SERBISYO

Humiling ng pagbawas sa renta para sa mga nabawasang serbisyo sa pabahay

Alamin ang tungkol sa pag-file ng petisyon ng nangungupahan na Decrease in Housing Services (Pagbawas sa mga Serbisyo sa Pabahay).

Rent Board

Ano ang dapat malaman

Mga housing service (Mga serbisyo sa pabahay)

Maaaring kasama sa mga housing service ang: mga pagkukumpuni, pagpapanatili, paradahan ng sasakyan, imbakan at pag-sublet.

Ano ang gagawin

Magagamit lamang ng mga nangungupahan ang petisyong ito sa yunit na kontrolado ang renta. Hindi ito magagamit ng mga nangungupahan sa mga yunit na itinayo pagkatapos ng Hunyo 13, 1979 o sa mga yunit ng abot-kayang pabahay (tulad ng Section 8).

Alamin ang tungkol sa mga batas ng San Francisco sa renta.

Pangkalahatang-ideya

Maaaring magpetisyon ang nangungupahan sa Lupon para sa Pagpapaupa ng pagbawas sa renta kung ang lubos na binawasan ng nagpapaupa ang housing service nang hindi binabawasan ang renta ng nangungupahan.

1. Alamin ang Tungkol sa mga Housing Service

Ang housing service ay isang serbisyong ipinagkakaloob ng nagpapaupa na nauugnay sa paggamit o pag-okupa ng yunit na pinauupahan. Kabilang dito ang:

  • Mga pagkukumpuni at pagpapanatili
  • Paradahan ng sasakyan
  • Imbakan
  • Pag-sublet

Alamin pa ang tungkol sa "Mga Housing Service". 

2. Punan ang Petisyon ng Nangungupahan at Form A

Mga Instruksyon

  • Mga pahina 1-2: Kakailanganin namin ang:
    • Impormasyon tungkol sa iyong yunit na pinauupahan
    • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa iyong sarili at sa mga sumusunod (kung naaangkop):
      • Iyong abogado o kinatawan
      • May-ari ng gusali
      • Tagapamahala ng ari-arian o kumpanyang namamahala
      • Abogado o kinatawan ng nagpapaupa sa iyo
  • Pahina 3: Lagyan ng Tsek ang Kahon “A” 
  • Pahina 3: Lagdaan at petsahan ang deklarasyon
  • Pahina 4: Basahin ang mga instruksyon sa Form A
  • Pahina 5: Sa Form A, ilista ang mga housing service na inalis ng nagpapaupa sa iyo o lubos na binawasan.

Ilawaran ang iyong mga nabawasang housing service

Para sa bawat housing service, ilarawan ang:

  • Kailan binawasan o hindi ibinigay ang housing service
  • Kailan inabisuhan ang nagpapaupa ng binawasang housing service
  • Kung ipinanumbalik ng nagpapaupa sa iyo ang housing service
  • Sa paniniwala mo, magkano dapat ang ibabawas sa iyong renta kada buwan, para sa pagkawala ng housing service

3. Isumite ang iyong form.

I-email ang iyong form at anumang mga sumusuportang patunay sa:

Rent Board25 Van Ness Avenue, Suite #700
San Francisco, CA 94102
Kumuha ng mga direksyon
Lunes hanggang
Martes hanggang
Miyerkules hanggang
Huwebes hanggang
Biyernes hanggang

4. Ano ang susunod na mangyayari

Sa oras na mapagpasyahang kumpleto ang petisyon, magpapadala ang Lupon para sa Pagpapaupa ng kopya ng petisyon sa nagpapaupa at sa sinumang iba pang panig na pinangalanan sa petisyon

Kadalasan sa loob ng ilang buwan pagkatapos maihain ang petisyon, maiiskedyul ito para sa sesyon ng pagpupulong na may tagapamagitan sa Lunes-Biyernes sa ganap na 9:00 AM o 1:30 PM (ipapadala ang Notice of Mediation (Paunawa ng Pagpupulong na may Tagapamagitan) sa lahat ng panig nang hindi bababa sa 10 araw bago ang pagpupulong na may tagapamagitan)

Paminsan-minsan, hindi nagagawa ng mga panig na magkasundo pagkatapos makibahagi sa sesyon ng pagpupulong na may tagapamagitan. sa kasong iyon, maaaring magdaos ng pagdinig na arbitrasyon sa parehong araw na iyon o muling maiskedyul para sa petsa sa hinaharap (kadalasan sa loob ng ilang buwan)

Kung ang iyong kaso ay nangangailangan ng pormal na pagdinig na arbitrasyon, kailangan mong magprisinta ng ebidensyang nagpapatunay na binawasan o inalis ng nagpapaupa ang housing service na dating kasama sa iyong renta. 

Ang mga pagbawas sa renta ay limitado sa isang taon bago maihain ang petisyon, maliban kung napatunayan ng nangungupahan na ang nagpapaupa ay nagkaroon ng pangmatagalang paunawa hinggil sa problema, o nakikita na mayroong umiiral na ekstraordinaryong kalagayan.

Ang Lupon para sa Pagpapaupa ay walang awtoridad para puwersahin ang nagpapaupa na ibalik ang serbisyo, ngunit maaari lamang itong utusan na bawasan ang renta para sa pagkawala ng housing service.

Special cases

Pagpapaliban para sa Ibang Petsa

Ang mga kahilingan para sa mga pagpapaliban para sa ibang petsa ay kailangang isumite nang nakasulat at gagawaran lamang kapag mayroong mabuting dahilan, tulad ng nakagawa na ng mga plano sa paglalakbay bago matanggap ang Notice of Mediation. Ang patunay ng mga magkakasalungat na plano ay kailangang isumite kasama ang kahilingan para sa pagpapaliban para sa ibang petsa.

Alamin ang tungkol sa mga pagpapaliban para sa ibang petsa.

Apela

Ang sinumang panig ay maaaring iapela ang desisyon ng Lupon para sa Pagpapaupa sa loob ng 15 na araw ng kalendaryo mula sa pagpapadala ng desisyon sa koreo.

Alamin ang tungkol sa mga apela.

Mga Tag: Topic 352

Mga ahensyang kasosyo

Makipag-ugnayan sa amin

Address

Rent Board25 Van Ness Avenue
Suite #700
San Francisco, CA 94102
Kumuha ng mga direksyon
Lunes hanggang
Martes hanggang
Miyerkules hanggang
Huwebes hanggang
Biyernes hanggang

Telepono

Linyang tatawagan para sa pagpapayo ng Lupon para sa Pagpapaupa415-252-4600