Skip to main content

Pahina ng Impormasyon

Mga Monumento at Memorial sa Koleksyon ng Sining Sibiko

Ang Monuments and Memorials Advisory Committee (MMAC) ay hindi na isang aktibong komite. Natapos ang kanilang trabaho noong Hunyo 2023 nang ilabas nila ang kanilang pinal na ulat at mga rekomendasyon. Matuto nang higit pa tungkol sa aming patuloy na gawain sa mga Monumento at Memorial bilang bahagi ng Shaping Legacy.

Text saying:  The Monuments and Memorials Advisory Committee (MMAC) as overlay on a statue

Tingnan ang Pangwakas na Ulat Dito: Tingnan ang Pangwakas na Ulat ng Komite ng Tagapayo ng mga Monumento at Memorial

Sa ngalan ng San Francisco Komisyon sa Sining (Arts Commission), Komisyon sa Karapatang Pangtao, Recreation and Parks Departamento, ikinalulugod naming ipakita ang pinal na ulat ng Monuments and Memorials Advisory Committee (MMAC) na nagbubuod at nagbibigay-diin sa gawain at mga rekomendasyon ng pagsisikap na ito na pinamumunuan ng komunidad.

Noong Hunyo ng 2020, tinawagan ni Mayor London Breed ang aming mga ahensya upang repasuhin at suriin ang kasaysayan ng mga monumento at bantayog sa loob ng aming Civic Art Collection sa pamamagitan ng isang proseso ng pakikipag-ugnayan sa komunidad upang maitatag ang mga pamantayan at alituntunin kung saan matutukoy ang kinabukasan ng mga makasaysayang monumento sa koleksyon ng sining ng Lungsod.

Ang Pangwakas na Ulat ng Komite ng Tagapayo ng mga Monumento at Memorial ay iniharap sa Komite ng Sining Biswal ng Komisyon sa Sining (Arts Commission) noong Mayo 17, 2023 para sa paunang pagsusuri at pag-apruba ng mga inirerekomendang susog sa Mga Patakaran at Alituntunin ng Pampublikong Sining ng Komisyon sa Sining (Arts Commission) , at iniharap sa Buong Komisyon noong Hunyo 5, 2023.

Pagkatapos ng maraming taon ng trabaho, nasasabik kaming ibahagi ang ulat na ito sa inyo at sa publiko.

Ano ang iyong palagay tungkol sa mga monumento at bantayog sa Civic Art Collection ng San Francisco? Ibahagi ang iyong feedback!

Ipadala ang iyong mga komento sa pamamagitan ng email: monumensandmemorials@sfgov.org

Mag-iwan ng voicemail sa pamamagitan ng pagtawag sa: 415-252-2214

Mga Pagpupulong ng MMAC   

Natapos na ang mga nakatakdang pagpupulong ng MMAC. Makikita sa ibaba ang mga recording ng mga nakaraang pagpupulong.

Mga Nakaraang Pagpupulong:

Pulong ng MMAC 1: Oryentasyon ng Komite: Tingnan ang recording ng pulong dito .

Pulong ng MMAC 2: Huwebes, Pebrero 17, 2022: Tingnan ang recording ng pulong dito.

Pulong ng MMAC: Lunes, Marso 28, 2022 nang 3:30 pm PT (Inilipat ang iskedyul)

Pulong ng MMAC #3: Miyerkules, Abril 27, 2022: Tingnan ang recording ng pulong dito.

Pulong ng MMAC #4: Martes, Hunyo 14, 2022: Tingnan ang recording ng pulong dito.

Pulong ng MMAC #5: Martes, Agosto 30, 2022: Tingnan ang recording ng pulong dito.

Pulong ng MMAC #6; Huwebes, Setyembre 29, 2022: Tingnan ang recording ng pulong dito .

Sesyon ng Publikong Feedback ng mga Monumento at Memorial #1 , Sabado, Oktubre 15, 2022: Tingnan ang isang recording ng pulong dito .

Sesyon ng Publikong Feedback ng mga Monumento at Memorial #2 , Miyerkules, Oktubre 19, 2022: Tingnan ang isang recording ng pulong dito .

Pulong ng MMAC #7; Lunes, Nobyembre 14, 2022: Tingnan ang recording ng pulong dito .

Tingnan ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga Monumento at Memorial ng San Francisco sa Civic Art Collection dito. 

Ang MMAC ay malapit na nakikipagtulungan sa isang pangkat ng mga consultant mula sa Forecast upang suportahan ang gawain ng Komite. Ang Forecast ang magsisilbing tagapamahala sa MMAC, magtitipon ng mga pagpupulong ng komunidad at maghahatid ng mga natuklasan, rekomendasyon at alituntunin na mapagpapasyahan ng komite. 

Tungkol sa komite ng tagapayo para sa mga Monumento at memorial

Ang Monuments and Memorials Advisory Committee (MMAC), isang lupon na magho-host ng mga pagdinig kasama ang mga miyembro ng komunidad at magtatatag ng mga pamantayan at alituntunin kung saan matutukoy ang kinabukasan ng mga makasaysayang monumento sa koleksyon ng sining ng Lungsod. Ang inisyatibong ito ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng San Francisco Komisyon sa Sining (Arts Commission) (SFAC), ng Komisyon sa Karapatang Pangtao (HRC) at ng Recreation and Parks Departamento (RECPARK). 

Ang tungkulin ng MMAC ay suriin ang kasaysayan ng mga monumento sa pampublikong saklaw ng San Francisco, ang mga indibidwal, mga kaganapan at mga mithiin na kanilang pinararangalan, at kung paano ang mga salaysay na nauugnay sa mga monumentong ito ay naaayon—o hindi—sa mga pinahahalagahan ng San Francisco ngayon. Itutuon ng lupong tagapayo na ito ang kanilang pananaliksik sa mga monumento at bantayog sa loob ng Civic Art Collection.

Ikinalulugod ng San Francisco Komisyon sa Sining (Arts Commission), ng Komisyon sa Karapatang Pangtao, at ng San Francisco Recreation and Parks Departamento na ianunsyo ang mga miyembro ng Monuments and Memorials Advisory Committee (MMAC).

Mga Tagapangulo at Miyembro ng Komite ng Tagapayo ng mga Monumento at Memorial

Grid Layout of chairs and co-chairs