ULAT
Mga madalas itanong (Mga FAQ) Tungkol sa SF Thrives Grant
Office of Economic and Workforce DevelopmentImportant dates
| DESCRIPTION | DATE & TIME |
|---|---|
Eligibility Form Opens | Friday, October 24, 2025, at 12:00pm |
Eligibility Form Deadline | Friday, November 14, 2025, at 5:00pm |
Notification Email and Application Link NOTE: Eligible Tenderloin, Mid-Market, and SOMA businesses will be entered into a lottery | Friday, November 21, 2025 by 5:00pm |
Application Deadline (if selected by lottery) | UPDATED: Monday, January 5, 2026, at 5:00pm |
Award Payment Notifications | January 2026 All applicants will be notified of their award or non-award status by January 30, 2026. |
Pagiging karapat-dapat at lokasyon
Tanong: Maaari ba akong mag-apply kung pansamantalang nagsara ako noong panahon ng COVID ngunit muling nagbukas sa parehong lokasyon?
Sagot: Oo, hangga’t ang iyong negosyo ay orihinal na bukas bago noong Disyembre 31, 2020, at kasalukuyang pinatatakbo sa parehong lokasyon sa ilalim ng parehong aktibong numero ng BAN. Ang mga pansamantalang pagsasara dahil sa COVID-19 ay hindi magdidisqualify sa iyo.
Tanong: Ang aking negosyo ay nasa isang sulok o kahating gusali. Paano ko malalaman kung nasa tamang lugar ako?
Sagot: Gamitin ang karapat-dapat na mapa ng mga hangganan upang suriin ang iyong eksaktong address. Ang iyong negosyo ay dapat na ganap na nasa loob ng karapat-dapat na lugar. Kung hindi ka sigurado, mag-email sa investsf@sfgov.org kasama ang iyong address at tutulungan ka naming tingnan ito.
Tanong: Isa akong Anchor o Legacy na Negosyo; kailangan ko pa rin bang magsumite ng form ng pagiging karapat-dapat?
Sagot: Oo. Anuman ang katayuan ng iyong negosyo, ang lahat ng interesadong negosyo ay dapat magsumite ng form ng pagiging karapat-dapat.
Tanong: Ang aking negosyo ay lumipat sa loob ng parehong kapitbahayan na karapat-dapat ang mga hangganan pagkatapos ng 2020. Ako ba ay karapat-dapat pa rin?
Sagot: Oo, karapat-dapat ka. Dapat mong beripikahin na ang iyong BAN number ay bukas noong o bago noong Disyembre 31, 2020 at nanatiling aktibo.
Dokumentasyon at reimbursement
Q: Paano kung wala pa sa akin ang lahat ng resibo o dokumento , maaari pa rin ba akong mag-apply at isumite ang mga ito sa kalaunan?
A: Hindi. Ito ay programang reimbursement lamang. Kung mapipili kang mag-apply, dapat kang magpakita ng patunay na nabayaran mo na ang mga kwalipikadong gastusin. Tanging mga resibo o invoice na may petsang Enero 1, 2025 o pagkatapos nito ang tatanggapin. Pakihanda ang lahat ng iyong mga dokumento bago mag-apply—hindi kami tatanggap ng anumang karagdagang dokumento pagkatapos ng pagsusumite. Siguraduhing isumite ang iyong aplikasyon bago ito magsara sa Enero 5, 2026, sa ganap na 5:00 ng hapon .
Tanong: Ano ang mga karapat-dapat na reimbursement na saklaw ng gawad (grant) na ito?
Sagot: Kasama sa mga karapat-dapat na reimbursement ang:
- Mga Utility (tubig, gas, kuryente, Recology, internet, telepono)
- Sahod/payroll ng empleyado
- upa
- Insurance
Tanong: Katanggap-tanggap ba ang mga bank o credit card statement bilang patunay ng mga pagbabayad?
Sagot: Maaari mong isama ang mga bank o credit card statement bilang sumusuportang dokumentasyon, ngunit dapat mong isumite ang mga orihinal na resibo o mga nabayarang invoice na kasama rin sa mga singil.
Tanong: Paano kung ang aking mga utility bill ay naka-bundle (hal., internet + telepono)?
Sagot: Kwalipikado ang mga naka-bundle na bill hangga’t malinaw na ipinapakita sa invoice ang petsa, halagang ibinayad, at mga ipinagkaloob na serbisyong.
Tanong: Mayroon akong ilang karapat-dapat na resibo. Maaari ko bang isumite ang lahat ng ito?
Sagot: Oo maaari kaming tumanggap ng hanggang $10,000 sa mga karapat-dapat na resibo, ngunit inirerekomenda namin na isumite mo muna ang iyong mga resibo na nasa pinakamataas na halaga upang mapadali ang proseso.
Tanong: Paano ako makakapagbigay ng beripikasyon sa pagbabayad ng upa kung hindi ako nakakatanggap ng mga resibo mula sa aking landlord?
Sagot: Maaaring magbigay ng aktibong nilagdaang lease (kasunduan sa pag-upa). Ang mga lease na buwan-buwan ay maaaring mangailangan ng karagdagang pagbeberipika.
Proseso ng aplikasyon
Tanong: Nagsumite ako ng form ng pagiging karapat-dapat. May kailangan pa ba akong isumite?
Sagot: Hindi pa. Kung mapipili kang magpatuloy, magpapadala kami sa iyo sa pamamagitan ng email ng link sa aplikasyon sa Biyernes, Nobyembre 21, 2025, upang tapusin ang buong aplikasyon. Hanggang doon, hindi mo na kailangang gumawa ng iba pa.
Tanong: Maaari ko bang i-edit ang aking form sa pagberipika ng aking pagiging karapat-dapat pagkatapos itong maisumite?
Sagot: Hindi. Mangyaring tiyakin na tumpak ang iyong form bago magsumite.
Tanong: Nagsumite ako ng form ng pagiging karapat-dapat, ano ang aking mga susunod na hakbang?
Sagot: Susuriin ng aming team ang lahat ng form upang matukoy ang pagiging karapat-dapat. Tanging ang mga napili ang iimbitahan na mag-apply. TANDAAN: Ang mga karapat-dapat na negosyo sa Tenderloin, Mid-Market, at SOMA ang isasali sa isang lottery.
Tanong: Ako ay isang rehistradong Neighborhood Anchor o Legacy na negosyo. Maisasali ba ako sa lottery?
Sagot: Hindi. Batay sa SEC. 2A.245, ang lahat ng karapat-dapat na Neighborhood Anchor at Legacy na negosyo ang bibigyan ng priyoridad.
Tanong: Paano kung hindi ko natanggap ang email na abiso—paano ko matitingnan ang aking status?
Sagot: Ang lahat ng aplikante ay makakatanggap ng email. Kung hindi ka nakatanggap ng abiso hanggang Biyernes, Nobyembre 21, 2025 nang 5:00 PM, mangyaring tingnan ang iyong spam folder o makipag-ugnayan sa investsf@sfgov.org.
Tanong: Ano ang mangyayari kung nalampasan ko ang pormal na deadline para sa application ngunit kuwalipikado pa rin para sa programa?
A: Hindi ka makakatanggap ng grant funding kung hindi ka makakaabot sa deadline. Ang application form ay tatagal ng 20 minuto o mas maikli pa kung handa na ang mga kinakailangang dokumento. Awtomatikong isasara ng system ang aplikasyon sa Enero 5, 2026, sa ganap na 5:00 PM. Siguraduhing isumite ang iyong nakumpletong form bago ang deadline.
Tanong: Mayroon bang tulong kung kailangan ko ng tulong sa pagsagot sa form o paggamit ng computer?
Sagot: Oo. Makakakuha ka ng libreng tulong mula sa mga lokal na nonprofit. Matutulungan ka nilang punan ang form, mag-upload ng mga resibo, o sagutin ang mga tanong. Tingnan ang aming listahan ng mga nonprofit na mapagkukunan
Tanong: Maaari ba akong makakuha ng tulong sa aking wika?
Sagot: Mag-aalok kami ng mga webinar sa Ingles, Cantonese, Espanyol, Filipino at Vietnamese sa Oktubre 29, 2025. Kailangan ng ibang wika? Tingnan ang aming listahan ng mga nonprofit na mapagkukunan
Pagpopondo at pagbabayad
Tanong: Makakatanggap ba ako ng buong $10,000 kung ako ang napili?
Sagot: Siguro. Ang halaga ng gawad ay magdedepende sa mga karapat-dapat na resibo na iyong isusumite. Ang pinakamalaking gawad ay hanggang $10,000, ngunit ang iyong huling halaga ay ibabatay sa iyong mga inaprubahang gastos.
Tanong: Gaano katagal bago makuha ang pera pagkatapos kong maaprubahan?
Sagot: Pagkatapos mong matanggap ang iyong opisyal na liham ng award, makikipag-ugnayan sa iyo ang aming mga katuwang sa SF New Deal upang mag-set up ng direktang deposito. Kapag nakumpleto mo na ang pag-setup, matatanggap mo ang iyong mga pondo sa loob ng 30 araw.
Tanong: Itinuturing bang mabubuwisang kita ang gawad?
Sagot: Oo, ang gawad na ito ay itinuturing na mabubuwisang kita.
Mga espesyal na kaso at iba pang mga katanungan
Tanong: Ako ay bukas noong panahon ng COVID at kasalukuyang bukas pa rin. Hindi ako sigurado kung ako ay magbubukas sa susunod na taon. Maaari pa rin ba akong mag apply?
Sagot: Oo. Hangga’t bukas ka ngayon at nagpaplanong manatiling bukas, maaari kang mag-apply. Ang mga aplikante ay dapat magsumikap nang may mabuting layunin na manatiling bukas nang hindi bababa sa 12 buwan pagkatapos ng pagpopondo. Kung ang iyong negosyo ay nahihirapan, narito kami upang tumulong. Kumonekta sa libreng pagpapayo sa maliit na negosyo.
Tanong: Kahati ko sa storefront ang isa pang negosyo — maaari bang pareho kaming mag-apply?
Sagot: Hindi. Ang mga gawad na award ay hanggang $10,000 bawat address.
Tanong: Ang aking negosyo ay bahagi ng isang nonprofit ngunit pinatatakbo tulad ng isang storefront, maaari ba akong mag-apply?
Sagot: Oo, kung ang iyong nonprofit ay may storefront na nawalan ng pera noong panahon ng COVID at kasalukuyang nasa Registry of Charitable Trusts, maaari kang mag-apply. Halimbawa, ang isang nonprofit na organisasyon ng sining ay nagpapatakbo ng isang ticketed gallery space sa Tenderloin. Ang gallery ay nagbebenta ng mga tiket sa publiko at bukas bago ang Disyembre 31, 2020. Kinailangan nitong pansamantalang magsara noong panahon ng pandemya at nawalan ng kita. Ang organisasyon ay napapanahon sa pagpaparehistro nito sa kawanggawa. Magiging karapat-dapat mag-apply ang nonprofit na ito.
Ang aasahan pagkatapos mong mag-apply
- Makakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon na may kopya ng iyong mga sagot. Hindi ka maaaring magsumite ng mas higit pang mga resibo pagkatapos maaprubahan ang iyong aplikasyon—kaya siguraduhing kasama ang lahat.
- Pagkatapos isumite ang iyong buong aplikasyon, aabisuhan ka ng tungkol sa status ng iyong award sa Enero 2026.
- Kung maaaprubahan, ang iyong gawad ay ipapadala sa pamamagitan ng direktang deposito kapag nakumpleto na ang lahat ng hakbang.
MAY MGA KATANUNGAN PA? MAG-EMAIL SA AMIN: investsf@sfgov.org
Kailangan ng tulong sa ibang wika o sa teknolohiya? Listahan ng mga nonprofit na mapagkukunan