PAHINA NG IMPORMASYON
Recall Election ng Miyembro, Lupon ng mga Superbisor sa Distrito 4
Sa Setyembre 16, 2025, magsasagawa ang San Francisco ng isang Recall Election para magdesisyon ang mga botante kung tatanggalin ba sa katungkulan ang Superbisor ng Distrito 4. Tanging mga botante na nakatira sa Superbisoryal na Distrito 4 at nakarehistro na may address ng tirahan sa Distrito 4 ang maaaring bumoto sa eleksyong ito.
Para kumpirmahin ang inyong elihibilidad, tingnan ang inyong kasalukuyang Superbisoryal na Distrito o sumangguni sa mapa.

Tungkol sa Panukalang Recall
Magpapakita ang recall sa balota bilang isang panukala. Tatanungin ang mga botante kung ang kasalukuyang Superbisor ng Distrito 4 ay dapat bang tanggalin sa katungkulan bago ang pagtatapos ng kanilang apat na taong termino.
Kung mas marami ang mga botanteng pumili sa “Hindi” kaysa sa “Oo,” mananatili sa katungkulan ang Superbisor. Kung nakatanggap ng mas maraming mga boto ang “Oo”, matatanggal ang Superbisor sa katungkulan, at magtatalaga ang Mayor ng kapalit para magsilbi hanggang sa susunod na nakatakdang eleksyon sa Hunyo 2026. Ang katungkulan para sa Superbisor ng Distrito 4 ay magpapakita sa Hunyo 2026 na balota para punan ang natitira sa kasalukuyang termino, at muli sa Nobyembre 2026 na balota para punan ang susunod na buong termino simula sa Enero 2027.
Bakit Isasagawa ang isang Recall Election
Nagsimula ang proseso ng recall noong Disyembre 3, 2024, noong ang isang grupo ng mga botante ay naghain sa Departamento ng mga Eleksyon ng Pabatid ng Layunin para sa sirkulasyon ng isang petisyon sa recall. Inaprubahan ng Departamento ang petisyon para sa sirkulasyon noong Enero 21, 2025, na nagpapahintulot sa grupo na umpisahan ang pangangalap ng mga pirma.
Noong Mayo 22, 2025, nagsumite ang mga nagpetisyon ng 10,523 mga pirma mula sa mga nakarehistrong botante ng Distrito 4. Kinailangan ng petisyon ng hindi bababa sa 9,911 balidong mga pirma— 20% ng nakarehistrong mga botante ng distrito—para maging kwalipikado.
Pagkatapos maberipika ang mga pirma, nakumpirma ng Departamento na natugunan ng petisyon ang kinakailangang bilang at itinakda ang Recall Election para sa Setyembre 16, 2025.
Pagpaparehistro bilang Botante
Maaari ninyong gamitin ang Portal para sa Botante para i-check kung kayo ay nakarehistrong bumoto sa Distrito 4 at para i-update ang inyong impormasyon, kung kinakailangan.
Sa Setyembre 2, 2025 ang huling araw upang magparehistro para bumoto at makatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo. Maaari kayong magparehistro online, nang personal sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall (Room 48), o sa pamamagitan ng paghiling at pagsumite sa pamamagitan ng koreo ng form para sa pagpaparehistro bilang botante.
Pagkatapos ng deadline na ito, ang mga elihibleng residente ay maaari pa ring magparehistro at bumoto nang personal sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon, o sa isang lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.
Mga Paraan sa Pagboto
Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Ang mga nakarehistrong botante ng Distrito 4 ay awtomatikong makatatanggap ng isang vote-by-mail na balota, isang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, at Halimbawang Balota bandang Agosto 18, 2025.
Maaari ninyong ibalik ang inyong nakumpletong balota:
- Sa pamamagitan ng koreo (kailangang na-postmark nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon at matanggap ng Departamento nang hindi lalampas sa pitong araw pagkatapos ng Araw ng Eleksyon)
- Sa alinman sa tatlong mga opisyal na kahon na hulugan, na matatagpuan sa Sangay ng Aklatan na Ortega (3223 Ortega St), sa Sangay ng Aklatan na Parkside (1200 Taraval St), at sa City Hall (1 Dr. Carlton B. Goodlett Pl.)
- Sa alinman sa 20 mga lugar ng botohan
- Sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon.
Aksesibleng Pagboto
Maaaring makakuha ng balota ang sinumang nakarehistrong botante ng Distrito 4 sa pamamagitan ng Aksesibleng Sistemang Vote-By-Mail (AVBM). Pinahihintulutan ng Sistemang ito ang mga botante na markahan ang kanilang balota gamit ang mga kagamitang tulad ng mga screen reader, head-pointer, o mga aparatong sip-and-puff.
Pagboto nang Personal
Magkakaroon ng maagang pagboto sa City Hall, Room 48, simula Agosto 18, 2025. Ang mga oras ng pagboto ay:
- Lunes – Biyernes: 8:00 a.m. - 5:00 p.m.
- Sabado, Setyembre 13 at Linggo, Setyembre 14, 10 a.m. – 4 p.m.
- Araw ng Eleksyon, Martes, Setyembre 16: 7:00 a.m. - 8:00 p.m.
Sa Araw ng Eleksyon, 20 mga lugar ng botohan sa Distrito 4 ang magbubukas simula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.
Mga Makatutulong na Mapagkukunan
Basahin ang Pamplet ng Impormasyon ng Botante upang matuto nang higit pa tungkol sa halalan sa pagpapabalik at sa iyong mga opsyon sa pagboto.
Matuto nang higit pa tungkol sa maagang pagboto sa City Hall, Room 48.
Tingnan ang mapa ng tatlong opisyal na lokasyon ng ballot drop box para sa Espesyal na Recall Election.
Hanapin ang iyong lugar ng botohan, kumuha ng mga direksyon, at tingnan ang oras ng paghihintay ng bawat lokasyon.
Alamin ang tungkol sa mga serbisyo sa aksesibleng pagboto, kabilang na ang Programa sa Paghatid at Pagkuha ng Balota para sa mga botanteng nasa ospital o hindi makabyahe para makapunta nang personal sa isang lugar ng botohan.
Mga Form ng Botante
Para sa Setyembre 16, 2025, Espesyal na Recall Election, ang mga botante lamang na nakarehistro sa Supervisorial District 4 ang karapat-dapat na gumamit ng mga form na ito:
Panunumpa ng Botante at Form ng Pagbabalik ng Balota. Gamitin ang form na ito kung ikaw ay isang militar o overseas na botante na nagbabalik ng iyong balota sa pamamagitan ng fax, o kung ikaw ay gumagamit ng iyong sariling sobre upang ibalik ang iyong binotohang balota.
Form ng Awtorisasyon sa Pagkuha ng Balota. Gamitin ang form na ito upang pahintulutan ang isang tao na kunin ang isang balota mula sa Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall at ihatid ito sa iyo.
Form ng Kahilingan sa Paghahatid ng Emergency na Balota. Gamitin ang form na ito upang humiling ng emergency na paghahatid ng balota, pagkuha, o tulong mula sa Department of Elections.
Subaybayan ang Inyong Balota
Maari ninyong gamitin ang Portal para sa Botante para makita kung kailan naipadala sa koreo ang inyong balota at kumpirmahin kung kailan ito natanggap para sa pagbibilang. Kung may problema sa sobre ng inyong balota—gaya ng kawalan ng lagda—aabisuhan kayo ng Portal para sa Botante at bibigyan kayo ng mga instruksiyon kung paano ito maaayos.
Mga Resulta ng Eleksyon
Maglalabas ang Departamento ng mga Eleksyon ng paunang mga resulta sa Gabi ng Eleksyon nang 8:45 p.m. Patuloy na i-a-update ng Departamento ang mga resulta sa panahon ng pagbibilang kasunod ng Araw ng Eleksyon. Isesertipika at ilalabas ang pinal na mga resulta ng eleksyon nang hindi lalampas ng Oktubre 16.
Ang lahat ng mga ulat ng mga resulta ay ilalathala sa sfelections.gov/results.
Mga Mahahalagang Petsa
- Agosto 18, 2025 – Ipadadala ang mga paketeng vote-by-mail sa mga nakarehistrong botante ng Distrito 4; magbubukas ang mga kahon na hulugan ng balota
- Agosto 18, 2025 – Magsisimula ang maagang pagboto nang personal sa City Hall, Room 48
- Setyembre 2, 2025 – Deadline upang magparehistro para bumoto at makatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo
- Setyembre 16, 2025 – Araw ng Eleksyon, bukas ang 20 lugar ng mga botohan na matatagpuan sa Distrito 4 mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.
- Setyembre 16, 2025– Ilalabas ng Departamento ang unang paunang mga resulta ng eleksyon nang 8:45 p.m.
- Oktubre 16, 2025 – Deadline para sa Departamento ng mga Eleksyon para isertipika at ilabas ang pinal na mga resulta ng eleksyon.
Kailangan ng Tulong?
Narito ang Departamento ng mga Eleksyon para tumulong. Kayo man ay may mga katanungan tungkol sa pagpaparehistro para bumoto, pagboto sa pamamagitan ng koreo, mga serbisyo para sa aksesibilidad, o anumang iba pang may kinalaman sa eleksyon, handa kaming tumulong sa inyo.
Maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa telepono sa (415) 554-4310, sa pamamagitan ng email, o sa pagbisita sa aming tanggapan sa City Hall, Room 48.
Mayroong tulong sa wika sa Tsino, Espanyol, Filipino, at iba pang mga wika.