Kaganapan
Distrito 7 Westwood Park Family Summit
Ito ang Iyong Lungsod. Ibahagi ang Iyong Kwento.
Our Children Our Families Initiative
Bawat pamilya ay may kwento. Bawat boses ay mahalaga.
Samahan kami sa District 7 Family Summit sa Aptos Middle School. Inaanyayahan ng This Is Your City: Family Summit Series ang mga pamilya, tagapag-alaga, kabataan, at miyembro ng komunidad mula sa buong San Francisco na tumulong sa paghubog ng kinabukasan ng ating lungsod.
Sino ang dapat dumalo? Lahat ay malugod na tinatanggap. Itinatampok ng kaganapang ito ang Distrito 7, ngunit maaari kang dumalo sa anumang Family Summit na akma sa iyong iskedyul.
Bakit tayo nagtitipon? Ang Family Summit Series ay bahagi ng unang Citywide Community Needs Assessment ng San Francisco. Sa pamamagitan ng mga pakikipag-usap sa mga pamilya sa buong Lungsod, natututunan natin kung ano ang pinakamahalaga sa mga bata, kabataan, mga kabataang edad 17-21 (minsa’y hangang 27), at mga pamilya. Ang ating matututunan ay makakatulong na mapabuti ang pagpaplano, mga programa, at mga serbisyo sa hinaharap.
Buong buhay ka man ay nanirahan sa San Francisco o kamakailan mo lang ito ginawang iyong tahanan, mahalaga ang iyong mga karanasan at ideya.
Libreng pagkain. Libreng pangangalaga sa bata. May interpretasyon. Pakitandaan na lahat ng kahilingan sa interpretasyon ay dapat gawin 48 oras o higit pa bago ang Family Summit.
Kabilang sa mga kapitbahayan ng District 7 ang : Inner Parkside, Golden Gate Heights, Inner Sunset, Parnassus Heights, Clarendon Heights, bahagi ng Twin Peaks, West Portal, Forest Knolls, Midtown Terrace, Forest Hill, Miraloma Park, Sunnyside, Sherwood Forest, Westwood Highlands, Westwood Park, St. Francis Wood, Monterey Heights, Mt. Davidson, Balboa Terrace, Ingleside Terraces, Stonestown, Lakeside, Parkmerced, Lake Merced, City College, San Francisco State, bahagi ng Ashbury Heights, at bahagi ng UCSF Parnassus Heights.
Mga Detalye
Magrehistro para sa District 7 Family Summit
Sumali sa Summit ng Iyong Kapitbahayan →Petsa at oras
Gastos
LibreIto ay isang libreng kaganapan at bukas para sa lahat ng residente ng San Francisco . May libreng pagkain, pangangalaga sa bata, at interpretasyon.
Lokasyon
San Francisco, CA 94127
Mga ahensyang kasosyo
Makipag-ugnayan sa amin
Address
San Francisco, CA 94103