PAHINA NG IMPORMASYON
Mga kinakailangan para sa mga tindahan ng pagpapabuti ng bahay
Inaatasan ng Health Code ang mga tindahan na turuan at bigyan ng babala ang tungkol sa panganib ng exposure (pagkalantad) sa lead.
Mga kinakailangan sa health code
Ang Seksyon 1610.1 ng San Francisco Health Code ay nagbibigay ng mga detalye ng mga kinakailangan.
Materyal na Pang-edukasyon
Ang buklet ng Environmental Protection Agency (EPA) na pinamagatang Renovate Right, ay dapat na maging available sa mga customer. Ang mga operator ng retail store ay maaaring kumuha ng mga kopya mula sa EPA o sa pamamagitan ng pagtawag sa Children's Environmental Health Promotion Program ng Department of Public Health sa 415-252-3800.
Poster ng Babala
Maaaring tumawag ang mga operator ng retail store sa Children's Environmental Health Promotion Program ng Department of Public Health sa 415-252-3800 para sa mga nakalamina na kopya ng poster.