SERBISYO
Magpa-appointment para sa kalusugan
Kumuha ng mga serbisyong medikal mula sa isa sa aming mga klinikang pangkalusugan sa pamamagitan ng San Francisco Health Network.
San Francisco Health NetworkAno ang gagawin
1. Magpatala sa SF Health Network
Ang aming mga serbisyong medikal ay inaalok sa mga pasyente ng SF Health Network. Alamin kung paano mag-enroll o tingnan kung kwalipikado ka para sa programang pangkalusugan kung wala kang coverage sa kalusugan.
2. Sa oras na magpatala ka na, magpa-appointment sa iyong itinalagang klinika
Pagkatapos mong magpatala, magtatalaga ng klinika para sa iyo. Upang magpa-appointment, mag-login sa iyong MyChart account.
O tumawag sa iyong klinika para sa appointment:
Call Center ng SF Health Network415-682-1740
Ididirekta ka sa iyong klinika kapag tinawagan mo ang numerong ito.
Kung kailangan mo ng pangangalaga ngayon, tingnan kung paano makakuha ng mga serbisyo ng agarang pangangalaga .