SERBISYO
Kumuha ng katibayan ng kamatayan sa San Francisco na mahigit 3 taon ang nakakaraan
Maaari kang makakuha ng kopya ng rekord ng katibayan ng kamatayan ng isang tao na pumanaw sa San Francisco na mahigit 3 taon na ang nakakaraan at pagkatapos ng 1906.
Office of the County ClerkAno ang dapat malaman
Panahon
Ang kasalukuyang inaasahang tagal bago matanggap ang katibayan ng kamatayan ay humigit-kumulang 4 hanggang 6 na linggo.
Ano ang dapat malaman
Panahon
Ang kasalukuyang inaasahang tagal bago matanggap ang katibayan ng kamatayan ay humigit-kumulang 4 hanggang 6 na linggo.
Ano ang gagawin
Maaari kang mag-apply para kumuha ng rekord ng katibayan ng kamatayan ng isang taong pumanaw sa San Francisco na mahigit 3 taon na ang nakakaraan at pagkatapos ng 1906.
Kung kailangan mo ng katibayan ng kamatayan para sa isang taong pumanaw sa nakalipas na 3 taon, pumunta sa Department of Public Health Office of Vital Records.
Sino ang maaaring humiling ng katibayan ng kamatayan
Maaari kang mag-apply para makakuha ng Sertipikadong Awtorisadong rekord ng katibayan ng kamatayan kung nauugnay ka sa taong pumanaw bilang kanyang:
- Anak
- Asawa, magulang, lolo't lola, apo, kapatid, o nakarehistro sa estado na domestic partner
- Naulilang kapamilya
Maaari ka ring mag-apply para sa sertipikadong rekord ng katibayan ng kamatayan kung ikaw ay:
- Ahente o empleyado ng punerarya
- Mayroong pahintulot mula sa sertipikadong utos ng hukuman. Sa kasong ito, hihilingin sa iyo na ibigay ang utos ng hukuman.
- Mayroong power of attorney at may maipapakitang sertipikadong kopya ng iyong dokumento ng Power of Attorney
- Tagapagpatupad para sa ari-arian ng tao, na may mga dokumento ng ari-arian para patunayan ito
- Nagtatrabaho para sa isa pang ahensya ng gobyerno at maipapakita mo ang iyong ID sa trabaho
Mag-order online mula sa County Clerk para sa PICKUP LAMANG
Ang mga order na inilagay online ay DAPAT kunin nang personal. HINDI ipapadala ang mga order. Tatawagan ka namin kapag handa na ang rekord para sa ma-pickup.
Kung hindi matagpuan ang rekord, awtomatiko kaming hihiling ng kopya mula sa California Department of Public Health. Maaari nitong maantala ang iyong order nang 4-6 na linggo.
Dapat kang magpakita ng wasto, hindi nag-expire na ID na may litrato kapag kukunin mo ang iyong order.
Mag-order online mula sa VitalCheck.com para sa paghahatid sa pamamagitan ng koreo.
Ang VitalChek ay ikatlong partidong tagapagbigay para sa pag-order ng mahahalagang rekord online.
Mag-order online
Ang prosesong ito ay maaaring abutin ng hanggang 6 na linggo.
Maaari kang tumawag sa VitalChek sa (800) 708-6733 para alamin ang status ng order o kung mayroon kang mga katanungan.
Mag-order nang personal
Pumunta sa Opisina ng County Clerk
Maaari kang mag-apply para makakuha ng katibayan ng kamatayan nang personal sa Opisina ng County Clerk. Ang katibayan ng kamatayan ay dapat para sa taong:
- namatay sa San Francisco mahigit 3 taon na ang nakakaraan
- namatay noong o pagkatapos ng 1906
Ang taong nag-a-apply ay dapat magdala ng hindi nag-expire na ID na may litrato na inisyu ng gobyerno.
Maaari kang magbayad gamit ang cash o credit card, Maaari ka ring magbayad gamit ang personal na tseke, money order o cashier's check, mula sa bangko sa US at sa dolyar ng US.
Mag-order sa pamamagitan ng koreo
Punan ang form at sinumpaang pahayag
I-download ang PDF at punan ang iyong mga detalye.
Ipanotaryo ang aplikasyon
Dalhin ang iyong form sa notaryo-publiko at ipanotaryo ito.
Hindi mo kailangang ipanotaryo ang iyong aplikasyon para sa isang Kopyang Pang-impormasyon. Sertipikado ang mga kopyang pang-impormasyon, ngunit ipa-print sa mga ito ang "Informational: Not a valid document to establish identity" (Pang-impormasyon: Hindi balidong dokumento para magtakda ng pagkakakilanlan).
Ipadala sa koreo ang iyong aplikasyon
Dapat mong isama ang:
- iyong nakumpletong aplikasyon
- nakanotaryong sinumpaang salaysay
- pagbabayad
Maaari kang magbayad gamit ang personal na tseke, money order o tseke ng bangko. Gawin itong payable sa “SF County Clerk”.
Kung gumagamit ka ng personal na tseke, dapat itong:
- may naka-print na pangalan ng mga may hawak ng account
- magmula sa bangko sa USA
- payable sa "SF County Clerk"
Makukuha mo ang iyong katibayan ng kamatayan sa loob ng 4 hanggang 6 na linggo.
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Kaugnay
Mga ahensyang kasosyo
Makipag-ugnayan sa amin
Address
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102