Skip to main content

Mga Update sa Kalusugan para sa mga Tagapagbigay ng Serbisyong San Francisco : Pagbabakuna laban sa Influenza, COVID-19, at RSV para sa 2026–27

Disease Prevention and Control

Kasabay ng West Coast Health Alliance (WCHA), ang California Departamento ng Pampublikong Kalusugan (CDPH) ay naglabas ng mga rekomendasyon para sa mga na-update na pormulasyon ng mga bakuna laban sa trangkaso at COVID-19 para sa 2026–27 pati na rin para sa pagbabakuna laban sa RSV. Ang pagbabakuna ay nananatiling pinakamabisang kasangkapan upang maiwasan ang malalang sakit na dulot ng trangkaso, COVID-19, at RSV, mabawasan ang transmisyon sa komunidad, at mapanatili ang kapasidad ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.

Sa kasalukuyan, kakasimula pa lang ng panahon ng respiratory virus (sakit) , at bagama't kumakalat na ang tatlong virus sa San Francisco, mababa pa rin ang bilang ng mga naospital . Taon-taon, hindi mahuhulaan ang pinakamataas na oras ng sirkulasyon. Kaya naman, ito ang pinakamainam na panahon para magpabakuna bago pa man magsimula ang panahon. Pakihikayat ang inyong mga pasyente na magpabakuna ngayon. Ligtas na ibigay ang mga bakuna nang sabay-sabay.

Nakatuon ang CDPH at WCHA sa pagtiyak na ang mga rekomendasyon sa kalusugan ng publiko ay ginagabayan ng kaligtasan, bisa, transparency, access, at tiwala. Pinapayagan ng batas ng estado ng California ang CDPH na mag-isyu ng sarili nitong mga rekomendasyon sa bakuna na ipinaalam ng mga propesyonal na organisasyon. Pinapanatili ng batas na ito ang access at pagpili ng mga pasyente, tinitiyak na ang mga bakuna ay sakop ng mga tagaseguro sa pangangalagang pangkalusugan, at nagbibigay ng proteksyon sa pananagutan. Ang mga na-update na rekomendasyon ay ipinaalam ng mga pambansang organisasyong medikal, kabilang ang American Academy of Pediatrics (AAP), ang American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), at ang American Academy of Family Physicians (AAFP).

Mga Aksyon na Hiniling sa mga Kliniko ng San Francisco 

1. Irekomenda ang mga bakuna laban sa trangkaso 2026–27 sa lahat ng 6 na buwan pataas, lalo na sa mga taong may mas mataas na panganib para sa mga komplikasyon ng trangkaso tulad ng mga bata, buntis , at mga nasa hustong gulang.

2. Irekomenda ang bakuna COVID-19 para sa 2026–27 sa lahat ng nasa mas mataas na panganib, kabilang ang sa:

  • Lahat ng 6–23 buwan at 65 taong gulang pataas
  • Lahat ng edad 2–18 na may mga salik sa panganib o hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19
  • Lahat ng edad 19–64 na may mga salik sa panganib
  • Lahat ng nagpaplano ng pagbubuntis, buntis, postpartum, o nagpapasuso
  • Lahat ng taong malapit na pakiki-ugnay sa iba na may mga salik sa panganib, kabilang ang mga healthcare worker (not commonly used: manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan)
  • Lahat ng pumipiling bawasan ang panganib ng malubhang sakit

3. Irekomenda ang pagbabakuna laban sa RSV sa mga sumusunod na tao:

  • Mga dating hindi nabakunahang mga nasa hustong gulang 75 taong gulang pataas, o 50–74 taong gulang na may mga salik sa panganib
  • Mga nag dadalang-tao dating hindi nabakunahan sa edad na 32–36 na linggo ng pagbubuntis
  • Mga batang wala pang 8 buwan ang edad (kung ang magulang na nanganak ay hindi nakatanggap ng bakuna laban sa RSV habang nagbubuntis), at 8–19 na buwan na may mga salik sa panganib

Mga Karagdagang Mapagkukunan 

Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Programa 

Programa ng Imunisasyon | Sangay ng Communicable Sakit

Dibisyon ng Kalusugan ng Populasyon | Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco

Tel: (628) 217-7490 | Email: immunization@sfdph.org

Tingnan o mag-sign up para sa mga Alerto, Payo, at Update sa Kalusugan ng SFDPH sa San Francisco