ULAT

Abiso sa lahat nang paparating na sertipikasyon para sa wiklang Vietnamese

Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs

Abiso at pahayag sa lahat na ang Vietnamese ay magiging sertipikado bilang kinakailangang wika sa paghahaid ng mga serbisyo mula sa San Francisco, sa ilalim ng Ordinansa sa Pag Akses gamit ang wika.

Kagalang galang na Mayor Lurie, Pangulong Mandelman, at mga Superbisor,

Ipinapabatid po sa inyo ng liham na ito na napag alaman ng Tanggapan ng Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) na natamo na ng wikang Vietnamese ang Substantial Number (Sapat at Makabuluhang Dami) ng mga Limited English Proficient (LEP) Persons (mga taong may limitakong kasanayan/kakayahan sa wikang Ingles) na antas at ito ngayon ay kwalipikado na para sa sertipikasyon bilang required language (kinakailangang wika) sa ilalim ng Language Access Ordinance (SF Administrative Code Section 91).

Alinsunod sa pagkaka amyenda ng Language Access Ordinance (LAO), nuong 2024, ang antas at bilang ng Substantial Number of LEP Persons ay pinababa mula 10,000 katao sa nasa ngayon ay 6,000 LEP sa San Francisco na sama samang nagsasalita ng wikang bukod pa sa Ingles sa pagsapit ng Enero 1, 2026. Minandáto ng LAO na alamin ng OCEIA kung alin ang mga wikang umabot sa tinakdang bilang at antas gamit ang pinakamabuti at pinakamahusay na kaalaman hangò mula sa U.S. Census Bureau o iba pang maaasahang pagbabatayan (Admin. Code Sec. 91.2).

Sinasaad sa LAO na may tatalong hakbang sa proseso para sa sertipikasyon ng wika: 1) Determinasyon: batay sa katunayan na nagpapakita na ang isang wika ay umabot na sa tinakdang antas at dami (threshold); 2) Notipikasyon: Ilalagay ng OCEIA ang determinasyong ito sa kanilang website sa loob ng 120 araw at ipapaabot ito sa mga departamento ng Lungsod; at 3) Sertipikasyon, na gaganapin matapos ang mga proseso na una nang nilarawan. Ang liham na ito ay nagsisilbing notipikasyon ayon sa nakasaad sa ikalawang hakbang (item 2) kanina.

Batay sa Pagtataya sa Loob ng Limang taon (Five-Year Estimates (2020-2024)) ng American Community Survey (ACS) na inilabas ng U.S. Census Bureau nuong Enero 29, 2026, at sa pagsusuri ng OCEIA sa pakikipag tulungan sa San Francisco Planning Department, 44% ng kabuuhang bilang ng populasyon ng San Francisco na higit limang taong gulang ay nagsasalita ng wikang bukod pa sa Ingles sa kanilang tahanan at higit-kumulang 149,000 ng mga taga San Francisco ay may Limited English Proficiency (LEP – may Limitadong kakayahan sa Ingles)). Apat na wika ang may 6,000 katao o higit pa na mga LEP: Chinese, Spanish, Filipino, at Vietnamese.

Language | Idioma | 語言 | Wika | Ngôn ngữTotal Number of Speakers in San Francisco | Número total de hablantes en San Francisco | 三藩市使用該語言的總人數 | Kabuuhang bilang ng mga nagsasalita nito sa San Francisco | Tổng Số Người Sử dụng ở San FranciscoNumber of Speakers in San Francisco who are Limited English Proficient (LEP) | Número de hablantes con dominio limitado del inglés | 三藩市英語能力有限(LEP)使用者人數 | Bilang ng mga nagsasalita sa San Francisco na mga LEP | Số Người có Trình độ tiếng Anh Hạn chế (LEP) ở San Francisco

Chinese (Cantonese and Mandarin)

Chino (cantonés y mandarín)

中文(粵語及普通話)

Tiếng Trung (tiếng Quảng Đông & tiếng Quan Thoại)

139,427

81,451

Spanish

Español

西班牙語

Tiếng Tây Ban Nha

88,530

31,881

Filipino

菲律賓語

Tiếng Philippines

22,148

8,180

Vietnamese

Vietnamita

越南語

Tiếng Việt

10,293

6,349

Russian, Polish, or other Slavic Languages

Ruso, polaco u
otros idiomas eslavos

俄語、波蘭語或其他斯拉夫語言

Russian, Polish, o iba pang Slavic na Wika

Tiếng Nga, tiếng Ba Lan, hoặc các ngôn ngữ Slav khác

13,426

4,321

Hinango sa: U.S. Census Bureau, 2020-2024 American Community Survey 5-Year Estimates (Mga wikang gamit sa bahay para sa Populasyon na 5 Taong gulang pataas)

Ang Chinese, Spanish at Filipino ang kasalukuyang mga kinakailangang wika at ngayon, ang Vietnamese ay umabot na sa Substantial Number of LEP Persons na antas at bilang na tinalaga sa LAO at magiging sertipikado na sa loob ng 120 araw, at sa Hunyo 23, 2026. Ibabahagi ng OCEIA ang karagdagang komunikasyon sa sandali ng sertipikasyon.

Sisimulan ang implementasyon sa Hulyo 1, 2026, at unti-unting isasagawa sa loob ng 12 buwan. Kasama sa implementasyon, ka¬sabay sa iba pang mga bagay, ang pagtitiyak na ang mga mahahalagang impormasyon at serbisyo (vital information and services) ng Lungsod ay isinalin-wika sa Vietnamese at ang mga kawaning direktang humaharap (public-contact) sa publiko ay sinanay na ayon sa mga bagong kinakailangang gawain ng batas. Kinakailangan ng OCEIA at mga departamento ng Lungsod ang sapat na pahahon at mga pagkukunan ng tulong para paghandaan at ipatupad ang mga itinakda ng ordinansa. Ilalathala ng OCEIA ang plano para sa implementasyon sa loob ng 45 na araw matapos ang sertipikasyon na nagpapabatid sa mga departamento ng Lungsod ng mga itinakdang antas (specific benchmarks) para matamo ang pagtupad sa mga kinakailangang serbisyo sa bagong wika.

Maraming salamat po sa inyong pamumuno at malalim na pagsusumikap para sa pag akses gamit ang wika sa San Francisco.

Matapat na sumasainyo,

Jorge Rivas

Direktor Ehekutibo