Kuwento ng Datos
Pangkalahatang pananaw ng pagsusuri sa virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga
Nagpositibong resulta ng pagsusuri (test positivity) sa virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga (respiratory virus) para sa mga residente ng San Francisco.
Population HealthAng pahinang ito ay bahagi ng mga datos at ulat hinggil sa virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga.
Pagsusuri sa virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga sa pagdaan ng panahon
Ang nagpositibong resulta ng pagsusuri ay mahalagang tagapagpahiwatig ng pagkalat ng mga virus sa San Francisco. Inuulat namin ang positibong resulta ng pagsusuri para sa:
- COVID-19
- Influenza (trangkaso)
- Respiratory Syncytial Virus (RSV)
Ipinapakita sa bawat card ang mga kasalukuyang antas ng aktibidad (activity level), tumataas (increasing) na antas ng nagpositibong pagsusuri, bumababa (decreasing), o nananatiling sa halos parehong antas.
Navigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Data notes and sources
Saklaw ng mga antas ng aktibidad mula sa napakababa hanggang sa napakataas at batay sa porsyento ng mga nagpositibong pagsusuri. Nilikha ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH) ang mga antas na ito gamit ang gatos mula sa nakaraang 5 panahon ng virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga.
Magkakaiba ang mga saklaw para sa bawat virus:
- COVID-19: Napakababa <2%, Mababa 2-7%, Katamtaman 7-11%, Mataas 11-16%, Napakataas >16%
- Influenza: Napakababa <2%, Mababa 2-5%, Katamtaman 5-9%, Mataas 9-13%, Napakataas >13%
- RSV: Napakababa <1%, Mababa 1-4%, Katamtaman 4-6%, Mataas 6-9%, Napakataas >9%
Ipinapakita sa kalakaran kung ang nagpositibong resulta ng pagsusuri ay nagbago mula sa nakaraang linggo. Ang pagtaas (increasing) ay nangangahulungang tumaas ang nagpositibong resulta ng pagsusuri nang hindi bababa sa 0.5 puntos ng porsyento. Ang pagbaba (decreasing) ay nangangahulugang bumaba ito nang hindi bababa sa 0.5 puntos ng porsyento. Ang matatag (stable) ay nangangahulugang nagbago ito nang bababa sa 0.5 puntos ng porsyento.
Mahahanap mo ang datos hinggil sa virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga sa buong estado sa ulat ng CDPH.
Ipinapakita sa mga antas ng aktibidad (activity level) ang porsyento ng mga pagsusuri na nagpositibo para sa bawat virus. Ang mga antas ay mula sa napakababa hanggang sa napakataas. Ang mas mataas na antas ay nangangahulugang positibo ang mas higit pang mga pagsusuri, na nagpapahiwatig na kumakalat ang virus sa komunidad.
Ipinapakita sa kalakaran kung ang nagpositibong resulta ng pagsusuri ay nagbago mula sa nakaraang linggo. Ang pagtaas (increasing) ay nangangahulugang tumataas ang nagpositibong pagsusuri, ang pagbaba (decreasing) ay nangangahulugang bumababa it, at ang matatag (stable) ay nangangahulugang halos nananatili ito sa parehong antas.
Nagpositibong resulta ng pagsusuri sa pagdaan ng panahon
Sa dashboard na ito, ipinapakita namin ang mga pagbabago sa nagpositibong resulta ng pagsusuri sa pagdaan ng panahon.
Navigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Data notes and sources
Nagpositibong resulta ng pagsusuri = (mga nagpositibong pagsusuri) / (mga nagpositibo + nagnegatibong resulta)
Hindi kasama sa kalkulasyon ng nagpositibong resulta ng pagsusuri ang mga hindi tiyak na resulta. Kinakalkula namin ang antas ng nagpositibong resulta sa pamamagitan ng:
- Pagdaragdag ng lahat ng nagpositibong pagsusuri
- Paghahati nang ayon sa kabuuang bilang ng mga nagpositibo at nagnegatibong pagsusuri
Saklaw ng mga antas ng aktibidad mula sa napakababa hanggang sa napakataas at batay sa porsyento ng mga nagpositibong pagsusuri. Nilikha ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH) ang mga antas na ito gamit ang gatos mula sa nakaraang 5 panahon ng virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga.
Magkakaiba ang mga saklaw para sa bawat virus:
- COVID-19: Napakababa <2%, Mababa 2-7%, Katamtaman 7-11%, Mataas 11-16%, Napakataas >16%
- Influenza: Napakababa <2%, Mababa 2-5%, Katamtaman 5-9%, Mataas 9-13%, Napakataas >13%
- RSV: Napakababa <1%, Mababa 1-4%, Katamtaman 4-6%, Mataas 6-9%, Napakataas >9%
Ipinapakita sa kalakaran kung ang nagpositibong resulta ng pagsusuri ay nagbago mula sa nakaraang linggo. Ang pagtaas (increasing) ay nangangahulungang tumaas ang nagpositibong resulta ng pagsusuri nang hindi bababa sa 0.5 puntos ng porsyento. Ang pagbaba (decreasing) ay nangangahulugang bumaba ito nang hindi bababa sa 0.5 puntos ng porsyento. Ang matatag (stable) ay nangangahulugang nagbago ito nang bababa sa 0.5 puntos ng porsyento.
Bilang pagsunod sa CDPH, nagsisimula ang panahon ng virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga sa unang linggo ng Hulyo at nagtatapos sa huling linggo ng Hunyo ng sumunod na taon.
Mahahanap mo ang datos hinggil sa virus na nakakaapekto sa sistema ng paghinga sa buong estado sa ulat ng CDPH.