PRESS RELEASE
NAGTAMO NG SAN FRANCISCO ANG 5-STAR CERTIFIED WELCOMING NA DESIGNASYON PARA SA IMMIGRANT INCLUSION AT BELONGING
Office of Civic Engagement and Immigrant AffairsAng San Francisco ang kauna-unahang lungsod sa bansa na nagtamo ng 5‑star Certified Welcoming (Sertipikadong Welcoming Community) na designasyón mula Welcoming America (organisasyong Welcoming America), isang nonprofit at nonpartisan na organisasyon.
San Francisco — Ang San Francisco ang kauna-unahang lungsod sa bansa na nagtamo ng 5‑star Certified Welcoming (Sertipikadong Welcoming Community) na designasyón mula Welcoming America (organisasyong Welcoming America), isang nonprofit at nonpartisan na organisasyon. Kinikilala ng pambansang designasyón na ito ang mga pagsisikap ng lungsod na isama ang mga imigrante sa lahat na larangan ng sibika, panlipunan at ekonomiyang pamumuhay, na kung saan ang San Francisco ay napapabilang sa isa sa 45 na Certified Welcoming communities sa buong bansa.
"Sa loob ng maraming henerasyon, ang mga imigrante ay kabalikat sa pagtatatag ng San Francisco. Sinimulan nila ang iba’t-ibang mga negosyo, pinalakas ang mga kapitbahayan, pinayaman ang ating kultura at tumulong para ang Lungsod ay maging isa sa pinaka aktibo at masiglang lugar sa buong mundo,“ pahayag ni Mayor Daniel Lurie. “Sinasalamin nito ang mga dekada ng mga programa at pakikipag tulungan na tumulong at ipinarating ang pahayag na sila ay kabilang at kabahagi natin dito. Kasama ang mga nakikipag tulungan at kabalikat natin sa komunidad, lagi tayong nagsisikap para tiyakin na lahat nang mga residente ay patuloy na nadadama sila ay ligtas, kabahagi at welcome sa ating Lungsod.”
AIpinagkaloob ng Welcoming America ang nasabing designasyón kay Mayor Lurie sa Immigrant Leadership Awards, isang pagtatanghal ng Komisyon para sa mga Karapatan ng Imigrante sa San Francisco na ginaganap tuwing buwan ng Hunyo para parangalan ang mga lokal na mga namumuno, kampeyon at mga negosyo ng mga imigrante.
Ang pagiging Certified Welcoming ay pormal na designasyón para sa mga lungsod at county na kung saan ang mga patakaran, polisiya at programa ng mga ito ay sumasalamin ng kanilang pagsisikap tungo sa ingklusiyon at ang malugod na pag tanggap sa mga imigrante. Mula pa nuong ilunsad ito nuong 2017 at sa pag dagdag ng kanilang star designation system nuong 2023, ang Certified Welcoming at balangkas nito, ang Welcoming Standard (Pamantayan sa Pagtanggap), ay nagsilbing gabay at mapa para sa mga lokal na pamahalaan na nagsisikap na magtatag ng mga komunidad na mas malugod ang pag tanggap sa mga imigrante.
Maaaring palakasin ng mga Welcoming na patakaran at polisiya ang mga lokal na ekonomiya sa pagtulong sa mga imigranteng makahanap ng trabaho, magsimula ng mga negosyo at mag tatag ng mga karera sa trabaho. Sa San Francisco, kasama dito ang pag suporta ng nga kooperatiba na pag-aari ng mga mangagawa at mga program ana tumutulong sa mga entrepreur na tahakin at alamin ang mga tulong at serbisyo ng Lungsod para sa mga maliliit na negosyo.
"Nakamit ng San Francisco ang kauna-unahang 5-star Certified Welcoming na designasyón. This achievement ay nagbibigay ng bagong pamantayan sa kung ano ang makakamit ng mga lungsod kapag ang malugod na pagtanggap ay bahagi nang kung paano pinatatakbo ang isang lungsod,” sabi ni Rachel Perić, executive director ng Welcoming America. “Ang tagumpay ng San Francisco ay sumasalamin sa mga dekadang pakikipagtulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, mga organisasyon sa komunidad, at mga residente. Sama-sama silang nagtatag ng Lungsod kung saan lahat ay maaaring mag ambag at yumabong.”
Ang parangal sa San Francisco ay sumasalamin sa mga polisiya at pakikipag tulungan sa loob mga dekada. Tinitiyak ng Language Access Ordinance (LAO) na ang mga Departamento ng Lungsod ay nagbabahagi ng makabuluhang pag akses ng mga tulong at serbisyo gamit ang wika. Binawasan ng mga inisyatiba sa balota na ang mga istrukturang naging balakid sa paglahok sa mga sibikang gawain, kasama na ang hakbang para alisin ang pangangailangan na maging citizen para makapag linkod sa mga lokal na lupon at mga komisyon. Ang pakikipag tulungan sa mga organisasyon sa komunidad ang nasa puso ng istratehiya ng Lungsod, mula sa pagbibigay ng kaalaman at katurauan sa mga kasapi sa komunidad tungkol sa kanilang mga karapatan sa pamumuhunan sa mga kooperatiba na pag aari ng Lungsod at mga programa para sa mga programa ng mga day laborer na nagpapalawig ng mga oportunidad sa trabaho at karera para sa lahat ng mga taga San Francisco.
“Ang imigrasyon ay kasama sa habi ng pamumuhay sa San Francisco, at itong kauna-unahan at bukod tanging pagtatalaga ay salamin ng patuloy na pagsisikap ng ating Lungsod tungo sa pagtanggap at pagsuporta ng mga imigranteng komunidad,” pahayag ni Carmen Chu, Administrador ng Lungsod. “Sa pamamagitan ng Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs, naging pambansang namumuno ang San Francisco sap ag akses gamit ang wika, serbisyo sa mga imigrante, at mga tinatahak na daanan patungo sa citizenship. Pinapagtibay ng parangal na ito ang mga pagpapahalaga na naglalarawan sa kung ano ang ating Lungsod at mga pagsisikap natin sa bawat araw para tiyakin na ang mga imigrante at mga bagong dating ay may pagkakataon para yumabong. Umaasa ako sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga organisasyon ng komunidad, mga tagasulong at residente para sa pagtatag ng San Francisco na mas ingklusibo at may malugod na pagtanggap para sa lahat.”
“Malaking karangalan sa amin ang maging kauna-unahang Lungsod na nakapagtamo ng 5-star na designasyon,” ani Jorge Rivas, executive director ng Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA). “Bagamat batid namin na hindi pa tapos ang gawain, ang parangal na ito ay nagtutulak sa San Francisco na magpatuloy sa pagtatatag at pagpapanatili na maging welcoming city para sa lahat.”
Ang tunkol sa Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA ) Ang Office of Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) tanggapan ng Lungsod at County ng San Francisco para sa mga pagbabalangkas ng mga patakaran at polisiya, sa pag sunod, sa direktang serbisyo at pagbibigay gawad ng Lungsod. Layon ng OCEIA ang isulong ang mga ingklusibong polisiya at itaguyod ang mga programa para magbigay tulong sa mga imigrante tungo sa ganap na ingklusyon sa pamumuhay sa larangan ng sibika, ekonomiya at wika. Hinahanap-hanap ng OCEIA ang isang ligtas, lubos na nakikitungo at ingklusibong San Francisco kung saan ang lahat ay nakakapag ambag at yumayabong. Alamain ang higit pa: sf.gov/oceia .
Ang tungkol sa Certified Welcoming
Ang Certified Welcoming ay pormal na designasyón para sa mga lokal na pamahalaan na lumilikha ng mga patakaran, polisiya at mga programa na sumasalamin sa kanilang pagpapahalaga at pagsisikap tungo sa ingklusiyon ng mga imigrate. Ang makabagong programang ito ay sumusuri at tinatasa ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga pagsisikap na isama at tanggapin ang mga imigrante sa lahat ng larang ng sibika, panlipunan at ekonomiyang pamumuhay sa kanilang komunidad. Taglay ang Certified Welcoming designation, binubukod-tangi ng mga komunidad ang kanilang lokal na pagsisikap, tinatatag ang kanilang competitive advantage, at nagtatamo ng daan para sa mga oportunidad na ibahagi ang kanilang mga welcoming na pamamalakad sa mga rehiyonal, national, at entablado ng buong mundo. Alamin ang higit pa sa certifiedwelcoming.org .
Ang tungkol sa Welcoming America
Ang Welcoming America ay isang organisasyong nonprofit, nonpartisan na namumuno sa kilusan ng mga ingklusibong komunidad para lalong mas maging maunlad sa pamamagitan ng pagtitiyak na lahat ay kabilang dito. Naniniwala kami na lahat ng tao, kasama na ang mga imigrante, ay may matimbang na ambag at napakahalaga sa tagumpay ng ating mga komunidad at sama-samang kinabukasan. Alamin ang higit pa sa welcomingamerica.org .
Mga Media Contact
Welcoming America: Leslie Nguyen-Okwu, leslie@welcomingamerica.org
San Francisco Office of Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) ng San Francisco : Jamie Richardson, jamie.richardson@sfgov.org
###