SERBISYO

Superbisor Mandelman - Internship

District 8

Ano ang dapat malaman

Ang Programa ng Internship ni Superbisor Mandelman sa Distrito 8 ay nag-aalok sa mga mag-aaral ng panimula sa gawain ng isang tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mas malalim na pag-unawa sa mga isyu sa patakarang pampubliko na nakakaapekto sa San Francisco. Kabilang sa Distrito 8 ang Castro, Noe Valley, Glen Park, Diamond Heights, Twin Peaks, Cole Valley, at Duboce Triangle. Ang Distrito ay gumanap ng mahalagang papel sa kasaysayan ng San Francisco dahil marami sa mga kapitbahayan na sakop nito ay kinakatawan ni Superbisor Harvey Milk kasunod ng kanyang pagkahalal noong 1978.

Ang pagkakataong ito para sa internship ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na lumahok sa pang-araw-araw na operasyon ng Lungsod at County ng San Francisco. Sa buong internship, ang mga mag-aaral ay malapit na nakikipagtulungan kay Superbisor Mandelman at sa kanyang mga kawani ng lehislatura. 

Ang mga residente ng Distrito 8, kababaihan, mga taong hindi puti (ang kulay ng balat), mga taong may kapansanan, mga imigrante, at mga indibidwal na LGBTQIA+ ay lubos na hinihikayat na mag-aplay.

Ano ang gagawin

Mga Responsibilidad:

  1. Pamahalaan ang mga sulat ng mga nasasakupan at pamamahala ng mga kaso
  2. Magsaliksik tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan at mga isyu sa patakaran na epekto; impakt (do NOT use: impakto) sa Distrito 8 at sa mga residente nito
  3. Makipagtulungan nang malapit sa mga kawani ng lehislatura sa iba't ibang proyekto at takdang-aralin.
  4. Magbigay ng suporta at tulong administratibo sa pang-araw-araw na operasyon sa opisina.

Mga Kasanayan at Kwalipikasyon:

  1. Napakahusay na kasanayan sa pasalita at nakasulat na komunikasyon at atensyon sa detalye.
  2. Malakas na kasanayan sa organisasyon at pamamahala ng oras.
  3. Matatag na etika sa trabaho at pagnanais na samantalahin ang iba't ibang mga pagkakataon para sa personal at propesyonal na pag-unlad
  4. Matinding interes at pagkahilig para sa pampublikong patakaran at Pagbabago sa lipunan.

Pangako sa Oras:

  1. Mga personal na shift sa San Francisco City Hall, 1 Dr. Carlton B Goodlett Pl
  2. Ang mga shift ay nakatakda sa oras ng aming opisina: Lunes hanggang Biyernes, 9:00 am - 6:00 pm.

Kompensasyon:

Sa kasamaang palad, hindi kami makapagbibigay ng mga bayad na internship ngunit masaya kaming makipagtulungan sa mga estudyanteng interesadong makatanggap ng undergraduate o graduate credit.

Para Mag-apply:

Mangyaring magpadala ng email sa mandelmanstaff@sfgov.org upang ipahiwatig ang iyong interes sa posisyon at punan ang Internship Interest Form.