Serbisyo
Paano gumawa ng DAHLIA account
Alamin ang tungkol sa mga opsyon para sa paggawa ng account o maghanap ng makakatulong.
Mayor's Office of Housing and Community DevelopmentAno ang gagawin
Hindi sigurado kung mayroon ka nang account? Titingnan namin habang gumagawa ka ng account. Kung mayroon ka, tutulungan ka naming mag-sign in.
Para gumawa ng account:
- Pumunta sa pahina ng paggawa ng account sa DAHLIA San Francisco Housing Portal.
- Ilagay ang iyong email address. Gumamit ng email na madali mong magagamit para mag-sign in.
- Sunod, ilagay ang code na ipapadala namin sa iyong email. Makakatulong ito sa amin na matiyak na ikaw nga iyon.
- Ilagay ang iyong pangalan at petsa ng kapanganakan para tapusin ang pag-set up ng iyong account.
Maaari kang magdagdag ng password, ngunit hindi ito kinakailangan. Maaari kang mag-sign in anumang oras sa pamamagitan ng paglalagay ng one-time code na ipapadala namin sa iyong email.
Hindi nakatanggap ng code? Maaaring abutin ng ilang minuto bago dumating. Tingnan ang iyong spam o junk folder. Tiyaking tama ang email address na iyong inilagay.
Humingi ng personal na tulong sa iyong account
Matutulungan ka ng mga tagapayo sa pabahay:
- Gumawa ng account
- Maghanap ng mga apartment
- Mag-apply sa DAHLIA
Libre ito, at ang suporta ay makukuha sa maraming wika.
Makipag-ugnayan sa amin
Telepono
Opisina ng Meyor para sa Pabahay at Pag-unlad ng Komunidad, Front Desk415-701-5500
Oras ng opisina: Lunes hanggang Biyernes 9:00 AM hanggang 5:00 PM