayroong pagkakataong bumoto.
Sama-sama, tayo ay:
- Naabot ang xx% na bilang ng mga botanteng bumoto
- Nakatanggap at nakapagbilang ng mahigit sa xxx,xxx na mga vote-by-mail na balota
- Pinangasiwaan ang pagboto sa 501 na mga lugar ng botohan sa komunidad sa buong San Francisco
- Nagrekrut at nagsanay ng humigit-kumulang x,xxx na mga manggagawa sa botohan upang tumulong sa mga botante sa Araw ng Eleksyon
- Tumugon sa humigit-kumulang 4,500 katanungan ng botante na natanggap sa pamamagitan ng telepono at email
- Nagsagawa ng xxx na mga presentasyon sa komunidad at mga kaganapan sa outreach
- Nakipagsosyo sa libu-libong organisasyon sa komunidad at mga pampublikong ahensya upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa eleksyon at ikonekta ang mga botante sa mga mapagkukunan at serbisyo
Ano ang Nangyayari Pagkatapos ng Araw ng Eleksyon?

Bagama't nagsasara ang mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon, ang aming trabaho ay nagpapatuloy nang higit pa sa huling botong isinumite. Bagama't maraming botante ang nakararanas ng eleksyon sa pamamagitan ng pagboto at sa mga resulta sa Gabi ng Eleksyon, isang malaking bahagi ng trabaho ang nagaganap pagkatapos ng Araw ng Eleksyon.
Sa mga araw at linggo kasunod ng Eleksyon sa Hunyo, binilang namin ang mga balidong balota na natanggap noong o pagkatapos ng Araw ng Eleksyon, pinagtugma ang mga materyales sa pagboto, isinagawa ang pampublikong 1% manual tally at iba pang mga pag-audit sa eleksyon, at kinumpleto ang mga aktibidad sa bilangan na kinakailangan upang maberipika at masertipika ang mga resulta ng eleksyon.
Ang mga aktibidad na ito ay nakakatulong upang matiyak na ang bawat elihibleng balota ay mabibilang at maisasama sa pinal na mga resulta. Binibigyan din tayo ng mga ito ng pagkakataong maingat na suriin ang mga talaan at materyales sa eleksyon bago ang sertipikasyon at kumpirmahin na ang mga resulta ng eleksyon ay tumpak na sumasalamin sa mga pagpiling ginawa ng mga botante ng San Francisco.
Nagsisimula na ang mga paghahanda para sa Eleksyon sa Nobyembre 3, 2026

Ang sertipikasyon ng Hunyo 2 na Eleksyon ay nagmamarka sa pagtatapos ng isang siklo ng eleksyon at pagsisimula ng isa pa. Kahit na sa pagtatapos namin ng bilangan sa Eleksyon sa Hunyo, sinimulan na namin ang pagpaplano at paghahanda para sa Nobyembre 3, 2026, Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon.
Natapos na ang paghahain ng mga kandidato para sa mga labanan para sa Lupon ng mga Superbisor sa mga Distrito 2, 4, 6, 8, at 10, papalapit na ang mga karagdagang panahon ng nominasyon para sa mga katungkulan sa lungsod, isinasagawa na ang mga paghahain ng mga panukalang batas sa balota, at patuloy naming pinoproseso ang mga petisyon para sa mga pang-estado at lokal na petisyong inisyatiba na maaaring makwalipika para sa balota sa Nobyembre.
Sa mga darating na buwan, isasagawa namin ang maraming aktibidad na kinakailangan upang pangasiwaan ang Eleksyon sa Nobyembre, kabilang ang paghahanda ng mga balota at ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante sa iba't ibang wika at mga aksesibleng format, pangangasiwa sa paghahain ng mga kandidatura at mga panukala sa balota, pagrerekrut at pagsasanay sa mga manggagawa sa botohan, paghahanap ng mga lugar ng botohan, at pagsasagawa ng outreach para sa mga botante sa buong San Francisco.
Makibahagi sa Eleksyon sa Nobyembre 3

Sa mga darating na buwan, magsisimula kaming magrekrut ng daan-daang manggagawa sa botohan upang tumulong sa mga botante sa mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon. Kung kayo o may kakilala kayong interesado na maglingkod, hinihikayat naming kayong mag-aplay at ipalaganap ang impormasyon sa loob ng inyong mga komunidad. Para alamin ang higit pa o para mag-apply, mangyaring bisitahin ang sfelections.gov/pw.
Magsisimula rin kaming magrekrut ng mga pansamantalang kawani upang suportahan ang maraming aktibidad na kinakailangan upang pangasiwaan ang Eleksyon sa Nobyembre. Ang mga posisyong ito ay nag-aalok ng kakaibang pagkakataon upang makakuha ng direktang karanasan sa pangangasiwa ng eleksyon habang tinutulungang matiyak na ang bawat elihibleng botante ay may pagkakataong maiparinig ang kanilang tinig. Para alamin ang higit pa tungkol sa mga pansamantalang oportunidad sa trabaho, bisitahin ang San Francisco .
Ipagpapatuloy din namin ang aming mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan at edukasyon ng mga botante sa buong lungsod. Kung ang inyong organisasyon ay nag-oorganisa ng isang pagpupulong sa komunidad, resource fair, pagdiriwang ng kultura, pagtitipon sa kapitbahayan, o iba pang kaganapan, malugod naming tinatanggap ang pagkakataong makilahok. Upang imbitahan ang Departamento sa inyong kaganapan, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Outreach Team sa (415) XXX-XXXX o magsumite ng kahilingan sa pamamagitan ng aming Event Request Form.
Mabilis na napupuno ang aming kalendaryo ng mga kaganapan, kaya hinihikayat namin kayong makipag-ugnayan sa amin sa lalong madaling panahon. Kung mas maaga kayong makipag-ugnayan sa amin, mas makakapagtulungan tayo upang makapaghatid ng mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa eleksyon at mga mapagkukunan para sa mga botante sa mga komunidad sa buong San Francisco.
Kung Saan Kami Napunta Ngayong Buwan
Hindi magiging posible ang aming gawaing pang-outreach kung wala ang pakikipagtulungan, suporta, at dedikasyon ng mga organisasyon sa komunidad, mga grupo sa kapitbahayan, mga paaralan, at mga pampublikong ahensya sa buong San Francisco. Nagpapasalamat kami sa pagkakataong makipagtulungan sa aming mga kasosyo sa komunidad, na ang mga pagsisikap ay nakatutulong na ikonekta ang mga botante sa mga mapagkakatiwalaan at walang kinikilingang impormasyon at mapagkukunan tungkol sa eleksyon.
Narito ang ilang mahahalagang pangyayari mula sa aming mga kamakailang aktibidad sa outreach at pakikipag-ugnayan sa komunidad:
Resource Table sa Fillmore Juneteenth Festival

Tumulong sa mga dumalo sa pista sa pagpaparehistro ng botante at kung paano maghanda para sa susunod na eleksyon.
Chinatown Community Development Center

Nakapagrehistro ng mga residente para bumoto at ipinaliwanag kung saan makakahanap ng impormasyon tungkol sa eleksyon.
Project Homeless Connect Drop-in Services Event

Ipinaalam sa mga residenteng nakararanas ng kawalan ng tirahan ang tungkol sa mga opsiyon sa pagpaparehistro at pagboto.
Hanggang sa Susunod na Buwan
Maraming salamat sa pagbabasa ng edisyong ito ng aming newsletter at sa inyong patuloy na pakikipagtulungan at suporta!
Habang nagpapatuloy ang tag-init, binabati namin ang lahat ng isang masaya at ligtas na Ika-4 ng Hulyo. Nawa'y masiyahan kayo sa maraming pagdiriwang, pista, at mga kaganapang pangkomunidad na nagpapakita kung bakit ang San Francisco ay isang masigla, mapagmalasakit, at diverse na lungsod.
Hanggang sa susunod na buwan, maraming salamat sa lahat ng inyong ginagawa upang mapanatiling may alam, nakikilahok, at konektado ang ating mga komunidad. Inaasahan namin ang pakikipagtulungan sa inyo sa mga susunod na buwan habang naghahanda tayo para sa Eleksyon sa Nobyembre 3, 2026.
Sumasainyo,
Ang Inyong Outreach Team
Nataliya, Anmarie, Adriana, Max, at Edgar