SERBISYO

Mag-apply para sa isang gawad upang makatulong sa pagsagot sa Pinsala ng Bandalismo sa harapan ng iyong tindahan na maliit na negosyo

Maibalik ang ginastos na hanggang $2,000 para sa mga gastos na nauugnay sa bandalismo.

Office of Economic and Workforce Development

Ano ang dapat malaman

Tungkol sa programa

Ang programa ay tumutulong sa maliliit na negosyo na magbayad para sa mga pinsalang dulot ng bandalismo, tulad ng—ngunit hindi limitado sa—mga nasirang bintana, graffiti, o nasirang lock. Hinihikayat ang mga tatanggap ng gawad na i-reinvest ang mga iginawad na pondo sa pagpapabuti ng kaligtasan sa harapan ng tindahan upang makatulong na maiwasan ang mga insidente sa hinaharap.

TANDAAN: Maaaring makatanggap ang mga negosyo ng tulong-pinansyal nang hanggang tatlong beses kada taon, hangga’t ang bawat aprubadong aplikasyon ay para sa ibang insidente sa ibang petsa.

TANDAAN: Kung ang iyong negosyo ay hindi pa nagbubukas, maaari mong matanggap ang gawad na ito nang isang beses bago magbukas. Pagkatapos mong magbukas, maaari kang makatanggap ng hanggang dalawa pang gawad sa parehong taon, para sa kabuuang tatlong gawad kada taon.

Mga hindi karapat-dapat na gastusin

  • Mga pagkasirang nangyari bago ang Enero 1, 2025
  • Mga pagkukumpuni na hindi dulot ng bandalismo
  • Pinsala sa ari-arian na hindi bahagi ng harapan ng iyong tindahan (tulad ng mga parklet)
  • Mga ninakaw na paninda
  • Pagkawala ng imbentaryo

PAALALA: Kung nagawaran, ang mga muling pagsusumite para sa parehong insidente ay hindi na isasaalang-alang.

Ano ang gagawin

1. Suriin kung karapat-dapat ang iyong negosyo

Ang iyong negosyo ay kailangang nasira noong o pagkatapos ng Enero 1, 2025 AT:

  • Mayroong harapan ng tindahan na komersyal na nakasona na nagkakaloob ng mga kalakal at serbisyo sa publiko
  • Mayroon kang mas mababa sa $5M na kabuuang kita sa iyong pinakahuling tax return
  • Magbigay ng patunay ng pinsala
  • Maging nasa mabuting katayuan sa California Secretary of State
  • Hindi magkaroon ng nakabukas Paunawa ng Paglabag (maliban kung direktang nauugnay sa bandalismo)

Tandaan: Walang formula retail na negosyo, maliban sa mga prangkisang independiyente ang pagmamay-ari na may mababa sa $5M sa kabuuang kita

2. Mangalap ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo

Hihingi kami sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga sumusunod (hindi kailangan ang dokumentasyon) :

  • Ang Iyong Business Account Number (BAN). Kung hindi mo ito alam, hanapin ang BAN.
  • Ang iyong kabuuang kita mula sa iyong pinakahuling tax return
  • Bilang ng mga full-time at part-time na empleyado
  • Kita ng sambahayan ng pangunahing may-ari ng negosyo

3. Kumpletuhin at lagdaan ang W-9

Kakailanganin mong i-upload ang W-9 kapag nag-apply ka.

Mag-download ng blankong W9 form (PDF).

TANDAAN: Kakailanganin mo ang iyong Social Security Number (SSN) o ang iyong Employer Identification Number (EIN) na nakatali sa iyong negosyo.

4. Mangalap ng patunay ng pinsala

Ang Vandalism Relief Grant Program ay nag-aalok ng tatlong antas ng pagpopondo depende sa halagang nagastos mo sa pagkukumpuni sa iyong negosyo:

  • Gawad na $500 – Para sa mga gastusin sa pagkukumpuni hanggang $999
  • Gawad na $1,000 – Para sa mga gastusin sa pagkukumpuni mula $1,000 hanggang $1,999
  • Gawad na $2,000 – Para sa mga gastusin sa pagkukumpuni na $2,000 o higit pa

Mga Kinakailangan sa Dokumentasyon (lahat ng antas)

Para maging kwalipikado sa anumang antas, kailangan mong magsumite ng:

  1. Mga resibo para sa mga pagkukumpuni na nakakatugon sa pinakamaliit na gastos para sa antas ng gawad na iyong inaaplayan ($500, $1,000, o $2,000)
  2. Mga litrato na malinaw na nagpapakita ng pinsala at ang harapan ng tindahan kung saan ito naganap

Mga Opsyonal na Sumusuportang Dokumento (lubos na hinihikayat):

  • Numero ng Ulat ng Pulisya (para sa lahat ng pinsala sa ari-arian maliban sa graffiti)
  • Numero ng Kahilingan na Serbisyo ng 311 (pinsalang graffiti lamang)

Ang pagbibigay ng mga ulat na ito ay nakakatulong sa Lungsod na masubaybayan ang bandalismo, maglaan ng mga mapagkukunan, at suportahan ang mga patakaran sa hinaharap.

Ang resibo ay patunay na nakapagbayad na. Ang mga invoice ay nagpapakita lamang ng halagang sinisingil at hindi tinatanggap maliban kung may kasamang patunay ng pagbabayad.

5. Mag-apply

Patuloy na tinatanggap ang mga aplikasyon. Ang aming kakayahang magbigay ng gawad ay nakadepende sa pagiging karapat ng iyong negosyo, mga detalye ng iyong proyekto, at makukuhang pondo.

Limitado ang pondo para sa programang ito.

Aabutin ng humigit-kumulang 15 minuto ang pagkumpleto ng form. 

6. Ano ang aasahan pagkatapos mong mag-apply

  • Pagkatapos mong isumite ang iyong aplikasyon, tatanggap ka ng kumpirmasyon na ito ay isinumite, kasama ang kopya ng iyong mga sagot.
  • Mag-i-email kami sa iyo sa loob ng 30 araw upang ipaalam sa iyo ang status ng iyong aplikasyon.
  • Kapag naaprubahan na ang iyong aplikasyon, ang halaga ng iginawad ay magiging pinal na, at hindi ka na maaaring magsumite ng mga karagdagang resibo.
  • Ito ay programang paglilingkuran kung sino ang mauuna batay sa pagpopondo mula sa Opisina para sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya at Manggagawa (Office of Economic and Workforce Development, OEWD).
  • Ang pagsusumite ng aplikasyon ay hindi garantiya ng pondo. Ang pagpopondo ay nasa pagpapasya mismo ng Lungsod.
  • Kung mayroon kang mga katanungan, mangyaring mag-email sa vandalismrelief@sfgov.org na may detalyadong mensahe at isama ang pangalan ng iyong negosyo sa linya ng paksa.

Mga Espesyal na Kaso

Distrito ng Superbisyon 5 at Distrito ng Superbisyon 7

Kung ang iyong negosyo ay nasa Distrito 5 o Distrito 7, maaari kang maging karapat-dapat para sa karagdagang pondo mula sa iyong Superbisor upang makatulong na masagot ang mga gastos sa pagkukumpuni na dulot ng bandalismo.

  • Maaari kang maging kwalipikado para sa hanggang $4,000, depende sa iyong kabuuang gastos sa pagkukumpuni.

Para mag-apply, mangyaring i-upload ang:

Mga resibo na nagpapakita ng iyong kabuuang gastos sa pagkukumpuni:

  • Kung ang iyong mga pagkukumpuni ay nagkakahalaga sa pagitan ng $3,000 at $3,999, maaari kang makatanggap ng hanggang $3,000.
  • Kung ang iyong mga gastos sa pagkukumpuni ay nagkakahalaga ng $4,000 o higit pa, maaari kang makatanggap ng hanggang $4,000.

Mga opsyonal na sumusuportang dokumento (lubos na hinihikayat):

  • Numero ng ulat ng pulisya o numero ng kahilingan na serbisyo na 311
  • Mga litrato ng pinsala sa harapan ng tindahan

PAALALA: Ang resibo ay patunay na nakapagbayad na. Ang mga invoice ay nagpapakita lamang ng halagang sinisingil at hindi tinatanggap maliban kung may kasamang patunay ng pagbabayad.

PAALALA: Ang mga gawad para sa mga espesyal na kaso ay nakabatay sa pagkakaroon ng pondo at igagawad batay sa kung sino ang mauuna hanggang sa maubos ang pondo.

Makipag-ugnayan sa amin