Idisenyo ang inyong Shared Space na parking o curbside lane

Sundin ang aming mga patnubay sa pagdidisenyo ng inyong Shared Space na parklet o parking lane.

Ang parking lane ay ang espasyo sa kalsada na pinakamalapit sa gilid ng bangketa. 

Mga uri ng Shared Space na parking lane

May 3 uri ng Shared Space na parking lane: 

  • Pampublikong parklet  
  • Nakapirming komersyal na parklet 
  • Komersyal na parklet 

(Kung hindi pa ninyo alam kung alin ang ia-apply ninyo, alamin ang tungkol sa aming mga uri ng Shared Spaces.)

Kung mag-a-apply rin kayo para gamitin ang bangketa, dapat din ninyong sundin ang mga patakaran sa Shared Spaces na bangketa

Saan ninyo magagamit ang parking lane

Hindi kayo puwedeng magtayo ng parklet o gumamit ng parking lane kung mayroon kayong: 

  • Pula o asul na curb 
  • Bus stop o transit shelter 

Sa pamamagitan ng permit sa Shared Spaces na parking lane, puwede ninyong gamitin ang parking lane sa harap ng inyong negosyo o organisasyon.  

Posibleng kailanganin ninyo ang pahintulot ng inyong kapitbahay na gumamit ng espasyo sa harap ng kanilang negosyo

Puwede kayong gumamit ng hanggang 2 paradahan. 

Mga sulok 

Hindi kayo puwedeng gumamit ng espasyong malapit sa mga sulok. Ang inyong espasyo ay dapat 20 talampakan ang layo mula sa pasukan ng interseksyon at 8 talampakan mula sa labasan ng interseksyon. 

Mga fire hydrant 

Hindi kayo puwedeng magtayo ng mga nakapirming istruktura sa pulang curbside lane sa tabi ng fire hydrant. 

Huwag tayuan o markahan ang bangketa

Dapat magtapos sa bangketa ang inyong istruktura ng parking lane. Hindi kayo puwedeng magpirmi ng istruktura sa bangketa maliban sa mga threshold o accessible na rampa.  

Isama ang inyong mga threshold o rampa sa plano ng inyong site. Dapat namin itong suriin at aprubahan. 

Hindi kayo puwedeng maglagay ng mga sticker o spray paint sa bangketa, maliban para sa mga marka para sa social distancing. 

3 talampakang agwat para sa pang-emergency na pag-access

Para sa kaligtasan, dapat kayong magkaroon ng minimum na 3 talampakang agwat para sa pang-emergency na pag-access sa bawat 20 talampakan. Wala dapat bubong ang agwat. 

Mga bus stop zone

Hindi kayo puwedeng maglagay ng kahit ano sa isang bus stop zone o sa loob ng 10 talampakan mula sa isang bus shelter. 

Imprastraktura ng Lungsod

Tingnan ang manual ng Shared Spaces para sa mga parking lane na may: 

  • Bike lane, mga bike share station, mga bike rack, o bike corral 
  • Mga dilaw, berde, o puting curb 
  • Mga taxi zone o commuter stop 

Kung ang parking lane na gusto ninyong gamitin ay nasa isa sa mga espasyong ito, makikipagtulungan kami sa inyo para malaman kung magagamit ang espasyo. 

Paano idisenyo ang inyong Shared Space na parking lane

Tingnan ang seksyong parking lane ng manual ng Shared Spaces para sa higit pang detalye ng disenyo.

Last updated September 15, 2021