PAHINA NG IMPORMASYON
Mga opsiyon sa paghatid ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante
Ayon sa batas, kailangan naming magpadala sa pamamagitan ng koreo ng isang pamplet sa bawat botante, maliban na lang kung nag-opt out sila mula sa pagpapadala sa koreo.
Ano ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Halimbawang Balota?
Ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Halimbawang Balota ng San Francisco ay nagbibigay ng opisyal, hindi-makapartidong impormasyon tungkol sa mga lokal na kandidato, mga panukala sa balota, at mga opsiyon sa pagboto. Ayon sa batas, kailangan naming magpadala sa pamamagitan ng koreo ng isang pamphlet sa bawat nakarehistrong botante. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga botante sa nakatira sa isang bahay ay makatatanggap ng magkakaparehong kopya ng pamphlet maliban na lang kung gagawa sila ng aksiyon.
Kung nakatira kayo na may kasamang mga ibang botante, mangyaring pag-isipan ang pagbabawas ng paggamit ng papel sa pamamagitan ng pagbabahagian sa isang pamplet. Ang lahat maliban sa isang miyembro ng sambahayan ay maaaring mag-opt out mula sa pagpapadala sa koreo. Makatatanggap pa rin ang inyong sambahayan ng isang papel na kopya para pagbahagian, at iyong mga nag-opt out ay makatatanggap ng link para ma-access ang digital na pamplet mga isang buwan bago ang eleksyon.
Para alamin ang higit pa tungkol sa gastos sa produksiyon ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, panoorin ang video na ito.
Handa nang maging Makakalikasan? Madali lang na ipahinto ang pagtanggap ng pamplet sa pamamagitan ng koreo:
- Mag-log in sa Portal para sa Botante,
- I-email ang inyong kahilingan, o
- Tumawag sa amin sa 415-554-4310.
Paano ma-a-access ang online na pamplet:
Ipinopost namin ang online na pamplet humigit-kumulang 40 araw bago ang eleksyon sa mga format na PDF, HTML, at MP3 na mga format.
Kung hihilingin ninyo na ipatigil ang pagpapadala sa inyo sa koreo, padadalhan namin kayo ng link sa pamplet kapag handa na ito. Maaari ninyong piliin na makakuha ng link sa pamamagitan ng email o isang postcard na may QR code.
Paano ma-a-access ang ibang mga format ng pamplet:
Gumagawa rin kami ng pamplet sa aksesibleng mga format na ito:
- Malalaki ang letra
- Audio sa USB flash drive (sa Ingles)
- Audio sa CD (sa Ingles)
Tumawag sa 415-554-4310, TTY 415-554-4368, o mag-email sa amin para magsumite ng inyong kahilingan para sa aksesibleng pamplet.
Maaari rin kayong makakuha ng talking book na pamplet at isang libreng audio player sa Talking Books and Braille Center. Matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng pangunahing aklatan sa 100 Larkin Street.