SERBISYO
Magparehistro bilang mga Domestic Partner
Maaari kang magparehistro sa City Hall para sa Domestic Partnership sa San Francisco, na may opsyon ng seremonya ng pangako.
Office of the County ClerkAno ang dapat malaman
Pag-file ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Opisina ng County Clerk
Ang Deklarasyon ng Domestic Partnership ay maaaring i-file sa County Clerk ng San Francisco o sa pamamagitan ng Notaryo-Publiko.
Ano ang dapat malaman
Pag-file ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Opisina ng County Clerk
Ang Deklarasyon ng Domestic Partnership ay maaaring i-file sa County Clerk ng San Francisco o sa pamamagitan ng Notaryo-Publiko.
Ano ang gagawin
Mga Kinakailangan para Mag-file sa County Clerk ng San Francisco
- Ang parehong magkatuwang ay kailangang hindi bababa sa 18 taong gulang
- Ang parehong magkatuwang ay kailangang naroroon kapag nag-file ng Deklarasyon ng Domestic Partnership
- Kinakailangan ang balidong tunay na legal ID na may litrato mula sa bawat katuwang
- Kung mayroon kang nakaraang domestic partnership sa San Francisco, kailangan mo munang maghain ng Paunawa ng Pagwawakas ng Domestic Partnership (Notice of Ending Domestic Partnership)
- Kung kasalukuyan kang kasal, kailangan mo munang ipawalang-bisa ang kasal
Special cases
Pag-file ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Notaryo Publiko
Ang form ng Deklarasyon ng Domestic Partnership ay makukuha sa Opisina ng County Clerk ng San Francisco at sa website na ito. Kumpletuhin ang form ng pagpaparehistro at ipanotaryo ito ng Notaryo Publiko. Kailangang ibigay ang kopya ng pagpaparehistro sa taong sumaksi sa paglagda (na maaari o hindi maaaring maging Notaryo).
Mangyaring tandaan na kung pipiliin mong mag-file sa notaryo publiko, hindi ka magpa-file sa County Clerk, at ang County Clerk ay hindi magkakaroon ng anumang rekord o impormasyon tungkol sa Domestic Partnership.
Pag-file ng Domestic Partnership sa Kalihim ng Estado
Ang lokal na programa ng San Francisco ay hiwalay at naiiba sa Programang Domestic Partnership ng Estado ng California. Kung interesado kang malaman ang higit pa tungkol sa Pagrehistro ng Estado, mangyaring bisitahin ang Rehistro ng Domestic Partner ng Kalihim ng Estado o tumawag sa (916) 653-4984. Makukuha ang mga form sa pagpaparehistro sa estado sa website ng Kalihim ng Estado.
Mga ahensyang kasosyo
Makipag-ugnayan sa amin
Address
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102