Serbisyo
Paano mag-sign in sa iyong DAHLIA account
Humingi ng tulong sa pag-sign in o pagbabalik sa iyong DAHLIA account.
Mayor's Office of Housing and Community DevelopmentAno ang gagawin
Mag-sign in gamit ang iyong email
Maaari kang mag-sign in sa DAHLIA San Francisco Housing Portal gamit ang iyong email at password.
O kaya, mag-sign in nang hindi gumagamit ng password:
- Pumunta sa pahina ng pag-sign in ng DAHLIA.
- Piliin ang Kumuha ng minsanang code para mag-sign in .
- Ilagay ang email address para sa iyong account.
- Ilagay ang 6-digit na code na ipapadala namin sa iyong email para tapusin ang pag-sign in.
Hindi nakatanggap ng code? Maaaring abutin ng ilang minuto bago dumating. Tingnan ang iyong spam o junk folder. Tiyaking tama ang email address na iyong inilagay.
Ano ang one-time code? Mas mapapadali ng mga code ang pag-sign in. Sa tuwing magsa-sign in ka, ilagay lang ang iyong email. Padadalhan ka namin ng code para mag-sign in. Hindi kailangan ng password.
Humingi ng tulong sa pag-sign in
Nakalimutan mo ba ang iyong password?
Pumunta sa pahina ng pag-sign in ng DAHLIA at sundan ang link: 'Nakalimutan ang password?'. Ilagay ang iyong email at magpapadala kami ng code para matulungan kang mag-sign in.
Pagkatapos mong mag-sign in, maaari mong i-reset ang iyong password. Pero ayos lang na laktawan ang hakbang na ito. Maaari ka naming padalhan ng one-time code na gagamitin mo.
Humingi ng tulong nang personal sa pag-sign in
Matutulungan ka ng mga tagapayo sa pabahay na mag-sign in, maghanap ng mga apartment, at mag-apply sa DAHLIA. Libre ito, at may suporta na makukuha sa maraming wika.
Kung hindi ka makakapasok sa iyong email, o nakakaranas ng iba pang mga isyu sa pag-sign in
Kontakin ang Opisina ng Meyor para sa Pabahay at Pag-unlad ng Komunidad sa impormasyon sa ibaba.
Kung wala ka nang access sa email address na ginagamit mo para mag-sign in, matutulungan ka naming i-update ang impormasyon ng iyong account at mag-sign in muli.