Kaganapan
Distrito 5 Family Summit - Tenderloin
Ito ang Iyong Lungsod. Ito ang Iyong Tinig. Ito ang Iyong Kinabukasan.
Our Children Our Families InitiativeBawat pamilya ay may kwento. Bawat boses ay mahalaga.
Ang This Is Your City: Family Summit Series ay nag-aanyaya sa mga pamilya, tagapag-alaga, kabataan, at miyembro ng komunidad mula sa bawat kapitbahayan ng San Francisco na tumulong sa paghubog ng kinabukasan ng ating lungsod.
Samahan kami sa District 5 Family Summit - Tenderloin!
Kabilang sa mga Kapitbahayan ng Distrito 5 ang: Tenderloin, Civic Center, Hayes Valley, Lower Haight, Western Addition, Fillmore, Alamo Square, Japantown, NoPA, at Haight Ashbury.
Pinangunahan ng Our Children Our Families Initiative (OCOFI) , ang Family Summit Series ay bahagi ng kauna-unahang Citywide Community Needs Assessment ng San Francisco —isang sama-samang pagsisikap na pinangunahan ng 14 na departamento ng Lungsod at ng San Francisco Unified School District upang mas maunawaan ang mga kalakasan, prayoridad, at mithiin ng mga bata, kabataan, mga kabataang edad 17-21 (minsa’y hangang 27) nasa transitional age, at mga pamilya.
Buong buhay mo man o kamakailan San Francisco lang ito ginawang tahanan, mahalaga ang iyong mga karanasan at ideya. Makiisa sa iyong mga kapitbahay sa pag-uusap tungkol sa kung ano ang nakakatulong sa mga pamilya na umunlad ngayon at kung anong mga oportunidad ang magpapalakas sa ating mga komunidad para sa mga susunod na henerasyon.
Libreng pagkain, pangangalaga sa bata, at interpretasyon ang ibinibigay. Lahat ay malugod na tinatanggap.
Mga Detalye
Ibahagi ang Kwento ng Iyong Pamilya
Magparehistro para sa District 5 Family Summit - Tenderloin.Samahan Kami!Petsa at oras
Gastos
LibreLibre ang kaganapang ito at bukas para sa lahat ng residente ng San Francisco . May libreng pagkain, pangangalaga sa bata, at interpretasyon.
Lokasyon
San Francisco, CA 94109