PRESS RELEASE
Pahayag ng Abugado ng Lungsod tungkol sa desisyon ng SCOTUS na alisin ang karapatan sa aborsyon
City AttorneyAng desisyon ay taliwas sa halos 50 taon ng naunang desisyon
SAN FRANCISCO (Hunyo 24, 2022) — Naglabas ang Abugado ng Lungsod na si David Chiu ng sumusunod na pahayag ngayon matapos alisin ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang karapatan sa aborsyon ayon sa konstitusyon sa isang desisyon sa kasong Dobbs v. Jackson Women's Health Organization. Binabaligtad ng desisyon ang mga desisyon sa Roe v. Wade at Planned Parenthood v. Casey at sumasalungat sa halos 50 taon ng precedent ng Korte Suprema ng Estados Unidos. Bilang resulta ng desisyon ngayon, ang mga karapatan at aksesibilidad sa aborsyon ay matutukoy sa bawat estado.
"Ito ay isang napakadilim na araw para sa ating bansa at sa ating Konstitusyon."
Sa loob ng 50 taon, pinrotektahan ng Estados Unidos ang karapatang pumili at nakaranas ng malaking pag-unlad sa lipunan at ekonomiya bilang resulta.
Ngayon, iniuurong ng Korte ang ating bansa sa pamamagitan ng isang desisyon na hindi naaayon sa nararamdaman ng karamihan sa mga Amerikano. Mamamatay ang mga kababaihan bilang resulta ng desisyong ito, at nakakabahala na anim na Mahistrado ang tila hindi nakakaintindi o nagmamalasakit sa katotohanang iyon. Walang alinlangan na ang desisyong ito ay magkakaroon ng hindi proporsyonal na epekto sa mga kababaihang may mababang kita at mga kababaihang may kulay.
Ang pagbabaliktad ng mga karapatan sa reproduktibo ay karaniwang iniuugnay sa pagtalikod ng mga demokrasya at awtoritaryan na mga pamahalaan. Ang sandaling ito ay dapat magsilbing isang nagbabantang babala para sa ating lahat.
Alam kong gagawin ng San Francisco at California ang lahat ng posible upang maging ligtas na kanlungan para sa mga taong naghahangad ng aborsyon, at gagamitin ko ang buong kapangyarihan ng Tanggapan ng Abugado ng Lungsod ng San Francisco upang protektahan ang mga kalayaan sa reproduksyon sa bawat pagkakataon.
Noong nakaraang buwan, kasama ang Bar Association of San Francisco at mga pangunahing law firm sa buong California, inanunsyo ng aking Tanggapan ang isang bagong inisyatibo na tinatawag na Legal Alliance for Reproductive Rights na maghahanap ng mga paraan upang mapangalagaan ang karapatang pumili at gamitin ang mga pro-bono na serbisyong legal upang ipagtanggol ang mga taong naghahanap o nagbibigay ng pangangalaga sa aborsyon. Hinihikayat ko ang mga legal na komunidad sa buong bansa na lumikha ng mga katulad na inisyatibo at sumama sa amin sa laban.