Magdaos ng seremonya ng kasal sa napili ninyong lokasyon sa San Francisco

Ayaw ninyong magpakasal sa City Hall? Alamin kung paano planuhin ang inyong kasal sa San Francisco sa ibang lugar.

Anong gagawin

Mangangailangan kayo ng awtorisadong tao para magdaos ng inyong seremonya. Puwede kayong humiling ng deputy marriage commissioner mula sa County Clerk o puwede ninyong hilingin sa isang kakilala ninyo na maging commissioner para sa araw na iyon.

Humiling ng Commissioner mula sa County Clerk

Kung bumili kayo ng marriage license sa pamamagitan ng San Francisco Office of the County Clerk, puwede kayong ikasal ng isang deputy marriage commissioner sa anumang lokasyon sa loob ng San Francisco.

Hilingin sa isang Commissioner na magdaos ng kasal saanman sa San Francisco bukod sa City Hall.

Hilingin sa isang kakilala ninyo na maging isang Commissioner nang isang araw

Mayroon din kayong opsyong ipadaos sa isang kakilala ninyo ang seremonya ng kasal ninyo.

Ang kahit sinong 18 taong gulay pataas ay puwedeng magdaos ng sibil na kasal para sa isang partikular na couple kung awtorisado sila bilang isang deputy marriage commissioner.

Alamin kung paano puwedeng maging isang deputy marriage commissioner nang isang araw.

Humingi ng tulong

Office of the County Clerk

Opisina ng County Clerk
City Hall, Room 160
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102

Mon to Fri, 8:00 am to 4:00 pm Mga Oras ng Pagpoproseso

View location on google maps

Sarado sa mga pista opisyal.

Phone

Last updated March 21, 2023