Magpakonsulta para sa iyong mga plano para sa lounge sa pagkonsumo ng cannabis

Makatipid sa oras at pera sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan (Department of Public Health, DPH) para talakayin ang iyong mga plano.

Anong gagawin

1. Tingnan ang mga kinakailangan para sa pagkakaroon ng lounge sa pagkonsumo

Kailangan mong bumuo ng iba't ibang feature depende sa kung gaano mo ihahanda ang iyong mga produkto. Karaniwang lumalampas sa $100,000 ang mga kabuuang halaga ng gastos sa konstruksyon.

Mga kinakailangan para sa pagkonsumo nang walang paghahanda (mga packaged na produkto) 

Mga kinakailangan para sa pagkonsumo nang may ilang paghahanda, tulad ng pag-iinit

Mga kinakailangan para sa isang lounge sa paninigarilyo

2. Ihanda ang iyong mga plano

Sa meeting, tatalakayin natin ang kailangan mo para sa:

  • Bentilasyon
  • Mga air filter
  • Negative pressure, para sa mga smoke room
  • Dami ng matatanggap na tao
  • Mga pinto
  • Mga banyo
  • Shatter proof na ilaw
  • Mga lababo
  • Sahig
  • Pang-init ng tubig

Kailangan mong mag-apply para sa isang permit sa storefront na retail para magkaroon ng lounge sa pagkonsumo. Posibleng kailangan mong magkaroon ng pagdinig sa harap ng Komisyon sa Pagpaplano.

3. Makipag-ugnayan sa DPH para mag-iskedyul ng meeting

Humingi ng tulong

Last updated September 14, 2022