Payo sa Kalusugan ng CDC: Outbreak ng Sakit na Ebola sa Demokratikong Republika ng Congo at Uganda
Disease Prevention and ControlNoong Mayo 19, naglabas ang CDC ng Health Advisory tungkol sa outbreak ng sakit na Ebola sa DRC at Uganda na dulot ng Bundibugyo species ng Ebola. Walang tiyak na bakuna o paggamot para sa ganitong species ng Ebola. Binubuod ng CDC Health Advisory ang mga rekomendasyon ng CDC para sa mga departamento ng kalusugan, mga klinikal na laboratoryo, at mga healthcare worker (not commonly used: manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan) tungkol sa mga potensyal na pagtukoy ng kaso ng sakit na Ebola, pagsusuri, at mga konsiderasyon sa biosafety sa mga klinikal na laboratoryo. Masusing sinusubaybayan ng SFDPH ang mga update mula sa CDC at CDPH at magbibigay ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan.
Mag-sign up para makatanggap ng mga update na ito sa pamamagitan ng email: sf.gov/healthalerts