NEWS

Naninindigan ang San Francisco kasama ninyo.

Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs

Ngayon at bawat araw, nais naming ipabatid sa mga miyembro ng komunidad nang mga imigrante na naninindigan ang San Francisco kasama ninyo. Habang naghahanda ang Bay Area para sa SuperBowl sa pagtatapos ng lingong ito, ang Lungsod at ang ating mga kabalikat sa komunidad (community partners) ay puspusan ang paghahanda upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Gusto naming ibahagi ang mahahalagang mga balità para mabawasan ang pag kalito at pangangamba tungkol sa maaaring mapansin ang presensya ng mga tagapagpatupad ng batas mula sa mga ahensiyang pederal at estado habang ginaganap ang Super Bowl. Inaasahan naming makakakita ng mas pinalawak na presensiya ng mga tagapagpatupad ng batas mula sa ahensiyang pederal at estado. Subalit hindi inaasahan ang pagdami ng mga tagapagpatupad ng batas sa imigrasyon sa Super Bowl.

Para alamin ang higit pa, basahin ang pahayag ni Mayor Lurie sa Pahayag sa kung paano magiging handa ang Lungsod para sa Super Bowl: https://www.sf.gov/news-mayor-lurie-outlines-preparations-to-keep-san-franciscans-and-visitors-safe-during-super-bowl-lx-week

Makipag ugnayan sa mga pantulong para sa komunidad

Nais naming tiyakin na ang mga kaanib ng komunidad ay may mga pantulong at magagamit na kinakailangan nila para madama nilang sila’y ligtas at nakahanda. Maaari ninyong:

  • Tulungan ang inyong mga kapitbahay sa pamamagitan ng pag iiwas na pag papakalat ng mga sabi-sabing balita o sa pag uudyók para ang mga tao ay mataranta at magkagulo. Kung kayo o ang kakilala ninyo ay naka engkuwentro o nagkaroon ng interaksyon sa mga tagapagpatupad ng batas ng ahensiyang pederal at nangangailangan ng agarang suportang legal, maaari ninyong tawagan ang Rapid Response Hotline sa 415-200-1548 na pinangungunahan ng komunidad.

  • Ipagpatuloy ang pag akses sa mga serbisyo ng Lungsod at mga impormasyon. Alamin ang higit pa patungkol sa mga serbisyo ng Lungsod at mga pantulong ng komunidad para sa mga imigrante sa online sa sf.gov/immigrants .

Patuloy na susubaybayan ng Office of Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) ng San Francisco ang sitwasyon at mag babahagi ng impormasyon sa mga miyembro ng komunidad sa sf.gov/oceia .

Sa San Francisco, naninindigan tayo kasama ng ating mga imigranteng kapitbahay, at matibay ang ating paninindigan sa ating sama samang pagpapahalaga bilang Lungsod ng Santuwaryo. Hindi sasali ang ating tagapagpatupad ng batas sa mga pagpapatupad sa pederal na batas sa imigrasyon. Ang tanging gampanin ng San Francisco Police Department ay para pangalagaan ang pampublikong kaligtasan, imbestigahan ang mga krimen, ipatupad ang batas, at mangasiwa sa seguridad na may kinalaman sa malakihang pampublikong kaganapan.

Salamat po sa lahat nang ating mga kabalikat sa komunidad (community partners) na tumutulong para masuportahan at mapangalagaan ang mga imigranteng komunidad.

Nasa ibaba ang listahan ng mga Bay Area Rapid Response Hotline para suportahan ang mga kasapi sa ating imigranteng komunidad: