SERBISYO

Ibalik ang inyong balota

Kailangang pirmahan ninyo ang sobre ng inyong balota at ibalik ito nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon.

Department of Elections

Ano ang gagawin

May 3 kayong opsiyon para ibalik ang inyong balota:

1. Ibalik ang inyong balota sa isang kahon na hulugan

Simula 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon, maaari ninyong ihulog ang inyong balota sa alinman sa 37 opisyal na kahon na hulugan ng Lungsod. Ang bawat kahon na hulugan ay mayroong makikitang selyo ng Lungsod at watawat ng Amerika, at ang mga ito'y aksesible at nasa labas, at bukas 24/7 hanggang 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon.

2. Ibalik ang inyong balota sa isang lugar ng botohan

Simula 29 na araw bago ang Araw ng Eleksyon, maaari ninyong ihulog ang inyong balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall tuwing mga oras na bukas ang Sentro ng Botohan.

Mula 7 am hanggang 8 pm sa Araw ng Eleksyon, maaari ninyong ihulog ang inyong balota sa City Hall o sa alinman sa 100 lugar ng botohan sa San Francisco.

3. Ibalik ang inyong balota sa pamamagitan ng koreo

Ang mga balotang ipinadala sa koreo ay dapat na may postmark sa Araw ng Eleksyon upang mabilang. Tingnan ang mga oras ng koleksyon ng USPS kung ipapadala ninyo ang inyong balota sa Araw ng Eleksyon. Hindi ninyo kailangan ng selyo dahil ang sobre ay may bayad nang selyo.

Makakuha ng tulong kaugnay ng inyong balota

Maaari ninyong pakiusapan ang ibang tao na ibalik ang inyong balota, tulad ng isang kaibigan o kapamilya. May seksyon ang sobre para sa layuning ito.

Nagbibigay din kami ng mga serbisyo sa paghahatid at pagkuha ng balota. Tumawag sa amin sa 415-554-4310 o mag-email sa amin para humiling ng tulong.

Maaari ninyong bisitahin ang anumang lugar ng botohan sa Lungsod upang gumamit ng mga aksesibleng kagamitan at makakuha ng tulong sa wikang inyong sinasalita.

Subaybayan ang inyong balota

Hinihikayat namin kayong subaybayan ang inyong balota sa pamamagitan ng Voter Portal (Portal para sa Botante). Maaari rin kayong mag-sign up para sa mga notipikasyon sa email, text, o voice call

Tungkol sa seguridad ng opisyal na kahon ng balota

Ang pagkadisenyo at instalasyon ng mga opisyal na kahon na hulugan ng balota sa San Francisco ay sumusunod sa mga alituntunin ng estado hinggil sa seguridad. Gawa ang mga ito sa matibay na bakal at gumagamit ng tamper-proof na disenyo. Ang Departamento ng Sheriff ng San Francisco ay regular na nangongolekta ng mga balota mula sa mga kahon na hulugan sa pagitan ng 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon hanggang sa pagsasara ng mga botohan sa Gabi ng Eleksyon.

Makipag-ugnayan sa amin

Address

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Telepono

415-554-4375
Fax: 415-554-7344 TTY: 415-554-4386 中文: 415-554-4367 Español: 415-554-4366 Filipino: 415-554-4310