PAHINA NG IMPORMASYON

I-update ang inyong rehistrasyon bilang botante

Ito ay mabilis at madali, at tinitiyak na kayo ay handa na makilahok sa nalalapit na eleksyon.

I-update ang inyong rehistrasyon kapag nagbago ang inyong impormasyon

Kabilang dito ang:

  • Paglipat o pagbabago ng inyong address.
  • Pagpapalit ng inyong pangalan o kinakatigang politikal na partido.
  • Paghiling ng balota at iba pang mga materyales sa eleksyon sa ibang wika.
  • Paghiling na ipatigil ang pagpapadala sa inyo sa koreo ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.

Para sa ibang mga pagbabago, maaari ninyong tawagan o i-email ang Departamento ng mga Eleksyon. Para sa ibang mga pagbabago, kakailanganin ninyong muling magparehistro para bumoto. Gamitin ang Tool para sa Pag-Update para alamin ang mga hakbang na dapat gawin.

Kumuha ng patunay ng rehistrasyon

Papadalhan namin kayo sa koreo ng Voter Notification Card o Kard ng Notipikasyon para sa Botante sa loob ng 2 linggo matapos kayong magparehistrong bumoto o mag-update ng inyong rehistrasyon. Maaari din ninyong i-check online ang katayuan ng inyong rehistrasyon bilang botante.

Para humiling ng bagong Kard ng Notipikasyon para sa Botante, makipag-ugnayan sa amin. Puwede rin kayong makakuha ng Sertipiko ng Rehistrasyon sa halagang $1.50 mula sa aming opisina sa City Hall.

Kanselahin ang inyong rehistrasyon kapag lumipat kayo sa labas ng San Francisco

Gamitin ang Form para Kanselahin ang Rehistrasyon para kanselahin ang inyong rehistrasyon bilang botante. Kung lilipat kayo sa loob ng California, maaari kayong magparehistro para bumoto sa inyong bagong county. Kung lilipat kayo sa labas ng California, kontakin lamang ang bago ninyong opisyal sa eleksyon para magparehistro para makaboto.

Ipaalam sa amin ang tungkol sa katayuan ng ibang botante

Gamitin ang Form ng Notipikasyon mula sa Ikatlong Partido para ipaalam sa amin kung nagpapadala kami ng materyales na pang-eleksyon sa koreo para sa botante na hindi na nakatira sa inyong address.

Gamitin ang Form ng Notipikasyon Tungkol sa Pumanaw na Botante para ipaalam sa amin ang pagpanaw ng isang botante.