PAHINA NG IMPORMASYON

Pagboto sa pamamagitan ng koreo

Nagpapadala kami sa pamamagitan ng koreo ng balota sa bawat lokal na botante para sa bawat eleksyon. Kumbinyente at ligtas ang pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Ang huling araw para magparehistro para bumoto at makatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo ay 15 araw bago ang Araw ng Halalan.

Maaari ka pa ring magparehistro at bumoto pagkatapos ng deadline na ito, ngunit sa personal lamang.

Pagtanggap sa inyong balota

Kalakip ng inyong paketeng vote-by-mail ang:

  • Mga kard ng balota
  • Isang pambalik na sobre na bayad na ang selyo
  • Mga instruksiyon sa pagboto
  • Isang “Bumoto ako” na sticker

Upang matiyak na maipadadala namin ang inyong balota sa tamang address, mag-log in sa Voter Status Tool (Tool sa Katayuan ng Botante) upang kumpirmahin na tama ang inyong address ng tirahan at address pang-koreo.

Kailangang nakarehistro kayong bumoto nang hindi bababa sa 15 araw bago ang Araw ng Eleksyon upang makatanggap ng pakete ng balota sa koreo. Kung hindi kayo umabot sa deadline, maaari pa rin kayong bumoto nang personal.

Siguraduhing mabibilang namin ang inyong balota

Kailangang mapirmahan ninyo ang pambalik na sobre ng balota at maibalik ang inyong balota nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon, sa pamamagitan ng koreo, o nang personal.

Tingnan ang mga paraan sa pagbalik ng inyong balota

Pagsubaybay sa inyong balota

Maaari ninyong masubaybayan ang kalagayan ng inyong balota sa pamamagitan ng Portal para sa Botante para makita kung kailan ito ipinadala at i-check kung ito ay natanggap na para mabilang. Ipaaalam sa inyo ng Portal para sa Botante kung may anumang problema sa inyong sobre ng balota, gaya ng kawalan ng pirma sa sobre, at ipakikita sa inyo kung papaano ito madaling maaayos. Maaari rin kayong mag-sign up para makatanggap ng mga notipikasyon sa email, text, o tawag sa telepono.

Maaari kayong humiling ng pamalit na balota

Kung hindi ninyo natanggap, nawala, nasira, o nagkamali kayo sa pagmamarka sa inyong orihinal na balota, maaari kayong humiling ng kapalit. Makipag-ugnayan sa amin o mag-log in sa Portal para sa Botante nang hindi bababa sa 7 araw bago ang Araw ng Eleksyon upang gawin ang inyong kahilingan. Maaari rin ninyong piliin na bumoto nang personal.

Kung gumawa kayo ng pagbabago sa inyong address, kinakatigang partido, o kagustuhan sa wika pagkatapos naming maipadala sa koreo ang inyong balota, papadalhan namin kayo sa koreo ng kapalit na balota.

Maaari kayong mag-download ng aksesibleng balota

Maaaring makakuha ng balota ang sinumang botante gamit ang sistema ng aksesibleng vote-by-mail. Maaari kayong gumamit ng screen-reader, head-pointer, sip and puff, o iba pang aparato para markahan ang inyong balota.

Bubuksan ang sistema para sa mga lokal na botante simula 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon. Sundin ang mga hakbang na ito upang magamit ang sistema:

Hakbang 1: Mag log in sa sistema ng aksesibleng vote-by-mail at basahin ang mga instruksiyon.

Hakbang 2: Markahan at suriin ang inyong balota gamit ang mouse, keyboard, o aparatong pantulong.

Hakbang 3: I-print ang inyong namarkahang balota o i-save ito bilang PDF file at i-print sa ibang pagkakataon.

Hakbang 4: : Ihanda ang pambalik na sobre para sa inyong aksesibleng balota. Maaari ninyong:

  • Gamitin ang opisyal na pambalik na sobre na inyong natanggap mula sa pakete ng balota, O
  • Gamitin ang 2 karaniwang sobre at sundin ang mga ibinigay na instruksiyon online.

Hakbang 5: Ibalik ang printout ng inyong aksesibleng balota nang personal o sa pamamagitan ng koreo.

Para sa seguridad, hindi nagiimbak o nagpapadala ng mga boto ang sistema ng aksesibleng balota gamit ang internet. Kailangang ibalik ng mga botante ang printout ng aksesibleng balota nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon.