I-claim ang iyong reimbursement para sa pagbabayad sa iyong mga tauhan sa SF ng karagdagang sick leave

Gamitin ang mga link sa mga claim na na-email sa iyo para makapagpadala ng impormasyon tungkol sa iyong mga empleyado sa SF at tungkol sa bilang ng mga oras ng kanilang pagtatrabaho.

Anong gagawin

1. Sumangguni sa iyong email ng pag-apruba

Makikita sa iyong email ng pag-apruba ang bilang ng mga empleyado at bilang ng mga oras na nireserbahan namin ng pondo, na gagamitin sa pag-reimburse sa iyo.

Sa ilalim ng programang ito, puwede kaming mag-reimburse sa iyo ng hanggang $311,176. Katumbas iyon ng pagsaklaw ng 499 na full-time na empleyado.

2. Mangalap ng impormasyon para sa iyong mga claim

Sa form para sa claim, hihingin namin sa iyo ang sumusunod, para sa bawat empleyado:

  • Pangalan ng empleyado
  • Email address (kung cash sila binabayaran)
  • Pay slip mula sa huling linggo ng kanilang pagtatrabaho (na nagpapakita sa mga oras ng kanilang pagtatrabaho at sa kabuuang bilang ng naipon nilang sick leave)
  • Bilang ng mga oras para sa huling linggo ng kanilang pagtatrabaho
  • Pay slip noong nagbayad ng karagdagang sick leave (ang inaasahan mong ire-reimburse sa iyo)
  • Petsa kung kailan naubos ng empleyado ang sick leave ng iyong kumpanya
  • Mga petsa kung kailan ginamit ng empleyado ang karagdagang 80 oras na pederal na sick leave (kung may 200 hanggang 499 na empleyado ang iyong negosyo sa lahat ng lokasyon)

Para mas mabilis na makuha ang iyong reimbursement, mag-sign up para makatanggap ng mga electronic na bayad mula sa Lungsod. Tatagal nang 2 hanggang 3 linggo ang pag-set up sa iyong account.

Kung hindi ka puwedeng tumanggap ng mga bayad sa electronikong paraan, puwede rin kaming magpadala sa iyo ng tseke sa pamamagitan ng koreo.

3. Isumite ang iyong mga claim gamit ang iyong custom na link sa mga claim

Makakakita sa iyong email ng pag-apruba ng custom na link sa iyong form para sa claim. I-save ang email ng pag-apruba at huwag itong ibahagi. Naka-customize ito para sa iyong negosyo.

Puwede mong gamitin ang iyong link sa claim nang kahit ilang beses, sa loob ng 90 araw. Kailangan mong maipadala ang lahat ng iyong claim sa panahong iyon. Pagkatapos noon, babalik sa programa ang anupamang pondo na nakareserba sa iyo.

Espesyal na mga kaso

Mga karagdagang empleyado o oras

Mga karagdagang empleyado o oras

Kung papalawigin mo ang sick leave ng iyong mga empleyado nang mahigit sa bilang ng mga oras na orihinal mong natantya, susubukan ka naming i-reimburse para sa mga karagdagang oras na iyon. Para sa mga full-time na empleyado, hanggang 40 oras lang ang puwede naming i-reimburse. Para sa mga part-time na empleyado, hanggang sa average na lingguhang oras lang ng kanilang pagtatrabaho ang puwede naming i-reimburse. 

Hindi ka namin ire-reimburse para sa mga oras na hindi ginamit ng iyong mga empleyado, kahit na pauna kang naaprubahan para sa higit pang oras. 

Kung na-overestimate mo ang average na bilang ng mga oras ng pagtatrabaho ng iyong mga part-time na empleyado sa iyong aplikasyon para sa paunang pag-apruba, ang halaga lang na katumbas ng isang linggo ng kanilang regular na iskedyul ng trabaho ang babayaran namin.

Mga petsa ng pederal na sick leave

Mga petsa ng pederal na sick leave

Magkakaroon ng bisa ang Families First Coronavirus Response Act ng pederal sa Abril 2, 2020.

Inaatasan ang mga negosyong may 200 hanggang 499 na empleyado na gamitin ang 80 oras na sick leave na iniaatas ng programang ito bago nila kunin ang reimbursement para sa bayad sa sick leave sa pamamagitan ng programang ito. Gayunpaman, kung naubos na ng isang empleyado ang kanyang sick leave bago ang Abril 2, hindi mo kailangang maubos ang 80 oras mula sa pederal na kinakailangan para ma-claim mo ang reimbursement.

Humingi ng tulong

Phone

Office of Small Business

Last updated June 30, 2022