PAHINA NG IMPORMASYON

Plano ng Istratehikong Konseho sa Pag-Apila

Binabalangkas ng dokumentong ito ang mga pangunahing oportunidad na magkakaroon ang Konseho sa Pag-Apila sa susunod na limang taon upang mapabuti ang mga serbisyong ibinibigay nito sa publiko at mapataas ang kahusayan sa pagpapatakbo. Sinisikap ng dokumentong ito na magtakda ng mga paraan kung paano maaaring patuloy na magamit ng Board ang teknolohiya, makipagtulungan sa iba pang mga departamento ng Lungsod, at palakasin ang mga panloob na proseso upang mapakinabangan nang husto ang kakayahan nitong maisakatuparan ang misyon nito.

Planong Istratehiko

Paunang Salita

Binabalangkas ng dokumentong ito ang mga pangunahing oportunidad na magkakaroon ang Konseho sa Pag-Apila sa susunod na limang taon upang mapabuti ang mga serbisyong ibinibigay nito sa publiko at mapataas ang kahusayan sa pagpapatakbo. Sinisikap ng dokumentong ito na magtakda ng mga paraan kung paano maaaring patuloy na magamit ng Board ang teknolohiya, makipagtulungan sa iba pang mga departamento ng Lungsod, at palakasin ang mga panloob na proseso upang mapakinabangan nang husto ang kakayahan nitong maisakatuparan ang misyon nito.

Panimula

Ang Konseho sa Pag-Apila ay nilikha sa pamamagitan ng San Francisco Charter noong 1932. Ang City Charter at iba pang mga batas ng Lungsod ay nagbibigay sa Lupon ng awtoridad na dinggin at magpasya sa mga partikular na uri ng apela. Ang mga probisyon ng Charter at Kodigo na ito ay kumokontrol din sa pamantayan ng Pagrepaso na dapat ilapat ng Lupon sa bawat kaso, kung anong impormasyon ang maaaring isaalang-alang, ang takdang panahon kung kailan dapat magsagawa ng mga pagdinig sa apela ang Lupon, kung paano ibinibigay ang abiso sa publiko, at kung anong mga bayarin ang sinisingil.

Sa nakalipas na 89 na taon, ang hurisdiksyon ng Lupon ay pabago-bago habang ang mga pagbabago sa Charter at lehislatura ay nagdaragdag o nag-aalis ng iba't ibang uri ng mga desisyong maaaring iapela; ang mga uso at inobasyon sa negosyo ay patuloy na nagpapabago sa mga isyu at partido na dumarating sa Lupon. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nanatiling pare-pareho ang layunin ng Lupon: ang magbigay sa publiko ng isang walang kinikilingang forum kung saan maaaring malutas ang mga hindi pagkakaunawaan na may kaugnayan sa mga desisyong inilabas ng Lungsod.

Bilang isang mala-hudisyal na katawan, ang Lupon ay kumikilos sa paraang katulad ng isang hukuman; obligado itong obhetibong tukuyin ang mga katotohanan at bumuo ng mga konklusyon mula sa mga katotohanang iyon bilang batayan ng mga desisyon nito. Upang mapangalagaan ang kawalang-kinikilingan ng Lupon, ang mga regulasyon at tuntunin ay ipinatupad na nagbibigay ng isang pamantayang balangkas kung saan maaaring iharap ng mga partido ang kanilang mga argumento at ebidensya at kung saan maaaring gawin ang mga desisyon ng Lupon.

Para sa marami sa mga humaharap sa Lupon, malaki ang nakataya. Ang mga desisyon ng Lupon ay maaaring makaapekto sa mga legal na karapatan, tungkulin o pribilehiyo ng isang partido, maaaring epekto; impakt (do NOT use: impakto) sa kabuhayan ng isang partido o sa katangian ng kapitbahayan kung saan sila nakatira. Ang mga desisyon ng Lupon ay maaaring magtama ng mali, magparusa ng paglabag, o bumuo ng kompromiso sa pagitan ng mga partido.

Misyon

Ang Konseho sa Pag-Apila ay isang mala-hudisyal na lupon na nagbibigay sa publiko ng pangwakas na proseso ng Administratibong pag babalik aral/pag repaso para sa malawak na hanay ng mga pagpapasya ng Lungsod, kabilang ang pagbibigay, pagtanggi, suspensyon, pagbawi at pagbabago ng mga permit, lisensya, at iba pang karapatan sa paggamit ng iba't ibang departamento, Komisyon at iba pang entidad ng Lungsod at County ng San Francisco.

Planong Istratehiko ng Konseho sa Pag-Apila 2021-2026 Pahina 2

Mga Halaga

Habang dinidinig at pinagpapasyahan nito ang mga kaso, sinisikap ng Konseho sa Pag-Apila na makapagbigay ng mahusay, patas, at mabilis na proseso ng pampublikong pagdinig at paggawa ng desisyon sa harap ng isang walang kinikilingang panel bilang huling hakbang sa proseso ng Pagrepaso ng Lungsod.

Mga Layunin

Sa nakalipas na ilang taon, at simula noong pandemya ng Covid, sinimulan ng Lupon ang pagmodernize ng mga operasyon nito, at ginalugad ang mga pagkakataon para sa kolaborasyon sa pagitan ng mga departamento, pagpipino ng proseso, at pagpapaunlad ng mga manggagawa. Ang pagkuha at pagproseso ng apela ay lumipat mula sa isang luma nang programang computer ng Access patungo sa isang database sa platform ng Salesforce. Maaaring kunin ang mga apela nang malayuan. Ang database na ito ay tumutulong sa paghahanda ng mga dokumentong may kaugnayan sa apela at nagbibigay-daan para sa mas mahusay na pagsubaybay at pag-uulat ng apela. Ang website ng departamento ay lumipat mula sa luma nang sistemang Drupal patungo sa platform ng SF.GOV. Ito ay pinahusay na may mas maraming impormasyon na may kaugnayan sa apela, sa mas maraming wika, at may mga makasaysayang datos ng apela na sumasaklaw sa habang-buhay ng Lupon. Ang mga Panuntunan ng Lupon ay muling ginawa upang mas mahusay na maipahayag ang mga pinahahalagahan ng Lupon ng kawalang-kinikilingan at kahusayan. Ang mga pagsasaayos sa tauhan ay ginawa at ang pagsasanay ay isinagawa upang palakasin ang kasanayan ng mga manggagawa ng departamento upang ma-maximize ang magagamit na talento sa maliit na bilang ng mga empleyado ng Lupon.

Ang mga ideya at aksyon na nakabalangkas sa ibaba ay sumasalamin sa pagpapatuloy ng mga inisyatibong ito at iba pa na isinasagawa o nakumpleto na sa Lupon.

Layunin #1: Pahusayin ang proseso ng apela para sa lahat ng kalahok (ang publiko, mga miyembro ng Lupon at mga kawani) sa pamamagitan ng mas malawakang paggamit ng teknolohiya.

- Suriin at ipatupad ang mga bagong pagkakataon para sa automation

- Pagtaas ng teknolohikal na pakikipagtulungan sa mga departamentong nag-iisyu ng permit

Planong Istratehiko ng Konseho sa Pag-Apila 2021-2026 Pahina 3

 Pagbutihin ang kakayahan ng Lupon na tulungan ang publiko na gustong maghain o naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga apela

 Payagan ang mga kawani ng Lupon na mas mabilis na masuri ang pagiging napapanahon at katayuan ng permit (nailabas, nakabinbin, tinanggihan)

 Bigyan ang mga kawani ng Lupon ng access sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa may-ari ng permit, at ang mga dokumento ng permit na kinakailangan kapag naghain ng mga apela

- Sa pakikipagtulungan sa iba pang mga pampublikong lupon ng pagpupulong, suriin at ipatupad ang mga bagong teknolohiya na nagpapahintulot sa mga miyembro ng publiko na lumahok sa mga pagdinig sa mga paraan maliban sa pagdalo sa personal sa pagpupulong

- Gamitin ang mga pagkakataon para sa karagdagang kolaborasyon sa pagitan ng mga departamento

- Pagbutihin ang panloob na pamamahala ng datos

 Magdagdag ng mga modyul na nagbibigay-daan para sa awtomasyon at pag-uulat ng mga Kahilingan sa Muling Pagdinig

 Baguhin ang sistema upang payagan ang pag-uuri ayon sa uri ng permit

 Pagbutihin ang function ng pag-uulat ng apela ng system upang payagan ang mas maraming custom na pinasadyang mga parameter ng petsa at mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kasong dininig at mga kasong isinampa

 Magdagdag ng elektronikong tampok sa pag-iindeks upang maglaman at mag-ulat ng mga makasaysayang datos para sa mga apela na isinampa simula noong 1932

Layunin #2: Pagyamanin ang pagpapaunlad ng mga manggagawa: bilang isang maliit Departamento, mahalaga ang cross training upang matiyak ang saklaw at pagkakaloob ng serbisyo sa lahat ng oras; ang pagpapanatili ng mga kawani ay susi rin sa pagpapanatili ng mga kakayahan at kaalaman sa institusyon.

- Balangkasin ang mga panloob at panlabas na pangangailangan sa pagsasanay, bumuo at magpatupad ng mga plano sa pagsasanay

Planong Istratehiko ng Konseho sa Pag-Apila 2021-2026 Pahina 4

Layunin #3: Suriin at amyendahan ang mga tuntunin ng pamamaraan ng Lupon at ang namamahalang batas upang gawing moderno ang pagproseso ng apela, mapahusay ang pag-unawa ng publiko sa mga karapatan sa apela at proseso ng apela, at alisin ang mga hindi pagkakapare-pareho.

- Makipagtulungan sa mga miyembro ng Lupon at mga nasasakupan ng Lupon upang matukoy ang mga pagkakataon para sa mga paglilinaw at pagbabago sa mga Patakaran

- Makipagtulungan sa iba pang mga departamento ng Lungsod na kasangkot sa proseso ng pag-isyu ng permit upang malutas ang mga hindi pagkakapare-pareho ng batas at pagiging hindi na ginagamit na nakakaapekto sa mga apela sa Lupon.