SERBISYO
Makakuha ng libreng SF City ID Card
Kumuha ng ID card para makatanggap ng mga serbisyo at benepisyo ng Lungsod kung nakatira ka sa San Francisco.
Ano ang dapat malaman
Ano ang City ID Card?
Kung nakatira ka sa San Francisco sa kasalukuyan, maaari kang makakuha ng libreng SF City ID Card, na isang wastong uri ng ID at kinikilala ng San Francisco Police Department at iba pang ahensya ng gobyerno sa loob ng Lungsod.
Ang sinumang nakatira sa San Francisco ay maaaring mag-apply para sa SF City ID card anuman ang katayuan sa imigrasyon.
Ang City ID ng San Francisco ay libre at may bisa nang 2 taon.
Paano ako makakakuha ng SF City ID?
- Likumin ang mga dokumentong nagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan at address sa San Francisco
- Magpa-appointment
- Kumpletuhin ang iyong aplikasyon
- Pumunta sa iyong appointment para kunin ang iyong ID
Ano ang dapat malaman
Ano ang City ID Card?
Kung nakatira ka sa San Francisco sa kasalukuyan, maaari kang makakuha ng libreng SF City ID Card, na isang wastong uri ng ID at kinikilala ng San Francisco Police Department at iba pang ahensya ng gobyerno sa loob ng Lungsod.
Ang sinumang nakatira sa San Francisco ay maaaring mag-apply para sa SF City ID card anuman ang katayuan sa imigrasyon.
Ang City ID ng San Francisco ay libre at may bisa nang 2 taon.
Paano ako makakakuha ng SF City ID?
- Likumin ang mga dokumentong nagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan at address sa San Francisco
- Magpa-appointment
- Kumpletuhin ang iyong aplikasyon
- Pumunta sa iyong appointment para kunin ang iyong ID
Ano ang gagawin
Maaari kang makakuha ng SF City ID kung ikaw ay:
- Nakatira sa San Francisco
- Mapapatunayan kung sino ka
Kapag nakuha mo ang iyong SF City ID, ipapakita nito ang:
- Pangalan
- Petsa ng kapanganakan
- Address
- Lagda
- Litrato
- Mga kondisyong medikal o allergy (kung gusto mo)
- Kokontakin sa emerhensya (kung gusto mo)
Ang mga SF City ID ay may bisa ng 2 taon.
Ang mga SF City ID ay hindi nagpapakita ng katayuan sa imigrasyon o kasarian. Hindi kami magpapanatili ng mga kopya ng iyong mga dokumento. Pinananatili namin ang kopya ng iyong aplikasyon, ngunit walang rekord ng iyong address.
1. Patunayan ang iyong pagkakakilanlan
Maaari mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan kung maipapakita mo ang orihinal at hindi pa ito nawawalan ng bisa:
- Pasaporte, mula sa US o ibang bansa
- Lisensya sa pagmamaneho sa US
- US state ID
- Permanenteng Card ng Residente (Green Card)
- Konsular na ID (CID)
- ID Card na may Litrato na inisyu sa ibang bansa na nakakatugon sa mga kinakailangan ng SF Admin Code 95.1(a)
Kung wala ka ng alinman sa mga iyon, maaari mong ipakita ang 2 sa mga sumusunod na hindi pa nag-e-expire na mga dokumento: 1 na may litrato (para sa edad na 14 at pataas), at 1 na may petsa ng kapanganakan:
- Sertipiko ng kapanganakan (US o dayuhan, sertipikadong kopya)
- Card ng ID sa militar (US o dayuhan)
- Liham ng awtorisasyon tungkol sa pang-indibidwal na numero ng pagkakakilanlan ng nagbabayad ng buwis (ITIN).
- ID mula sa paaralan sa California
- Pambansang ID Card na may litrato, pangalan, address, petsa ng kapanganakan, at petsa ng pag-expire
- Lisensya sa pagmamaneho ng dayuhan
- Visa na inisyu ng ahensya ng gobyerno
2. Patunayan na nakatira ka sa San Francisco
Kakailanganin mong dalhin ang isa sa mga sumusunod, kasama ang iyong pangalan at address sa San Francisco (mula sa nakaraang 30 araw):
- Bayarin para sa utilidad (kuryente, gas, basura, tubig, internet, cable o telepono)
- Statement sa bangko
- Paystub
- Pahayag ng buwis sa kita o pahayag ng refund
- Pagkaka-enroll sa paaralan para sa iyong anak sa paaralan sa San Francisco
- Pahayag ng buwis sa ari-arian
- Resibo sa pagbabayad ng mortgage
- Pagpapasya mula sa lupon ng pagpapatatag ng upa at arbitrasyon
- Patawag ng hurado o utos ng hukuman
- Bayarin sa insurance (may-ari ng bahay, nangungupahan, pangkalusugan, buhay o sasakyan)
Maaari mo ring patunayan ang paninirahan kung mayroon kang liham mula sa shelter para sa walang tirahan na tumatanggap ng pagpopondo ng Lungsod. O kung mayroon kang liham mula sa isang ospital, klinikang pangkalusugan o ahensya ng serbisyong panlipunan.
Kung dadalhin mo ang orihinal na sertipiko ng kasal (sertipikado), ang anumang mga dokumento na nagpapatunay na nakatira ka sa San Francisco ay maaaring nasa pangalan ng iyong asawa.
3. Magpa-appointment
Direktang nagpapa-appointment para sa City ID sa pamamagitan ng Opisina ng Klerk ng County. Pumunta sa Room 160 sa San Francisco City Hall o tawagan kami sa (415) 554-4816 upang magpa-iskedyul ng iyong appointment.
4. Punan ang iyong aplikasyon
I-download ang PDF at punan ang iyong mga detalye.
Kakailanganin mong i-print ito at dalhin ito sa iyong appointment.
5. Pumunta sa iyong appointment
Kailangan mong pumunta nang personal sa iyong appointment sa
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Doon mo:
- Dadalhin ang iyong nakumpletong aplikasyon para sa SF City ID Card
- Ipakita ang mga orihinal na dokumento na nagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan
- Ipakita ang mga dokumentong nagpapatunay na nakatira ka sa San Francisco
- Magpakuha ng iyong litrato
- Tanggapin ang iyong SF City ID bago ka umalis sa iyong appointment
Ang mga appointment ay karaniwang tumatagal ng 30 minuto.
Special cases
Mga batang 13 taong gulang at pababa
Maaari kang makakuha ng SF City ID para sa batang 13 taong gulang at pababa kung siya ay nakatira sa San Francisco. Ang ID ay may bisa ng 2 taon.
1. Patunayan ang pagkakakilanlan ng bata
Kakailanganin mo ang opisyal na rekord na medikal o ng paaralan ng bata (mula sa EPC - Sentro para sa Pagtatalagang Pang-edukasyon (Educational Placement Center), na may tatak ng kanilang opisina), kasama ang petsa ng kanyang kapanganakan.
Kailangan mo rin ng isa pang orihinal na dokumento upang patunayan kung sino ang bata.
Iyon ay maaaring:
- Sertipiko ng kapanganakan (US o dayuhan, sertipikado)
- Social security card
- Kasalukuyang visa
- Card ng Institusyong Pang-edukasyon ng California mula sa paaralan.
2. Patunayan na ang bata ay nakatira sa San Francisco
Kailangan mong patunayan na ang bata ay nakatira sa San Francisco.
Kailangan mong magdala ng patunay ng menor de edad na kasalukuyang naka-enroll sa isang paaralan sa San Francisco.
Kung hindi mo maipakita na nakatira ang bata sa San Francisco, maaari mong gamitin ang patunay ng paninirahan ng magulang o tagapag-alaga.
3. Patunayan ang pagkakakilanlan ng magulang o tagapag-alaga
Dapat dalhin ng magulang o tagapag-alaga ang kanyang anak sa appointment at lagdaan ang aplikasyon. Ang nasa hustong gulang ay kailangang magpakita ng ID upang patunayan ang kanyang pagkakakilanlan. Ang impormasyon ng magulang ay hindi ipi-print sa ID.
Mga ahensyang kasosyo
Makipag-ugnayan sa amin
Address
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102