HAKBANG-HAKBANG

Palitan ang iyong mga bintana

Kumuha ng building permit para palitan ang mga kasalukuyang panlabas na bintana at skylight.

Department of Building Inspection

Maaari ka na ngayong mag-apply online para sa mga permit para palitan ang mga panlabas na bintana o skylight na in-kind , o pareho ang laki at nasa parehong lokasyon, habang inililipat namin ang mga proseso ng pagpapahintulot sa isang naa-access at transparent na online hub.

Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa pag-aaplay online, mag-email sa PermitSF@sfgov.org .

Sundin ang mga hakbang na ito upang palitan ang mga in-kind na panlabas na bintana o skylight sa isang residensyal o komersyal na gusali.

1

Mga makasaysayang gusali lamang: Kumuha ng pag-apruba mula sa SF Planning

Ang mga gusaling may makasaysayang kategorya A* na may palatandaan ay nangangailangan ng Administrative Certificate of Appropriation o Minor Permit to Alter bago mag-apply para sa building permit. Mag-email sa pic@sfgov.org para sa mga susunod na hakbang, o makipag-usap sa isang SF Preservation Planner sa Planning counter ng Permit Center .

Kung hindi mo alam ang katayuan ng mapagkukunang pangkasaysayan (historic resource status) ng iyong gusali, malamang na wala kang gusaling may pagtatalagang A*.

Suriin ang katayuan ng makasaysayang mapagkukunan ng iyong ari-arian.

2

Tukuyin kung kailangan mong magbigay ng mga plano para makakuha ng permit

Kung magpapalawak o gagawa ka ng mga bagong butas sa dingding , dapat kang magbigay ng mga plano nang personal upang makakuha ng Over-the-Counter (OTC) permit. Kasama sa proseso ng pagpapahintulot ang pagsusuri ng plano.

Kung hindi mo babaguhin ang mga kasalukuyang butas sa dingding, ito ay maituturing na isang in-kind na pagpapalit. Hindi mo na kakailanganing magbigay ng mga plano para makuha ang iyong permit. Maaari ka ring mag-apply para sa iyong permit online.

3

Sundin ang mga kinakailangan kapag bumibili ng mga bintana

Kailangang sumunod ang mga panlabas na bintana sa mga alituntunin sa kahusayan ng enerhiya at matugunan ang mga alituntunin sa kaligtasan para sa mga aksidente o sunog.

Ang mga bintana na ililipat o palalawakin ay kailangan ding sumunod sa mga pamantayan sa disenyo ng bintana sa San Francisco.

Mga kinakailangan sa kahusayan ng enerhiya

Ang lahat ng rating ng kahusayan sa enerhiya ay matatagpuan sa National Fenestration Rating Council ng tagagawa o sa sticker ng ENERGY STAR na nasa bintana, kadalasan sa sulok. Susuriin namin ang mga rating ng iyong bintana sa panahon ng inspeksyon.

Kung ang iyong mga iminumungkahing bintana ay natutugunan ang mga sumusunod na kinakailangan, puwede kang mag-apply online. Kung hindi nito natutugunan ang mga kinakailangang ito, kakailanganin mong mag-apply sa personal upang talakayin ang iba pang mga paraan upang maging matipid sa enerhiya ang iyong gusali.

Ang mga bintana sa mga gusaling R-3 (mga tirahang pang-isang pamilya, townhome, duplex) ay kailangang may U-factor na 0.27 o mas mababa pa.

Ang mga bintana sa mga tirahan na may mahigit sa 2 yunit ay kailangang mayroong U-factor na 0.28 o mas mababa pa.

Ang mga bintana sa mga gusaling hindi residensyal o hotel ay kailangang magkaroon ng lahat ng kinakailangang ito:

  1. U-factor na 0.58 o mas mababa pa
  2. Solar Heat Gain Coefficient na 0.41 o mas mababa pa
  3. Nakikitang Paglipat ng:
    1. 0.46 o mas mataas pa para sa anumang mga bintana sa tindahan
    2. 0.42 o mas mataas pa para sa mga nakapirming bintana
    3. 0.32 o mas mataas pa para sa mga magagamit na bintana
    4. 0.46 o mas mataas pa para sa mga bintana na may kurtina
    5. 0.17 o mas mataas pa para sa anumang salamin sa mga pinto

Kung saan kinakailangan ang tempered glass o safety glazing

Pinoprotektahan ng safety glazing ang mga tao mula sa pagkasugat sa mga aksidente o lindol.

Ang mga bintana na may safety glazing ay magkakaroon ng nakaukit na marka sa sulok, na naglalaman ng pangalan ng tagagawa at pamantayan sa kaligtasan. Kabilang sa mga halimbawa ng safety glazing ang tempered o laminated glass. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang paggamit ng tempered glass, na ginagamot upang mabasag sa maliliit na cube sa halip na malalaking piraso.

Malalaking bintana

Ang mga bintana na sapat ang laki at mababa para mahulog ang mga tao ay dapat may safety glazing. Kabilang dito kung ang isang bintana ay mayroong lahat ng mga sumusunod na katangian:

  • Mahigit sa 9 na talampakang kuwadrado ang lawak
  • Ilalim ng bintana na wala pang 18 pulgada mula sa sahig
  • Itaas ng bintana na mahigit 3 talampakan mula sa sahig
  • Ang bintana ay nasa loob ng 3 talampakan mula sa kung saan naglalakad ang mga tao

Mga mapanganib na lokasyon

Dapat may safety glazing ang mga lugar kung saan maaaring mahulog ang mga tao sa salamin pagkatapos mawalan ng balanse:

  • Lahat ng pintong may salamin, kabilang ang mga pintong swinging, sliding, at bifold
  • Lahat ng salamin ay ginagamit bilang pangharang, kabilang ang sa hagdan
  • Mga bintana na nasa loob ng 2 talampakan mula sa gilid ng pinto kapag nakasara
  • Mga bintana sa loob o katabi ng mga basang lugar (mga bathtub, shower, pool, steam room, atbp.)
  • Mga bintana sa loob ng 5 talampakan mula sa hagdan o paglalapagan ng hagdan

Kung may matibay na rehas na nakakabit sa harap ng bintana, hindi na ito kailangang lagyan ng safety glazing.

Ang mga panlabas na bintana na malapit sa ibang mga gusali ay dapat na matibay laban sa sunog

Ang mga bintana na nasa loob ng 3 talampakan mula sa linya ng ari-arian ay kailangang may fire rating na 1 oras.

Kailangang may bintanang paglilikasan ang mga silid na puwedeng tulugan ng mga tao

Para sa mga silid na puwedeng tulugan ng isang tao, dapat ay sapat ang lawak ng pagkakabukas ng hindi bababa sa isang bintana para sa paglikas. Ang Emergency Escape and Rescue Opening (EERO) na ito ay kailangang sapat ang laki para makapasok ang bumbero (na may gamit at posibleng hagdan).

Kasama sa kinakailangang ito ang mga attic at basement.

Mga kinakailangan sa tindahan ng negosyo

Dapat makita sa bintana ang unang 4 na talampakan ng tindahan.

4

Mag-apply online para sa permit para palitan ang mga bintanang may parehong laki at lokasyon

Kung hindi mo papalitan ang kasalukuyang butas ng dingding, mag-apply para sa iyong permit sa pagpapalit ng bintana online.

Tatanungin ka ng aplikasyon tungkol sa iyong planong kapalit na trabaho. Kung plano mong ipagawa sa isang kontratista ang trabaho, kumuha muna ng isa bago mag-apply. Hihingin namin ang kanilang impormasyon sa form.

Ipapadala namin sa iyo ang halaga ng bayad pagkatapos naming masuri ang iyong aplikasyon. Ang aming layunin ay aprubahan ang karamihan ng mga permit sa loob ng 2 araw ng negosyo.

Mag-apply online

or

Mag-apply nang personal para sa isang Over-the-Counter permit upang baguhin ang laki o lokasyon ng iyong mga bintana

Kung palalawakin, babawasan, o ililipat mo ang kasalukuyang butas ng dingding, kailangan mong mag-apply para sa permit sa Permit Center .

Maaari kang sumangguni sa mas detalyadong mga instruksyon sa pagbibigay ng permit sa paggamit ng ibang mga bintana.

Kumuha ng over-the-counter na permit para sa iyong exterior residential project.