ULAT
Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco - Nobyembre 4, 2025 na Eleksyon
Department of ElectionsPambuong-estadong Espesyal na Halalan
Sulat mula sa Direktor
Setyembre 8, 2025
Mahal na Botante ng San Francisco,
Para sa Nobyembre 4, 2025, Pambuong-estadong Espesyal na Halalan, ang lahat ng nakarehistrong botante ay makatatanggap ng isang kard na balota na naglalaman ng isang pambuong-estadong panukala sa balota na may “Oo-o-Hindi” na tanong. Para suriin ang impormasyon kaugnay sa panukalang ito, bisitahin ang website ng Gabay na Impormasyon para sa Botante ng Kalihim ng Estado ng California sa voterguide.sos.ca.gov.
Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Simula Oktubre 2, magpapadala sa koreo ang Departamento ng mga Eleksyon ng mga balota sa lahat ng nakarehistrong mga botante sa San Francisco. Maaaring ibalik ng mga botante ang kanilang kinumpletong balota sa pamamagitan ng koreo o ihatid ito sa alinman sa 37 mga kahon na hulugan ng balota ng Lungsod, na mayroon mula Oktubre 6 hanggang 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4. Para tingnan ang lokasyon ng mga kahon na hulugan, bisitahin ang sfelections.gov/ballotdropoff.
Pagboto nang Personal
Ang Sentro ng Botohan sa City Hall, na matatagpuan sa harap ng Room 48, ay magbubukas para sa lahat ng mga botante ng San Francisco Lunes hanggang Biyernes mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., simula Oktubre 6 hanggang Nobyembre 3, maliban sa Oktubre 13 holiday. Magbubukas din ang Sentro ng Botohan sa Sabado at Linggo ng Nobyembre 1 at 2 mula 10 a.m. hanggang 4 p.m., at sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4, mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. Magsisilbi ang lugar na ito para sa mga botante na nais na bumoto nang personal, maghulog ng kinumpletong mga balota, gumamit ng kagamitan para sa aksesibleng pagboto, o, pagkalipas ng Oktubre 20 na deadline para sa rehistrasyon, magparehistro at bumoto nang probisyonal.
Sa Araw ng Eleksyon, magbubukas ang Departamento ng 100 mga lugar ng botohan sa kabuuan ng Lungsod para sa personal na pagboto at paghulog ng balotang vote-by-mail mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. Maaaring kumpirmahin ng mga botante ang lokasyon ng itinalaga sa kanilang lugar ng botohan sa pamamagitan ng pag-log-in sa Portal para sa Botante sa sfelections.gov/voterportal. Ang address ng lugar ng botohan ay nakalista rin sa “Mga Instruksiyon para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo” na nakalakip sa pakete ng vote-by-mail, kasama ng “Bumoto Ako!” na sticker.
Mga Resulta ng Eleksyon
Maglalabas ang Departamento ng paunang mga lokal na resulta ng eleksyon sa Gabi ng Eleksyon bandang 8:45 p.m. at ipo-post ang mga ito sa sfelections.gov/results. Ang mga pambuong-estadong resulta ay makikita sa website ng Kalihim ng Estado ng California sa sos.ca.gov/elections.
Bisitahin ang Portal para sa Botante sa sfelections.gov/voterportal para i-access ang inyong impormasyon bilang botante, subaybayan ang inyong balota, at higit pa. Para sa mga katanungan o para humingi ng tulong, tumawag sa Departamento sa (415) 554-4310, mag-email sa sfvote@sfgov.org, o bisitahin ang sfelections.gov.
Lubos na gumagalang,
John Arntz, Direktor
Layunin ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante
Makukuha rin ang pamplet na ito sa PDF at HTML format sa sfelections.gov/vip. Para humiling ng bersyon ng pamplet na malalaki ang letra, tumawag sa (415) 554-4310 o mag-email sa sfvote@sfgov.org.
Tungkol sa Nobyembre 4 na Eleksyon
Sa Nobyembre 4, 2025, magdedesisyon ang mga botante ng California sa Proposisyon 50, isang pag-amyenda sa saligang batas na naglalayong pansamantalang baguhin ang mga mapa ng kongresyunal na mga distrito sa estado simula sa 2026. Gagamitin ang mga bagong mapa ng California hanggang sa gumuhit ng bagong mga mapa ang Komisyon ng mga Mamamayan para sa Muling Pagdidistrito ng California kasunod ng 2030 Senso ng U.S.
Ang botong “Oo” sa proposisyong ito ay nangangahulugang: Gagamit ang estado ng bagong, iginuhit ng lehislatibong mga mapa ng kongresyunal na mga distrito simula sa 2026. Gagamitin ang mga bagong mapa ng California hanggang sa gumuhit ng bagong mga mapa ang Komisyon ng mga Mamamayan para sa Muling Pagdidistrito ng California kasunod ng 2030 Senso ng U.S.
Ang botong “Hindi” sa proposisyong ito ay nangangahulugang: Ang kasalukuyang mga mapa ng kongresyunal na mga distrito na iginuhit ng Komisyon ng mga Mamamayan para sa Muling Pagdidistrito ng California ay patuloy na gagamitin sa California hanggang sa gumuhit ang Komisyon ng bagong mga mapa kasunod ng 2030 Senso ng U.S.
Alamin ang Higit pa Tungkol sa Eleksyong ito
Inihanda ng Kalihim ng Estado ang opisyal na Gabay na Impormasyon para sa Botante ng Estado (Gabay), na ipadadala sa koreo sa lahat ng mga sambahayan sa Setyembre. Ang Gabay ay naglalaman ng buong teksto ng Proposisyon 50, walang kinikilingang mga pagsusuri, mga argumento pabor at laban sa panukala, at mga sagot sa argumento. Maaari rin ninyong ma-access ang Gabay online sa voterguide.sos.ca.gov.
Mga Paraan sa Pagboto
Maaari ninyong ibalik ang inyong kinumpletong balota sa pamamagitan ng koreo, personal na bumoto nang maaga sa City Hall (sa labas ng Room 48), o bumoto sa inyong balota sa Araw ng Eleksyon sa itinalaga sa inyong lugar ng botohan.
Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Sundin ang mga Instruksiyon para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na nakalakip sa inyong pakete ng balota. Para mabilang, ang mga balotang ipadadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang na-postmark sa o bago ang Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4, at matanggap ng Departamento ng mga Eleksyon nang hindi lalampas ng Nobyembre 12.
Ihulog ang inyong Binotohang Balota
Maaari ninyong ihulog ang inyong binotohang balota sa alinmang sentro ng botohan, lugar ng botohan, o Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa California.
Sa San Francisco, magbubukas ang 37 mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota simula Oktubre 6 hanggang sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4, hanggang 8 p.m. Para humanap ng lokasyon, bisitahin ang sfelections.gov/ballotdropoff o tumawag sa (415) 554-4310.
Pagboto nang Personal
Maaari kayong bumoto nang maaga sa City Hall, sa labas ng Room 48, simula Oktubre 6 hanggang sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4.
- Lunes hanggang Biyernes: 8:00 a.m.–5:00 p.m. (maliban sa Oktubre 13 holiday)
- Sabado at Linggo ng Nobyembre 1 at 2: 10:00 a.m.–4:00 p.m.
- Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4: 7:00 a.m.–8:00 p.m.
Sa Araw ng Eleksyon, magbubukas ang 100 mga lugar ng botohan a buong San Francisco mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. Nakalimbag ang address ng inyong lugar ng botohan sa itaas na kanang gilid ng mga Instruksiyon para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na nakalakip sa inyong pakete ng balota. Maaari rin ninyo itong tingnan sa sfelections.gov/voterportal.
Sistema ng Aksesibleng Vote-by-Mail
Simula Oktubre 6, maaaring ma-access ng sinumang nakarehistrong botante ang kanilang balota sa pamamagitan ng Sistema ng Aksesibleng Vote-by-Mail (AVBM) sa sfelections.gov/access. Para mabilang, ang kinumpletong balota ay kailangangmai-print at maibalik sa pamamagitan ng koreo o nang personal nang hindi lalampas ng 8:00 p.m. sa Araw ng Eleksyon.
Subaybayan ang inyong Balota
Bisitahin ang ang sfelections.gov/voterportal para subaybayan ang inyong balota at kumpirmahin kung kailan ito natanggap para sa pagbibilang. Kung may isyu sa inyong sobre ng balota, gaya ng kawalan ng pirma, aalertuhin kayo ng portal at bibigyan ng mga instruksiyon kung papaano mareresolba ang isyu. Maaari rin kayong mag-sign-up para sa mga awtomatikong update sa pamamagitan ng email, text, o telepono sa wheresmyballot.sos.ca.gov.
Mga Resulta ng Eleksyon
Maglalabas ang Departamento ng mga Eleksyon ng paunang mga resulta sa Nobyembre 4 simula 8:45 p.m. at patuloy na magpo-post ng mga update sa kabuuan ng Gabi ng Eleksyon at sa panahon ng bilangan.
Ang lahat ng pauna at pinal na lokal na mga resulta ng eleksyon ay makikita sa sfelections.gov/results at sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon. Ang pambuong-estadong mga resulta ay ipo-post sa website ng Kalihim ng Estado ng California sa sos.ca.gov.
Pag-obserba sa Eleksyon
Maaaring mag-obserba ang publiko sa maraming mga proseso sa eleksyon, kabilang na ang pagbibilang ng balota, personal man sa tanggapan ng Departamento o sa pamamagitan ng livestream sa sfelections.gov/observe.
Mga Karagdagang Mapagkukunan para sa Botante
Alamin ang tungkol sa mga mapagkukunan at mga serbisyo para saaksesibleng pagboto, at pagboto sa gilid ng daan: sfelections.gov/accessibility
Kung kayo o may kakilala kayo na hindi makaalis ng bahay o na-ospital, maaari kayong humiling ng serbisyo para sa paghatid at pagkuha ng balota. Makipag-ugnayan sa amin sa telepono sa (415) 554-4310, o mag-email sa ballotdelivery@sfgov.org
Bukas ang Hotline ng California para sa mga Karapatan ng may Kapansanan na (888) 569-7955 sa Araw ng Eleksyon, pati na rin bago at pagkatapos ng eleksyon.
Alamin ang tungkol sa aming mga serbisyo sa wika:sfelections.gov/language
Mag-subscribe sa aming mga opisyal na balita at mga update: sfelections.gov/trustedinfo
Tungkol sa Komisyon para sa mga Eleksyon
Ang Komisyon para sa mga Eleksyon ang nangangasiwa ng mga pampublikong eleksyon sa San Francisco at nagtatakda ng mga pangkalahatang polisiya para sa Departamento ng mga Eleksyon. Inaaprubahan at tinatasa rin nito ang mga plano sa bawat eleksyon. Ang mga kasalukuyang miyembro ng Komisyong ito ay kinabibilangan nina:
Michelle Parker, Presidente
Itinalaga ng Lupon ng Edukasyon
Renita LiVolsi, Bise Presidente
Itinalaga ng Pampublikong Tagapagtanggol
Kelly Wong
Itinalaga ng Lupon ng mga Superbisor
Rebecca Bers
Itinalaga ng Abugado ng Lungsod
Trevor McNeil
Itinalaga ng Mayor
Bakante
Itatalaga ng Abugado ng Distrito
Bakante
Itatalaga ng Tesorero
Mga Mahahalagang Petsa
Oktubre 6, 2025
- Darating sa mga mailbox ang mga pakete ng vote-by-mail na balota
- Magsisimula ang personal na pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall, sa harap ng Room 48
- Magbubukas ang 37 kahon na hulugan ng balota sa San Francisco
Oktubre 20, 2025
- Deadline para sa pagpaparehistro bilang botante (para makatanggap ngbalota sa pamamagitan ng koreo). Ang mga botanteng hindi umabot sa deadline para sa pagpaparehistro ay maaari pa ring magparehistro nang kondisyonal at personal na bumoto nang probisyonal sa City Hall o sa isang lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon bago mag-8:00 p.m.
Nobyembre 4, 2025, Araw ng Eleksyon
- Magbubukas ang 100 mga lugar ng botohan sa San Francisco mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.
- Maglalabas ang Departamento ng paunang lokal na mga resulta ng eleksyon nang 8:45 p.m.
May mga Katanungan? Nandito kami para Tumulong!
Makipag-ugnay sa aming multilingguwal na pangkat, mag-email, o bumisita saaming tanggapan!
Telepono:
Ingles: (415) 554-4375
TTY: (415) 554-4386
Español: (415) 554-4366
中文: (415) 554-4367
Filipino: (415) 554-4310
Koreo:
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Email:
sfvote@sfgov.org
I-download ang Sampol na Balota
Maaari mong gamitin ang halimbawang balota na ito upang magsanay sa pagmamarka ng iyong pinili. Mangyaring tandaan, dapat mong gamitin ang opisyal na balota upang iboto ang iyong boto.
I-download ang Facsimile Ballot
Maaari mong gamitin ang facsimile ballot na ito bilang sanggunian kapag minamarkahan ang iyong opisyal na balota. Mangyaring tandaan, dapat mong gamitin ang opisyal na balota upang iboto ang iyong boto.
Mag-download ng PDF
I-download ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante bilang isang PDF file.
I-download ang MP3
Makinig sa isang audio na bersyon ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante sa English.
Magpaperless ka!
Mag-log in sa aming Voter Portal (Portal para sa Botante) upang baguhin ang iyong kagustuhan sa pagpapadala ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.