Skip to main content

Kaganapan

Punong-pulong ng Pamilya sa Distrito 3

Ito ang Iyong Lungsod. Ito ang Iyong Tinig. Ito ang Iyong Kinabukasan.

Our Children Our Families Initiative

Bawat pamilya ay may kwento. Bawat boses ay mahalaga.

Ang This Is Your City: Family Summit Series ay nag-aanyaya sa mga pamilya, tagapag-alaga, kabataan, at miyembro ng komunidad mula sa bawat kapitbahayan ng San Francisco na tumulong sa paghubog ng kinabukasan ng ating lungsod.

Samahan kami sa District 3 Family Summit!

Kabilang sa mga Kapitbahayan ng Distrito 3 ang: Barbary Coast at Northern Waterfront, Chinatown, Lower Nob Hill, Financial District, Fisherman's Wharf, Jackson Square, Nob Hill, North Beach, Polk Gulch, Russian Hill, Telegraph Hill, at Union Square

Pinangunahan ng Our Children Our Families Initiative (OCOFI) , ang Family Summit Series ay bahagi ng kauna-unahang Citywide Community Needs Assessment ng San Francisco —isang sama-samang pagsisikap na pinangunahan ng 14 na departamento ng Lungsod at ng San Francisco Unified School District upang mas maunawaan ang mga kalakasan, prayoridad, at mithiin ng mga bata, kabataan, mga kabataang edad 17-21 (minsa’y hangang 27) nasa transitional age, at mga pamilya.

Buong buhay mo man o kamakailan San Francisco lang ito ginawang tahanan, mahalaga ang iyong mga karanasan at ideya. Makiisa sa iyong mga kapitbahay sa pag-uusap tungkol sa kung ano ang nakakatulong sa mga pamilya na umunlad ngayon at kung anong mga oportunidad ang magpapalakas sa ating mga komunidad para sa mga susunod na henerasyon.

Libreng pagkain, pangangalaga sa bata, at interpretasyon ang ibinibigay. Lahat ay malugod na tinatanggap.

Mga Detalye

Ibahagi ang Kwento ng Iyong Pamilya.

Magrehistro para sa District 3 Family SummitSamahan Kami!

Petsa at oras

to

Gastos

Libre

Libre ang kaganapang ito at bukas para sa lahat ng residente ng San Francisco . May libreng pagkain, pangangalaga sa bata, at interpretasyon.

Lokasyon

Betty Ann Ong Recreation Center1199 Mason Street
San Francisco, CA 94108

Makipag-ugnayan sa amin