PAHINA NG IMPORMASYON
Mga panukala at argumento sa balota
Suriin ang mga panukala sa balota sa San Francisco at mga detalye nito.
Mga Panukala sa Balota
Maaaring kabilang sa mga balota ng San Francisco ang mga panukalang pang-estado, panlokal, o pandistrito. Ang mga lupon ng pamahalaan ang nagmumungkahi ng karamihan sa mga panukala, ngunit maaari ring magmungkahi ng mga panukala ang mga botante. Maaari ninyong matutunan ang tungkol sa prosesong ito sa aming Guide to Initiative Measures (PDF) at Guide to Recalling Local Elected Officials (PDF). Maaari rin kayong mag-iskedyul ng appointment o tumawag sa amin sa 415-554-4375. Ang pahinang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lokal, pandistrito, at mga inisyatibang panukala. Ang Kalihim ng Estado ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga panukalang pang-estado. Mangyaring sumangguni sa aming Mga Kalendaryo para sa mga Panukala sa Balota upang malaman ang tungkol sa mga timeline para sa nalalapit na eleksyon sa 2026.
Kalendaryo para sa mga Panukala sa Balota – Hunyo 2, 2026
Idaragdag pagkatapos ng Pebrero 2, 2026 ang mga kuwalipikadong inisyatibang panukala.
Idaragdag pagkatapos ng Pebrero 27, 2026 ang mga kuwalipikadong panlokal na panukala.
Idaragdag pagkatapos ng Marso 6, 2026 ang mga kuwalipikadong pang-distrito na panukala.
Kalendaryo para sa mga Panukala sa Balota – Nobyembre 3, 2026
Itinatakda ng batas ang mga deadline ng pagsusumite ng panukala sa balota. Sa pagbabasa tungkol sa mga panukala sa balota sa ibaba, pakitandaan:
- Ang Direktor ng mga Eleksyon ang siyang nagpapasya ng titulo at pagtatalaga ng letra.
- Maaaring magbago pa ang titulo bago pa mabigyan ng letra ang panukala.
- Kung walang nakalagay sa panukala na impormasyon para sa pakikipag-ugnay, hindi kami pinahintulutan ng may-panukala na ilabas ang impormasyong iyon.
- Maisasama lamang sa aming listahan ng mga potensyal na panukala ang mga naisumite sa amin sa tamang paraan.
Mga kuwalipikadong panukala
Ang link na ito ay mananatiling hindi aktibo hanggang Pebrero 2, 2026.
Mga potensyal na panukala
Ang mga potensyal na panukala ay ipapaskil kapag isumite sa Departamento ng mga Eleksyon.
Mga argumento sa balota
Ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ay karaniwang naglalaman ng "mga argumento sa balota". Ito ay mga pahayag na pabor at laban sa mga panukala sa balota. Maaari lang naming ilathala ang mga argumento sa balota sa ilalim ng ilang mga kundisyon. Maaari ninyong malaman ang tungkol sa mga kundisyong ito sa Ballot Argument Guide (PDF). Maaari din ninyong malaman ang tungkol sa proseso sa isa sa aming mga workshop sa paggawa ng argumento sa balota.
Dapat ninyong isumite nang personal ang (mga) kinakailangang form sa aming tanggapan bago ang deadline. Maaari ninyong kompletuhin ang mga form nang maaga o kunin ang mga ito mula sa aming opisina. Iniimprenta namin sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ang mga argumento sa balota ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagkasumite sa mga ito.
Mga form ng argumento sa balota
- Control Sheet A (PDF) Laging kailangan. Gamitin ang form na ito para ipresenta ang inyong argumento at tukuyin ang pangunahing may-akda.
- Ballot Label Form (PDF) Laging kailangan. Gamitin ang form na ito upang isama ang isang Tagasuporta o Kalaban sa label ng balota sa opisyal na balota.
- Control Sheet B (PDF) Higit ba sa isang tao ang may-akda ng argumento? Gamitin ang form na ito para tukuyin ang lahat ng may-akda.
- Consent Form (PDF) May mga tagasuporta na hindi mga may-akda? Gamitin ang form na ito para makalap ang kanilang permiso.
- Assignment Form (PDF) Gusto ba ninyong italaga ang inyong karapatang magsumite ng argumento sa balota? Gamitin ang form na ito upang magawa iyon.
Para sa mga tanong tungkol sa mga argumento sa balota, mangyaring mag-iskedyul ng appointment o tumawag sa 415-554-4375.
Alamin ang tungkol sa mga nakaraang panukala sa balota
Tingnan ang nakaraang impormasyon ng panukala sa balota at mga nakaraang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.
Para sa mga resulta ng mga panukala sa balota, tingnan ang mga resulta ng eleksyon.
Makipag-ugnayan sa Amin
Address
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Kumuha ng mga direksyon
Telepono
415-554-4375
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Email
sfvote@sfgov.org