NEWS

Tinatawagan ang lahat ng Artista!: Proyekto ng Mural sa Geneva Car Barn

District 11

Inaanyayahan ng San Francisco Komisyon sa Sining (Arts Commission) ang mga artista at pangkat ng mga artista na magsumite ng mga kwalipikasyon para sa Geneva Car Barn Temporary Mural Project.

Inaanyayahan ng San Francisco Komisyon sa Sining (Arts Commission) ang mga artista at pangkat ng mga artista na magsumite ng mga kwalipikasyon para sa Geneva Car Barn Temporary Mural Project .

  • Ang San Francisco Artis Commission (SFAC), sa pakikipagtulungan ng Recreation & Parks Departamento (RPD) at CAST, ay bumubuo ng isang pansamantalang proyektong panlabas na likhang sining na nakatuon sa komunidad sa kanlurang harapan ng gusali upang suportahan ang visibility ng kapitbahayan, pagkakakilanlang kultural, at pagkukuwento ng komunidad. Ang proyekto ay bubuuin sa pamamagitan ng malawak na pakikilahok ng komunidad at ipapakita ang lugar bilang isang aktibo at inklusibong sentro ng sining at kultura.

Ang mga layunin ng Proyekto ng Pansamantalang Mural ng Geneva Car Barn ay ang mga sumusunod:

  • Igalang ang makasaysayan at kultural na kahalagahan ng Geneva Car Barn.
  • Itatag ang lugar bilang sentro ng sining at kultura at sentro ng edukasyon sa sining ng kabataan.
  • Paunlarin ang likhang sining sa pamamagitan ng isang serye ng mga aktibidad sa engagement (pakikipag ugnayan sa mga kliyenteng nasa lansangan) sa komunidad kasama ang mga lokal na miyembro ng komunidad at mga organisasyon, na magbibigay-impormasyon sa disenyo at pagpapatupad.
  • Magbigay ng benepisyo sa komunidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga artista na may makabuluhang koneksyon sa mga kapitbahayan ng Excelsior/Outer Mission/OMI.

Matuto nang higit pa at hanapin ang buong Kahilingan para sa mga Kwalipikasyon dito. Ang huling araw ng pagsusumite ng iyong Aplikasyon ay Abril 6, 2026 bago mag-11:59pm.