SERBISYO

Maghain ng claim

Alamin kung paano maghain ng claim laban sa Lungsod at County ng San Francisco para sa mga pinsala, pagkasira ng ari-arian, o refund sa buwis.

City Attorney

Ano ang gagawin

2. Punan ang form.

Sundin ang mga instruksyon sa likod ng form.

Kung hindi ka nakakapagsalita ng Ingles, If you do not speak English, mayroong mga instruksyon sa mga sumusunod na wika:

3. Ipadala o personal na iabot ang iyong form.

Maaari mong ipadala o personal na iabot ang iyong orihinal na nakumpletong form ng claim sa:

Controller’s Office Claims Division1390 Market Street, 7th Floor
San Francisco, CA 94102

Walang pagsusumite sa elektronikong paraan

Hindi kammi tumatanggap ng mga form na ini-email o nai-fax. Kailangan itong ipadala sa pamamagitan ng koreo o personal na iabot.

Mga deadline sa pagsusumite

Mag-file ng mga claim para sa personal na pinsala, pagkasira ng ari-arian, pagmakatay o pagkalugi, o pagkasira sa mga pananim sa loob ng 6 na buwan ng insidente.

Mag-file ng claim ng refund sa buwis sa loob ng panahong nakalista sa claim form at iniaatas ng batas.

I-file ang lahat ng iba pang claim, kabilang ang mga claim para sa pagkasira ng tunay na ari-arian, sa loob ng 1 taon ng insidente.

Mga susunod na hakbang

Magpahintulot ng hanggang 45 araw para maiproseso at maimbestigahan ng Claims Division ang iyong claim. Ang anumang kahilingan para sa impormasyon ay hindi pag-amin ng pananagutan o pangakong bayaran ang iyong claim.

1. Kumpirmasyon.

Padadalhan ka namin ng sulat na mayroong numero ng iyong claim sa oras na masimulan namin ang pagproseso sa iyong claim. Gamitin ang numero ng claim na ito kapag nagtatanong tungkol sa iyong claim.

2. Imbestigasyon.

Iimbestigahan namin ang iyong claim.

3. Mga Resulta.

Matatanggap mo ang isa sa mga sumusunod na sagot sa iyong claim:

(A) Paunawa na ang claim ay huli na o lampas na sa itinakdang panahon

Kabilang dito ang mga instruksyon na mayroong iyong mga opsyon.

(B) Kahilingan para sa higit pang impormasyon dahil sa mga kulang na detalye

(C) Pagpapaliban

Maaaring maghintay kaming sumagot hanggang sa matapos mo ang medikal na paggamot o ipadala mo sa amin ang iyong mga bayarin, mga form sa nawalang suweldo, at mga rekord ng payroll.

(D) Formal na pagtanggi

Ito ay nangangahulugan na natagpuan naming hindi nagkamali ang Lungsod at hindi babayaran ang iyong claim. Maaari kang makipag-usap sa kinatawan na nangangasiwa sa iyong claim.

Ibibigay namin ang iyong deadline para ihabla ang Lungsod kung pipiliin mong gawin ito.

(E) Alok na kasunduan

Hindi namin kailangang sumagot kung kailangang i-file ang iyong claim sa loob ng 1 taon ng insidente at hindi ka nag-file sa oras.

Kung nasa oras ang iyong claim ay hindi namin tinanggihan ang iyong claim, mayroon kang 2 taon mula sa petsa ng insidente para makipagkasundo o magsampa ng demanda laban sa Lungsod.