PRESS RELEASE

Hinimok ng San Francisco ang EPA na ipatupad ang pederal na pagbabawal sa leaded aviation fuel

City Attorney

Ikinakatuwiran ng lungsod na ang pagbabawal sa nakalalasong sangkap ay dapat maging pangunahing prayoridad sa hustisya sa kapaligiran

SAN FRANCISCO (Marso 21, 2022) — Sumali si San Francisco City Attorney David Chiu sa mga lokal na pamahalaan at mga entidad sa pagsusumite ng isang liham ngayon na humihimok sa Environmental Protection Agency (EPA) na gumawa ng mga aksyong pangregulasyon upang protektahan ang mga komunidad mula sa pagkakalantad sa lead sa pamamagitan ng pagbabawal sa leaded aviation fuel. Inilarawan sa liham ang mga paraan kung paano nakakatulong ang leaded aviation fuel sa polusyon sa hangin na nagsasapanganib sa kalusugan ng publiko at hinimok ang ahensya na gumawa ng isang affirmative endangerment finding para sa leaded aviation gasoline, isang batayan para sa pagbabawal sa nakalalasong additive.

“Alam na natin ang mapaminsalang epekto ng pagkalason sa tingga sa loob ng mga dekada,” sabi ng Abugado ng Lungsod ng San Francisco na si David Chiu . “Kailangang gawin ng EPA ang matagal nang dapat gawin na hakbang ng pagbabawal sa paggamit ng tingga sa panggatong sa abyasyon na nakakapinsala sa kalusugan ng publiko at sa kapaligiran.”

Matapos ang isang dekada ng pangakong tutugunan ang mga nakalalasong pinsalang dulot ng lead sa panggatong ng abyasyon, nagbukas ang EPA ng imbestigasyon sa bagay na ito at inanunsyo noong Enero 12 na magmumungkahi ito ng isang endangerment finding para sa leaded aviation fuel sa ilalim ng Section 231 ng Clean Air Act. Ang endangerment finding ay nangangahulugan na maaaring igiit ng ahensya na ang polusyon mula sa leaded aviation fuel ay naglalagay sa panganib sa kalusugan o kapakanan ng publiko at nagbibigay sa EPA ng batayan para sa unti-unting pagtigil sa paggamit ng substance.

Malinaw at mahusay na naitala ang mga panganib ng polusyon sa hangin. Ang pagkakalantad sa polusyon sa tingga ay maaaring magdulot ng ilang masamang kondisyon sa kalusugan, lalo na para sa mga batang nalantad dito. Ang polusyong dulot ng panggatong na may tingga sa eroplano ay maaaring magkaroon ng epekto sa kaligtasan ng mga manggagawa sa paliparan pati na rin sa mga komunidad na nakapalibot sa mga paliparan, na kadalasang labis nang naapektuhan ng polusyon sa hangin.

Sa Estados Unidos, unti-unting itinigil ang paggamit ng gasolinang may tingga noong dekada 1970 at kalaunan ay ipinagbawal din noong 1996. Ang gasolinang may tingga sa abyasyon ang huling natitirang gasolinang may tingga na ginagamit sa bansa.

Dahil sa iba't ibang dahilan, limitado ang kakayahan ng mga pamahalaang pang-estado at lokal na i-regulate ang mga additives sa panggatong sa abyasyon. Ang mga preemption sa pederal na batas, mga kahirapan sa pagkuha ng mga unleaded fuel, at mga gastos na nauugnay sa karagdagang imprastraktura ng pagpapagatong, ay nangangahulugan na ang pagbabawal ng lead sa panggatong sa abyasyon ay maaari lamang mangyari sa antas pederal.

Sinabi ng EPA na ilalabas nito ang iminungkahing natuklasan tungkol sa panganib sa katapusan ng 2022, hihingi ng komento sa panukala, at ipipinal ang natuklasan sa 2023. Tingnan ang kopya ng liham .