SERBISYO

Kumuha ng mga bakuna, pagsusuri, at paggamot para sa mpox

San Francisco City Clinic

Ano ang dapat malaman

Ang bakuna ang pinakamahusay na proteksyon laban sa mpox

  • Pinabababa ng bakuna ang tsansang makakuha ng mpox
  • Kung nakakuha ka ng mpox, pinabababa ng bakuna ang tsansang maging malubha ang impeksyon at mauwi sa pagkakaospital

Ang bakuna ay pumuprotekta laban sa parehong uri ng mpox

  • Mayroong 2 uri ng virus na mpox: clade I at clade II.
  • Ang bakuna ay nagbibigay sa iyo ng proteksyon laban sa parehong uri ng mpox, nang sa gayon ay mayroon kang proteksyon anuman ang uri na kumakalat sa kung saan ka nakatira o bumibiyahe.

Ang panahon ng tag-araw at taglagas ay panahon ng mpox sa San Francisco

Dumarami ang mga kaso ng mpox sa panahon ng tag-init at taglagas bawat taon mula pa noong 2022.

Ano ang gagawin

Magpabakuna para sa mpox

Kung mayroon kang insurance:

  • Ang bakuna ay saklaw ng karamihan sa mga insurance.
  • Hingin sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan ang bakuna. 
  • Maaari mo ring suriin sa CVS, Walgreens, o iba pang mga botika na mabibili sa tindahan.
    • Kung kukuha ka ng bakuna sa isang botika; parmasya, hilingin sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na magpadala ng reseta para sa bakuna sa tindahang iyon. Makakatulong ito upang mas mapadali ang paggamit ng iyong insurance upang masakop ang gastos ng bakuna.
Impormasyon sa stock ng botika; parmasya

Nagtalaga ang CVS at Walgreens ng mga partikular na tindahan sa San Francisco na plano nilang panatilihing may stock ng bakunang MPOX.

CVS: 2675 Geary Blvd , 701 Van Ness Ave
Walgreens: 2145 Market St , 3398 Mission St

Tawagan ang tindahan para makasiguro na mayroon silang bakuna. Mayroon silang pinakabagong impormasyon tungkol sa kasalukuyang stock.

Kung wala kang insurance, o hindi sakop ng iyong insurance ang bakuna:

Kung wala kang insurance o hindi lubos na sakop ng iyong insurance ang gastos, maaari mo itong makuha nang libre sa mga klinikang ito, habang may suplay pa:

Ang bakuna ay 2 dosis

  • Kunin ang 2 dosis ng bakuna na may 4 na linggong pagitan.
  • Kung mahigit 4 na linggo na ang lumipas mula sa dosis 1, kung ang dosis 2 sa lalong madaling panahon. Hindi mo na kailangang ulitin ang dosis 1.
  • Ang 2 dosis ay ang kumpletong bakuna. Wala nang dosis 3 o booster na kailangan.

Sino ang dapat magpabakuna

Para kanino namin inirerekomenda ang bakuna laban sa mpox

Inirerekomenda namin ang bakuna para sa mga taong natutugunan ang alinman sa mga sumusunod na pamantayan:

  • Gay, bisexual, o iba pang lalaking nakikipagtalik sa lalaki
  • Transgender, nonbinary, o iba-iba ang kasarian
  • Namumuhay na may HIV
  • Gumagamit ng PrEP o karapat-dapat na gumamit ng PrEP
  • Gumagamit ng doxy-PEP
  • Maglalakbay sa labas ng US, partikular na sa bansa kung saan kumakalat sa pagitan ng mga tao ang clade I mpox, at inaasahang makikipagtalik sa panahon ng paglalakbay
  • Nakikipagtalik sa mga komersyal na lugar ng pakikipagtalik o malalaking komersyal na kaganapan
  • Sex worker
  • Mayroong katalik na na-diagnose na mayroong mpox
  • Sinuman sa iyong mga katalik na tumutugon sa mga pamantayang nakalista sa itaas

Tauhan ng laboratoryo

Inirerekomenda rin ang bakuna para sa partikular na tauhan ng pananaliksik at klinikal na laboratoryo na nagtatrabaho sa mga orthopoxvirus.

Magpasuri at magpagamot para sa mpox

Pagsusuri

Ang pagsusuri ay makukuha ng mga taong may pantal-pantal na mukhang mpox. Ang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ang gumagawa ng pagsusuri.

Kung mayroon kang provider ng pangangalagang pangkalusugan, makipag-ugnayan sa kanya upang humiling ng pagsusuri.

Kung wala kang provider ng pangangalagang pangkalusugan, pumunta sa isa sa mga libreng klinikang ito:

Paggamot

Karamihan sa mga tao ay gumagaling sa mpox nang hindi nangangailangan ng anumang gamot o iba pang paggamot. Ang ilang pasyente ay maaaring makinabang sa pag-inom ng gamot sa pananakit.

Kung ikaw ay nanganganib na magkaroon ng malubhang mpox, maaaring magreseta ang provider ng mga therapeutic na gumagana laban sa virus na nagdudulot ng mpox. Maaaring kabilang sa mga ito ang tecovirimat (TPOXX). Panatiling updated ang iyong provider sa nararamdaman mo habang mayroon kang mpox, upang makapagreseta siya ng mga therapeutic na ito kung ito ay naging kailangan.



Ang maikling URL para sa pahinang ito ay sf.gov/mpox.