PRESS RELEASE

Sinimulan ng SFMTA na isara ang ilang kalye ng SF upang itaguyod ang kaligtasan at physical distancing

Susuportahan ng Slow Streets Program ang mga alituntunin sa physical distancing, habang nagbibigay ng mas ligtas na mga kalye para sa mga gumagawa ng mahahalagang biyahe habang naglalakad o nagbibisikleta.

Inanunsyo ngayon ni Mayor London N. Breed at San Francisco Municipal Transportation Agency (SFMTA) Director Jeffrey Tumlin ang Slow Streets, isang bagong programa upang limitahan ang trapiko sa mga piling kalye. Sa pagbaba ng serbisyo ng Muni, maraming residente ng San Francisco ang naglalakad o gumagamit ng iba pang mga mode upang gumawa ng mahahalagang biyahe at ehersisyo. Pinipili ng ilan na maglakad o mag-jogging sa kalye para mapanatili ang social distancing. Ang layunin ng programang ito ay bawasan at pabagalin ang trapiko ng sasakyan, na sumusuporta sa kalusugan ng publiko at kaligtasan ng pedestrian.

Basahin ang buong press release