Magpatulong sa pag-uulat ng mga substandard na kalagayan ng pamumuhay

Tumawag ng inspector ng pabahay, o maghanap ng organisasyon sa komunidad na tutulong sa inyong makuha ang mga kinakailangang pagpapaayos sa inyong inuupahan.

Anong gagawin

Puwede kayong maghain ng reklamo para ipa-imbestiga ang isang potensyal na paglabag sa code

Kung mayroon kayong mga tanong, tumawag sa amin

Puwede ninyong tawagan ang seksyong Mga Serbisyo sa Inspeksyon ng Pabahay sa Departamento ng Inspeksyon ng mga Gusali nang may mga tanong tungkol sa mga potensyal na paglabag sa code.

Mga Serbisyo sa Inspeksyon ng Pabahay

Mag-iwan ng voicemail na nagsasaad ng inyong street address. Ipapasa namin ang inyong kahilingan sa inspector ng pabahay para sa inyong address.

Puwede rin ninyong direktang tawagan ang inspector ng pabahay na nakatalaga sa inyong lugar. Hanapin ang inspector ng inyong distrito sa mapa.

Mga partner na organisasyon

Mga partner na organisasyon

Puwede rin kayong makipag-ugnayan sa isa sa aming mga partner sa komunidad nang may mga tanong

Tingnan ang mapa para alamin kung aling organisasyon ang nakatalaga sa inyong address. Magagawa nilang:

  • Sagutin ang inyong mga tanong tungkol sa inyong mga karapatan sa pagtira sa isang natitirhang inuupahan
  • Tulungan kayong abisuhan sa sulat ang nagpapaupa sa inyo tungkol sa mga kinakailangang pagpaaayos 
  • Magsilbing tagapag-ugnay sa pagitan ninyo at ng Departamento ng Inspeksyon ng mga Gusali kapag kailangan ninyong magpaayos.
  • Dumalo sa mga workshop tungkol sa kung ano ang magagawa ninyo para tiyaking naaayon sa code ang mga tinitirhang inuupahan

Humingi ng tulong

Last updated September 15, 2022