PAHINA NG IMPORMASYON
Mga Botanteng Nasa Ilalim ng Conservatorship
Kung kayo ay nasa ilalim ng conservatorship, maaaring mayroon pa rin kayong karapatang bumoto. Ang pagiging nasa ilalim ng conservatorship ay hindi awtomatikong nagtatanggal sa inyong karapatang bumoto. Kailangang magpasya ng isang hukuman at espisipiko nitong sabihin na hindi kayo pinahihintulutang bumoto bago mawala ang karapatan ninyong iyon.
Tulong sa pagpaparehistro para bumoto
Kung nais ninyong magparehistro at bumoto ngunit hindi ninyo kayang pirmahan ang form para sa pagpaparehistro bilang botante, mayroon pa rin kayong mga opsiyon: Sa halip na ipirma ang inyong pangalan, maaari kayong:
- • Gumawa ng marka, gaya ng “X”, sa kahon para sa lagda
- • Gumamit ng stamp ng inyong lagda
- • Humingi ng tulong mula sa ibang tao para kumpletuhin ang form. Kung may tumulong sa inyo, kailangan lamang nilang isulat ang kanilang sariling pangalan at address sa bahaging nakalaan sa form.
Tulong sa pagboto
Maaari kayong humingi ng tulong sa pagmarka sa inyong balota kapag panahon na para bumoto. Maaari kayong tulungan — ng isang miyembro ng pamilya, isang kaibigan, o isang manggagawa sa botohan — o kaya kahit na sino maliban sa inyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon. Tandaan, maaari man kayong tulungan ng iba sa pagmarka ng inyong balota, walang sinuman ang pinahihintulutan na gumawa ng mga desisyon sa pagboto para sa inyo.
Para alamin ang tungkol sa mga mapagkukunan para matulungan ang bawat botante na bumoto nang pribado at malaya, bisitahin ang webpage sa Aksesibleng Pagboto .
Para alamin ang higit pa tungkol sa pagboto at conservatorship, bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado ng California: https://www.sos.ca.gov/elections/voter-registration/conservatorship