Serbisyo
Tingnan ang aming mga panuntunan sa puno ng kalye para sa iyong ADU
Ang iyong ari-arian ay dapat magkaroon ng isang puno sa kalye sa bawat 20 talampakan ng harapan na nasa hangganan ng pampublikong daanan.
Public WorksAno ang dapat malaman
Magtanim ng mga bagong puno sa kalye o magbayad ng kapalit ng puno
Kailangan mong magtanim ng mga bagong puno o magbayad ng in-lieu fee na $2,590 bawat puno.
Mga umiiral na puno sa kalye
Ang mga puno sa kalye na mayroon na sa harapan ng ari-arian ay maaaring isama sa kinakailangan ng proyekto, sa ilalim ng tatlong kundisyon: 1. Itinuturing ng Public Works na ang puno ay karapat-dapat protektahan (kalusugan, panganib at impakt mula sa proyekto) 2. Mayroong aprubadong plano sa pangangalaga ng puno para sa proyekto 3. Naipatupad na ang Tree Protection Plan at ang puno ay hindi nasira habang isinasagawa ang proyekto.
Pakitandaan: May batas na isinasagawa na magwawaksi sa mga kinakailangan sa mga puno sa kalye para sa mga proyekto ng ADU.
Inaasahang magkakabisa ang batas sa katapusan ng Oktubre, 2026.
Ang mga proyektong nasa proseso bago magkabisa ang bagong batas ay kinakailangan pa ring magdesisyon kung magtatanim ng mga puno o magbabayad ng fee-in-lie bilang bahagi ng mga kinakailangan ng iyong proyekto. Ang mga proyektong papasok sa sistema pagkatapos magkabisa ang batas ay hindi
Ibinabahagi namin ito para maisaalang-alang ninyo sa pagpapasya kung magtatanim ng mga puno o magbabayad ng in-lieu fee para sa mga pangangailangan ng inyong proyekto.
Ano ang dapat malaman

Ano ang gagawin
Kapag nagdagdag ka ng ADU, hinihiling namin na ang iyong ari-arian ay may 1 puno sa kalye para sa bawat 20 talampakan ng harapan na nasa hangganan ng pampublikong daanan.
Kung wala kang 1 puno kada 20 talampakan, kailangan mong magdagdag ng puno sa kalye o magbayad ng $2,590 na in-lieu fee kada puno para sa bawat punong hindi mo itinanim.
Gamitin ang aming checklist para sa mga puno sa kalye upang suriin kung ilang puno ang kailangan ng iyong ari-arian. I-upload ang checklist na ito kasama ng iyong aplikasyon para sa permit sa puno.
Dapat mong ipakita ang umiiral at/o iminungkahing mga puno sa kalye sa iyong mga ADU plan.
Simulan ang iyong aplikasyon para sa permit sa pagtatanim ng puno sa Public Works.
Mga halimbawa
Lot na may 30 talampakan ang harapan
Ang kailangan nating puno sa kalye para sa loteng ito ay 2 puno. Ang 30 talampakan kada 1 puno kada 20 talampakan ay 1.5 puno. Ira-round up natin ito sa 2.
Para sa ari-ariang ito, kailangan mong magtanim ng 2 puno o magbayad ng hanggang $5,180 na tree in-lieu fees.
Corner lot na may 95 talampakan ang harapan
Ang kailangan nating puno sa kalye para sa loteng ito ay 5 puno. Ang 95 talampakan kada 1 puno kada 20 talampakan ay 4.75 puno. Ira-round up natin ito sa 5.
Para sa ari-ariang ito, kailangan mong magtanim ng 5 puno o magbayad ng hanggang $12,950 na tree in-lieu fees.
Makipag-ugnayan sa amin
Telepono
Kawanihan ng Urban Forestry
urbanforestry@sfdpw.org