KOLEKSYON NG MAPAGKUKUNAN
Mga programang Maagang Pagkatuto Para sa Lahat
Maghanap ng programang Maagang Pagkatuto Para sa Lahat na akma sa mga pangangailangan ng iyong pamilya.
Department of Early ChildhoodNavigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Mayroong mahigit 500 programa sa network ng Early Learning For All na nagsisilbi sa mga sanggol, paslit, at maliliit na bata. Ang network ay ang mixed delivery system ng San Francisco para sa maagang pagkatuto at kinabibilangan ng iba't ibang uri ng programa, tulad ng mga family child care home, child care center, Head Start at mga paaralang pang-early education ng San Francisco Unified School District (SFUSD).
Para makasali sa network, dapat mayroon ang mga programang ito ng:
- Mga aralin at aktibidad na angkop para sa edad ng bawat bata
- Mga gurong sinanay at mapagmalasakit
- Ligtas at malusog na mga silid-aralan
- Karanasan sa pakikipagtulungan nang malapit sa mga pamilya upang matulungan ang kanilang mga anak na magtagumpay
Karamihan sa mga pamilya sa San Francisco ay maaaring makakuha ng libre o murang pangangalaga sa bata at preschool sa mga programa sa network ng Early Learning For All. Madaling tingnan kung kwalipikado ka at mag-apply .
Bukod pa riyan, ang mga 4-taong-gulang ay maaaring pumasok sa Transitional Kindergarten (TK) nang libre sa pamamagitan ng San Francisco Unified School District (SFUSD). Para mag-apply para sa TK, kumpletuhin ang online application ng SFUSD .